Seven: The feeling is mutual.

1.3K 34 6
                                    

Hi. How's your day?

Napangiti ako nang mabasa ang PM ni Hans. Ang totoo'y kanina ko pa siya hinihintay na mag-online, nakakahiya mang aminin.

But no, no, no. Hindi ako naiinlab sa kanya gaya ng gustong i-insist ni Janine. Capital N-F-W! As in no freakin' way.

Juice colored, papano naman ako maiinlab sa isang lalaking:

1. May gf. Or ex-gf, whatever. Basta sa lalaking may mahal, or shall I say, patay na patay sa ibang babae.

2. Suicidal. I mean, c'mon, sino ba namang gustong mainlab sa ganoong klaseng lalaki, 'di ba? Heller?

3. Hindi ko naman talaga kilala. Malay ko ba kung may BO siya. O kaya naman baka boses naipit na daga sa totoong buhay. O 'di naman kaya'y anak ng drug lord. We do not really know.

4. Basta hindi pwede. Ayoko. Period.

Wala akong love life since birth pero hindi naman ako ganoon kadesperada.

Seenzone na naman? Akala ko ba okay na tayo?

I rolled my eyes before I typed a reply.

Ikaw lang ang nag-a-assume, ano! Hindi tayo okay!

Assuming si kuya! Hmp!

Ay, bad mood? Monthly period?

Tange!

Hindi ba?

Hindi no!

I rolled my eyes.

Eh, bakit ka bad mood?

Hindi ako bad mood.

Weee. Umuusok nga 'yang ilong mo sa sobrang inis, oh.

Hindi no! Nakangiti nga ako. Ganyang kalaki oh. ^___________^

Grabe, ang laki pala ng bibig mo. :p

And so? Si Anne Curtis nga ang laki ng bibig pero ang pretty.

Mas pretty ka kay Anne Curtis.

Napangiti naman ako ng bongga. Huwag kang kiligin, bruha! Binobola ka lang niyan.

Bola pa more!

My Virtual Boyfriend (ON-HOLD!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon