One: Meet Lara.

3.2K 50 5
                                    

Ako si Lara. Eighteen years old, second year Business Administration student and an official member of NBSB society. Yup. I’ve no boyfriend. Since birth. As in wala ni isa. Zero. Nada.

Don’t get me wrong, okay? Hindi ako pangit. As a matter of fact, maganda ako.

Oo, hindi sa pagmamayabang pero maganda talaga ako. Magaganda kasi talaga lahi namin. Mommy ko, naging official contestant ng Bb. Pilipinas dati. Iyon nga lang, she was disqualified. Na-buking kasi na preggy siya bago pa mag-coronation night. Kaya ayon at natsugi ang beauty niya sa competition. Ang aga kasing umibig kaya ayon, naikasal ng wala sa oras sa Daddy ko.

Ate ko din, puro magaganda. Yung panganay namin, si Ate Jana, naging commercial model since twelve years old. Kundi lang siguro maagang nag-asawa iyon, malamang sikat na 'yon ngayon. Kaso, sumunod sa yapak ng Mommy namin. Maaga ding umibig at... alam mo na.. nabuntis at nagpasakal. Este, nagpakasal.

Yung sumunod naman kay Ate Jana, si Ate Anya, maganda din. Makailang beses din iyong na-approach ng mga talent scouts, kaso ayaw niyang mag-artista o mag-model man lang. Mahiyain kasi 'yon. Takot humarap sa tao. Pero maganda din ‘yon.  As a matter of fact, madami ang nagsasabing siya ang pinakamaganda sa aming tatlo. And I agree. Iyon nga lang, sumunod din siya sa yapak ng Mommy at ng Ate Jana ko. Naging mommy din at a very young age. Ang mas masaklap pa, hindi siya pinanagutan noong walang modong lalaking bumuntis sa kanya. Kaya at nineteen years old, Ate Anya became a single mom.

Ngayon ay alam niyo na siguro kung bakit NBSB ako. Kung hindi niyo pa alam, aba, kailangan niyo na sigurong magpakonsulta sa doctor at sigurado akong may problema na 'yang utak niyo. I mean, heller? It’s pretty obvious naman, ‘di ba? Bawal. As in capital B-A-W-A-L. Bawal makipag-boyfriend! Bawal! Bawal! Baaaa... wal!

Ayaw daw nilang maulit sa akin iyong nangyari sa kanilang tatlo. Kaya heto, bantay-sarado ever since ang drama ng buhay ko. Hindi lang bawal makipag-boyfriend. Bawal din magpaligaw. Ni bawal makipagkaibigan sa mga lalaki. Ganoon katindi!

School-bahay lang ang rota ko sa araw-araw. Yes, my life is sooo boring! As in B-O-R-I-N-G! And I freakin’ hate it! Gosh!

I mean, hello? Napaka-unfair naman yata noon, ‘di ba? Porke’t maagang lumandi (sorry for the word) ang mudrabels ko’t mga sisterettes, eh, kailangan na nila akong tratuhing parang preso? I mean, I don’t even have a social life, for crying out loud! Wala na ngang love life, wala pang social life! Lahat na lang bawal. Kulang nalang pati pag-utot, bawal! Saklap!

Kaya ‘eto, pagkagaling sa school, deretso bahay na agad ako. Kawawa naman ako. Huhuhu.

Takas? Anong takas, eh, hatid-sundo kaya ako sa school. Walang kawala ang lola niyo, akala niyo. Alam ng Mommy ko ang sked ko sa school kaya thirty-minutes before my last class ends, nandiyan na ang ever loyal naming family driver, si Mang Ben, sa labas ng school campus, inaantay ako. At kahit may school project pa kami na kailangang tapusin, maaasahan mong maghihintay at maghihintay si Mang Ben sa labas. Kahit abutin pa siya ng madaling araw diyan sa labas, hinding-hindi siya aalis ng hindi ako kasama! Takot lang niya kay Mommy. Subukan lang niyang umuwi nang 'di ako kasama at tapos ang maliligayang araw niya. 

Imagine? Eighteen years old, hatid-sundo pa sa school? Ano ‘yon, kinder? Ang saya talaga ng buhay ko! Grabe! Wooh!

My Virtual Boyfriend (ON-HOLD!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon