Three: Echoserong Froggy.

1.3K 39 8
                                    

As usual, cell phone agad ang kinapa ko pagkagising. That's a habit already. Pagkabukas na pagkabukas ko ng mga mata ay cell phone agad ang unang hinahanap ng aking mga kamay. Parang automatic na iyon. Naka-program na yata sa aking sistema.

After checking for any important text messages, I proceeded to checking my Twitter, Instagram and FB accounts. At medyo nagulat pa ako nang makitang binabaha ng messages ang aking FB.

Hulaan niyo kung kanino nanggaling? Tumpak! Kanino pa nga ba nga ba kundi kay HanSha Foreva a.k.a. "Mr. Suicide".

Oo, "HanSha Foreva" ang FB name niya. Ang baduy lang! I hope that's not his real name. Duh.

Aba't hindi ba natulog ang kumag na 'to? Mukhang wala na yatang ginawa buong magdamag kundi ang i-PM ako. Malala na yata talaga ang sayad sa utak ng lalaking 'to! Kung mamalasin ka nga naman. Wala ka na nga halos nakakasalamuha sa tunay na buhay, ganitong mga klaseng nilalang pa ang makakasalamuha mo online. 

Pretty? Weee. Accept my friend request first at ako ang magsasabi kung maganda ka ba talaga o hindi. Because your profile picture is telling me otherwise!

 

Naks! Pati PP ko, kinutya ng damuhong 'to! Hoy, lalaking suicidal, medyo blurred lang 'yan kaya 'di halatang pretty ako sa personal! Echoserong 'to!

But, no, hindi ako magri-reply. Hindi ako papatol sa isang desperadong katulad mo. I, instead, read the rest of his messages.

Oh, bakit hindi ka na nag-reply? Siguro totoo ang sinasabi ko, ano? Siguro super pangit ka talaga kaya ayaw mong makita ko 'yong iba mo pang pics! Nahihiya ka siguro. ^_^

O ano na? Ba't 'di ka na nagri-reply diyan? 

Sige ka, 'pag 'di ka nag-reply, mumultohin kita 'pag natuloy 'yong pagsu-suicide ko! Awooooo!

Yaks! Nanakot ka! So pathetic. 

It's past twelve aleady pero hindi pa rin ako makatulog. She's not even answering my text messages. I can't even call her because she's out of reach. Gosh, what shall I do? I am going crazy!

Ay, pakialam ko! Ba't mo sa akin sinasabi ang mga bagay na 'yan? Close ba tayo, ha? 

Are you still awake? Are you reading my messages right now? Please, please reply. I need someone to talk with. Mababaliw na yata ako. Wala akong ibang makausap. Hindi pa alam ng friends at family ko ang nangyayari sa'min. Please, please, talk to me. 

Kaya ako ngayon ang kinukulit mo? Echoserong 'to!

Okay, fine! Di huwag kang mag-reply! Hindi kita pinipilit. Basta itong tandaan mo, mumultohin kita 'pag nag-suicide ako!

Weee? 'Di ako takot sa multo, gago!

Basta kapag naisipan mong mag-reply at 'di na ako nag-reply sa'yo... alam na... 

Nanakot pa! Mag-suicide ka kung gusto mo, pakialam ko. Basta ako, hindi ako magri-reply sa mga messages mo. Ayoko ng kaibigang puro bad vibes ang dala! Puro bad vibes na nga ang laman nitong buhay ko, dadagdagan mo pa! 

Pag nag-suicide ako, kasalanan mo. Kasi kung kinausap mo ba naman ako, malamang na nagbago pa ang isip ko. :(

Naks! Nangonsensiya pa ang damuho! Hoy, ako ba girlfriend mo, ha? Ako ba nang-two-time sa'yo? Bakit mo ipapasa sa'kin ang kagagahan niyang two-timer mong girl friend! Taong 'to!

"Lara! Nakahanda na 'yong mesa! Wala ka bang balak bumangon diyan, ha? Mali-late ka na!" narinig kong sigaw ng Yaya Maring namin mula sa labas ng kuwarto ko.

"Nandiyan na po, Ya!" ang sagot ko bago dali-daling inilapag sa bedside table ang aking cell phone. 

Nakakasira naman ng araw ang lalaking iyon! Makapag-agahan na nga lang. 

My Virtual Boyfriend (ON-HOLD!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon