READ AT YOUR OWN RISK
×××××
Ogie: Hon, pwede pakibuhat saglit? Ngalay na kasi ako eh umiiyak pag nilalapag.
Chona: Oh bakit sa akin mo ibibigay? Hindi naman ako nanay niyan ha? Hayaan mong umiyak kung ngalay ka na.
Ogie: Hon, please?
Chona: Ano ba? Hindi ko naman anak 'yan bakit ko bubuhatin?? Kung hindi mo kayang alagaan ibalik mo sa nanay.
Ogie: 'Yun nga eh, hindi ko alam nasaan. Sige 'wag na kaya ko nam-- ay anak ano ba naman, bakit tumatagos wiwi mo?
Chona: For sure hindi nakaayos diaper niyan. Palitan mo na.
Ogie: A-ah oh sige. Anak, sorry ha hindi kasi marunong si daddy sa mga ganito eh, palit tuloy tayo ng palit ng diaper, matututo rin ako hintay ka lang ha. Sorry baby.
~
Pag pasok ni Ogie ng kwarto naabutan niyang buhat ni Chona yung baby.
Ogie: A-ah akina. Sorry, nag pee lang ko. Halika na anak.
Chona: Swerte siya ikaw kamukha niya. Oh, ang bigat.
Ogie: Sorry. A-anak sorry ha wala kang mommy, iniwan tayo baby eh, but for sure tita Chona will take care of you, right hon?
Chona: Bakit? Hindi mo 'ko inanakan tapos pagbabantayin mo 'ko ng bata na hindi ko naman kaano ano? No. Alagaan mo mag isa 'yan
Ogie: Joke lang pala, baby. Haha i love you, sweetheart. Dad will try his best for you okay? I will stand as your mommy and daddy, strong yata 'to si daddy.
Chona: Strong pero naluluha ka.
Ogie: Haha uhm ano ba pwede ko na ipakain sa kanya? Wala namang siyang mommy for breastfeed eh.
Chona: Malay ko, mukha bang may alam ako sa pag aalaga ng bata? Pakainin mo ng buhangin.
Ogie: Grabe naman. Mag ask na lang tayo sa pedia mo tomorrow, baby ha.
~
Chona: Ang ingay naman niyan natutulog ako
Ogie: S-sorry sorry, anak no iyak kasi ano ba paano ka ba tatahan? Hindi ko na alam.
Chona: Balibag mo para tumahan.
Ogie: Hindi ko naman hinihingi comment mo, ayoko patayin ang sarili kong anak.
Chona: Hindi ko naman sinabing patayin mo.
Ogie: Eh ano ba mangyayari pag binalibag ko? Anak, halika sa kabilang kwarto na lang tayo. Doon na tayo palagi ano, achus ang baby cute cute. Sige na, sa kabilang kwarto na kami pasensya sa istorbo.
Chona: Dali na.
~
Hindi na alam ni Ogie ang gagawin dahil ayaw tumigil ng iyak nung baby.
Ogie: Anak, ano ba gusto mo? Hindi ko mahulaan. Ano gusto mo milk? Ha? Milk ba? Baby ano? Hindi ko na alam gagawin ko.
Sobrang stress na si Ogie dahil ayaw tumahan ng bata at mas lalo pang lumakas ang iyak nito.