READ AT YOUR OWN RISK
×××××Chona: Sir, i'm sorry about what happened earlier.
Ogie: Sorry na naman? Isa pang ulit tatanggalin na kita ha.
Chona: Opo.
Ogie: Nag a-apply ka pa lang sabi ko ayoko ng na l-late 'di ba? Tumango tango ka pa hindi mo naman pala kayang gawin.
Chona: Sorry po ulit. May naging problema lang po sa bahay.
Ogie: Palusot ka pa. You may go now. Paki dala na lang yung mga papers na kailangan kong pirmahan.
Chona: O-opo.
~
Ogie: She's so cute, Pipay. Tanong ko lang ha, alam mo ba yung naging problema sa bahay nila? Dahil doon daw siya na late eh.
Pipay: Kuya, hindi mo pa ba alam?
Ogie: Ang alin? Malamang, itatanong ko ba kung alam ko?
Pipay: K-kuya namatay yung mommy niya.
Ogie: O-oh my ghad.
Pipay: Pinagalitan mo ba siya kaninang na late siya? Ang lungkot ng mata eh.
Ogie: O-oo. Sabi ko pa isang maulit beses na maulit pa tatanggalin ko na siya.
Pipay: Kuya naman.
Ogie: Pipay, hindi ko naman alam eh.
Pipay: Eh kasi hindi ka muna magtanong.
Ogie: Oo na ako na mali. Alam mo never ko pa nakitang nakangiti yan, hindi ko pa nakikitang masaya 'yang si Chona.
Pipay: Mali ka talaga. Akala mo kakampihan kita? Humingi ka ng tawad kay Chona.
Ogie: O-oo na, paki tawag nga tapos iwan mo muna kami ha.
Pipay: Sure.
~
Chona: Sir, tawag niyo raw po ako.
Ogie: Chons, sorry. Hindi ko naman alam pinagdadaanan mo. Gusto mo mag leave ka muna?
Chona: No po sir, okay lang po. Mas importante po yung kikitain ko.
Ogie: You sure?
Chona: Opo.
Ogie: Condolence, Chona.
Chona: Mauna na po ako.
~
Chona: Sir, may ipagagawa ka pa po ba?
Ogie: Wala naman na. Pwede ka na umuwi.
Chona: Sigurado ka po? Salamat po.
Ogie: No problem. Ingat ka ha.
Chona: Opo. Salamat po ulit. Sorry po ulit sa nangyari kanina. Hindi na po mauulit, pangako.
Ogie: Okay na yun. Sige na uwi ka na. Ingat, Chona.
Chona: Salamat po.
~
Kinabukasan maagang pumasok si Chona at 6:50 pa lang nasa company na siya kahit 7 o'clock pa pasok niya.
Dumating si Ogie ng mga 7:10 at nakitang nakatulala si Chona at may hawak na litrato.
Ogie: Chona.
Chona: Ay ay ay sir. Good morning po, nandito ka na po pala.
Ogie: Sobrang aga mo naman? Come in.