READ AT YOUR OWN RISK
×××××Chona: Good morning, sir.
Ogie: Walang good sa morning.
Chona: A-ay sorry po, uhm sir ano po gusto niyo? Coffee, tea, or juice? Or water na lang po?
Ogie: Stop! I have my rules. Unang una ayoko ng maingay, pangalawa kung ano ang hingin ko doon ka lang kikilos, pangatlo ayoko ng alok nang alok, pang apat ayokong ikaw mag luto ng agahan ko. Naiintindihan mo?
Chona: O-opo. M-maruno- ay sorry po.
Ogie: Puro sorry. Nakakainis. Nana, pahingi po coffee please?
Nana: Black?
Ogie: Opo. Chona, paki tulungan si Nana.
~
Chona: Masungit po pala talaga si sir 'no?
Nana: Oo ganyan talaga 'yan. Lalo na pag bago ang katulong.
Chona: Naiintindihan ko naman po. Syempre kumikilala pa po siya sa simula. Pero naniniwala ako may tinatago din pong bait 'yan. Hahaha
Nana: Oo naman. Mabait naman siya masungit lang.
Chona: Kaya nga po. Ako na po magdala?
Nana: G-gusto mo ba? Oh sige ikaw na.
Chona: Sige po, manang.
~
Ogie: Si Nana ka ba?
Chona: Opo. Chona ako eh, sa dulo po may Na. Hehe
Ogie: Hindi nakakatawa at nakakatuwa. Pilosopo. Ayus ayusin mo sagot mo't baka hindi kita matagalan.
Napayuko naman si Chona.
Ogie: Arte. Akala ko ba katulong kinuha ni mommy bakit artista itong nasa harapan ko. Ligpitin mo na lang 'yan ha, akyat na 'ko.
Chona: O-opo.
~
Chona: Good afternoon po ma'am Minnie.
Minnie: Good afternoon, kamusta ang ilang araw?
Chona: Okay naman po. Masaya.
Minnie: Oh. Mamaya pa uwi nun, Nana afritada daw ulam niya for dinner.
Chona: Uhm, ma'am h-hindi naman po sa ano p-pero bakit po ang sungit po ni Sir?
Minnie: Hindi ko rin alam eh. Huling natanggal ang sungit niyan noong na-inlove. Tapos hindi na nasundan.
Chona: A-ah baka po dahil doon?
Minnie: Siguro.
Chona: Saan mo po ba pinaglihi. Hahaha
Minnie: Hahaha
Chona: Mukhang mabait naman po si sir. Maybe soon makakasundo ko po 'yun.