Eleven: Bebeloves.

834 24 1
                                        

"Sige na, ipagpapaalam kita," ani Janine sa phone. "Sunduin ka namin diyan ng Daddy ko. Ipagpapaalam ka namin."

"Wag na," ang sabi ko. "As if naman papayagan nila ako dahil ikaw ang nagpaalam para sa akin. Eh, ilang beses mo na kayang ginawa 'yon, 'di ba? Pumayag ba? Hindi naman, 'di ba?"

"Iba naman 'yong dati, eh. Siyempre iba ngayon. Wedding anniversary ng parents ko, wholesome 'to, kaya papayagan ka naman siguro," ang pamimilit nito.

"Wag na nga kasi. Hayaan mo na," sabi ko.

"Eh, bakit parang ikaw mismo ang ayaw?"

"Hindi naman sa ganoon, kaya lang—-"

"Hindi, eh. Dati ikaw 'tong namimilit na ipagpaalam kita sa parents mo. Bakit ngayon, eh, todo tanggi ka na? Anong meron, ha?" anito.

Nakahalata ang bruha.

"Siyempre nadala na rin. Ayoko nang umasa. Mafu-frustrate lang din ako," explain ko. 

"Ganoon ba?" anito na tila hindi ko naman nakumbinsi. "O baka naman mas gusto mong manatili nalang diyan sa inyo at mas enjoy kang ka-chat si ano..."

"Uy, 'di, ha!" ang agad kong deny. Best friend ko talaga ang bruha, kilalang-kilala ang likaw ng bituka ko. "Pano naman napasok sa usapan 'yong tao," 'kako.

"Sinong tao? 'Kaw, ha. Ni wala pa nga akong sinasabi, eh," she said, teasing me.

"Eh, sa alam ko naman kung sinong tinumtumbok mo!" 'kako.

"Bakit ka defensive, ha? Kasi totoo?"

"Di nga sabi! Ang kuliiiittt!"

Tumawa lang ang bruhilda. "Oo na, 'di na! 'To naman, masyadong pikon. Para binibiro lang. Affected much lang? O, siya, siya, kung ayaw mo talaga, eh, 'di gow! Push mo pa 'yang pagiging forever alone mo. Gorabels lang. Kung saan ka masaya suportaan tika."

"Sorry na kasi. Alam mo naman ang sitwasyon ko."

"Oo na, oo na. 'Di na kita pipilitin. Babush na at tawag na ako ni Mommy. Lalafang na yata kami. Babels!"

"Okay, bye. I-greet mo nalang ako kina Tito at Tita."

"Okidoki. Bye." And the line went dead.

Bakit nga kaya ganoon, ano? Bakit dati rati, eh, ang bigat-bigat sa kalooban ko kapagka may lakad at ayaw akong payagang sumama? Bakit ngayon parang hindi naman? Parang okay lang talaga sa akin. No hard feelings o whatsoever. Chill lang, ganoon. 

Eh, kasi tama si Janine! Mas excited kang maka-chat si Hans kaysa gumala, ang sabi ng kontrabidang bahagi ng aking utak.

At gusto ko mang kumontra, tila hindi ko magawa. Kasi naman totoo! Ewan ko ba, 'di ko ma-explain. Alam ko namang kalokohan pero nag-i-enjoy talaga akong kausap si Hans kahit na wala naman siyang ibang ginawa kundi ang asarin ako. Maybe because he's the only guy na nakakausap ko ng ganito. Ang hirap talaga ng walang ibang makausap, kahit sino nalang pinapatulan.

One notification received. May nag-comment daw sa profile picture ko. Classmate ko noong high school. Lalaki.  Si James.

Grabe, ang ganda mo na ngayon, Lara, anito.

Naks! Na-flatter naman ako.

Thank you, reply ko.

Muli itong nag-comment. Kaya kita crush noong HS, eh. Hihi.

Weeeh? Ganoon? Crush niya ako noong high school? Ba't 'di ko nahalata? Na-flatter naman ako ng slight. Campus crush kasi ang damuho noong high school. Madaming girls ang nagka-crush sa kanya noon at kasama na nga kami ni Janine doon. Iyon pala'y may crush din sa akin ang luko! Naks! Pakiwari ko'y humaba bigla ang buhok ko.

My Virtual Boyfriend (ON-HOLD!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon