"HIJA?" Nangunot ang noo ko nang marinig ang pagtawag ni Manang mula sa labas ng aking kwarto. Agad ko iyong binuksan at bumungad sakin ang nangangambang mukha ng matanda.
"Ayos ka lang, Manang?" Hindi ko napigilang itanong. Bumakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan. Kalaunan ay bumuntong-hininga ito.
"May hihingin sana akong pabor." Tumango ako, hinihintay kung anong pabor iyon.
Tumikhim ito bago magpatuloy. "Dalhan mo sana ng tanghalian si Alaric sa munisipyo pati na rin ng damit, Hija." Napaamang ako sa sinabi nito.
Nabanggit pa lang ni Manang ang pangalan ng lalaki ay parang gusto ko ng umatras. Nakita siguro ni Manang ang pag-aalinlangan ko kaya umiling-iling ito.
"Hindi ko na k-kasi magawa, Hija. Masama ang pakiramdam ko kanina pang umaga." Nahabag ako sa sinabi nito kaya walang pagdadalawang isip akong pumayag.
I sighed when I close the door. Iniisip ko pa lang na makikita ko si Alaric mamaya ay di na ako mapakali. Huli ko siyang nakita kagabi, at halos sinisilaban ako pag naalala ko ang ginawa namin magdamag.
I slightly slap my burning cheeks. Hindi ko lubusang maisip kung bakit ko nagawa yun, hindi lang isang beses naming ginawa kundi di ko na nabilang sa dami! Nahihiya ako kapag naiisip kong makakaharap ko siya mamaya!
Tumingin ako sa orasan. Nang makitang malapit na ang oras ng tanghalian ay labag sa loob akong pumasok sa banyo.
Bumaba na ako matapos ang pagligo. Tahimik kong hinihintay sa sala ang papadala ni Manang na pagkain.
Maya-maya pa'y dumating na rin si Manang dala ang dalawang brown na paper bag. Tumayo ako at kinuha sa kanya iyon. Manang apologizes.
"Pasensya na kung natagalan."
"Ayos lang ho."
Tumingin si Manang sa bitbit kong blue na paper bag.
"Damit niya ho." Itinaas ko pa ito. Ngumiti ito ng pasikreto na nakita ko din naman. Umiling na lang ako at nagpaalam na nang makita rin ang oras.
"Mag-ingat ka." Tumango ako at tuluyan ng umalis. Sinalubong ako ni Manong Gardo na nakilala ko lang nung nakaraan. Asawa ito ni Manang na siya ring opisyal na driver ng mansion.
"Pasok na po kayo, Madam. Mainit po." Binuksan nito ang passenger seat.
"Salamat po."
Tahimik lang akong nakatanaw sa labas–kinakabahan. Maya-maya pa ay tumambad na sa akin ang munisipyo. Tatlong palapag lang ang naroon pero ang lawak. Huminto ang sasakyan sa entrance. Sa kanan ko ay makikita ang engradeng water fountain.
Kung tutuusin, mapagkakamalan itong isang Inn kesa munisipyo. Pinagbuksan ako ni Manong ng pinto. Umusal ako ng pasasalamat. Sabay kaming pumasok ni Manong. Bumungad samin ang madaming tao kahit entrance pa lang ito.
Natahimik silang lahat ng makita ako. Kimi akong ngumiti at dumiretso sa front desk.
"Magandang tanghali. Nandiyan ba si Alaric?" tanong ko sa babaeng naroon. Tulala itong nakatingin sakin. Kung hindi pa inagaw ni Manong ang pansin nito ay baka uulitin ko pa ang tanong.
"Tessa, Hija!"
"P-Po? Mang Gardo! K-Kayo po pala. S-Sino po itong kasama niyo?" Natawa si Manong. Nangunot ang noo ko nang lumapit si Manong sa babae para bumulong. Gulat ang babae nang mapatingin sakin pagkatapos marinig ang sinabi ng matanda.
Pinagkibit-balikat ko na lang iyon.
"Nasa Santa Monica po ang Mayor, M-Madam." I pouted. Kala ko ba nasa munisipyo.
"Salamat." Tumalikod na ako agad at hindi na hinintay ang sagot nito.
"Manong, tara po sa Santa Monica." Utos ko ng makapasok siya sa sasakyan. Tumango ito.
"Hindi ko masyadong alam ang daan doon, Madam. Madami kasing pasikot-sikot ang lugar na iyon." I sighed.
Bigla kaming nakarinig ng ring ng cellphone. Agad na sinagot ni Manong ang tawag. Tumango-tango ito pagkatapos ay binigay ang telepono sakin.
"Si Mayor, Madam." Nagpasalamat ako at inabot ang telepono. Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"H-Hello." I greeted shyly.
Ilang minuto pa lumipas bago siya sumagot. "Where are you?" Kumalabog ang puso ko nang marinig ang malumanay niyang boses.
"P-Papunta diyan." Nakarinig ako ng ilang kaluskos.
"Don't. Mainit dito. Baka pagpawisan ka lang." Nangunot ang noo ko nang marinig ang isang boses ng babae.
"Mayor, silong po kayo! Mainit po diyan!" Natahimik ang kabilang linya kaya tiningnan ko kung patuloy pa rin ang tawag. Nagsalubong ang kilay ko.
I heard him reply with his usual cold and serious voice. "I'm fine, Marie. I'm just talking to someone." He replied.
My brows furrowed even more when I heard his last word. I'm just a someone?
"Hey, still there?" I sighed heavily.
"Bakit di ako pwedeng pumunta diyan?" I asked ignoring his reason earlier.
"It's quite hot here, I worried that you–" Naputol ang sasabihin niya nang may magsalita ulit.
"Mayor, eto po, magpayong po kayo. Pawis na pawis na po kayo. Pupunasan ko po kayo." Hindi ako makapaniwalang napatitig sa teleponong hawak ko.
Rinig ko ang palitan ng salita ni Alaric at ng Marie na iyon. I heard Alaric called me pero binalewala ko yun dahil sa pagsasalubong ng kilay ko. Naiinis ako.
Bakit ayaw niya akong papuntahin doon? Hindi dahil sa mainit kundi dahil sa babaeng 'yon!
"Liliana?" I heard him called. Imbes na gumaan ang pakiramdam ko ay lalo lang nainis nang marinig ang sinabi ng babae.
"Mayor, tama na muna sa ginagawa niyo. Kakain na daw po sabi ni Manong."
How dare she! Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong sumabog sa inis. "Pupunta kami diyan! Wait for us!" I shouted angrily in the phone.
"What? Liliana! Don't–" Binaba ko na agad ang tawag dahil sa inis sa narinig mula sa bibig niya. Bakit ayaw niya akong papuntahin doon! Imposible naman na dahil lang sa init ng panahon iyon!
Salubong ang kilay kong ibinalik kay Manong ang telepono. "Tara na sa Santa Monica, Manong." Lihim na ngumiti ang matanda.
Nakarinig kami ng ilang ring sa telepono niya. "Tumatawag po si Mayor, Madam."
Umirap ako. I crossed my arms and looked outside the car's window. "Huwag mo pong sagutin. Nag dadrive ka, Manong."
Humalakhak ang matanda.
Salubong ang kilay akong nakatingin sa labas. Naiinis ako kapag iniisip kong kaya ayaw niya akong papuntahin doon ay dahil sa babaeng 'yon!
Hindi naman ako magagalit kapag sinabi niya ang totoong dahilan. But what he's doing? He's making up reasons!
YOU ARE READING
His Sweetest Obsession
RomanceR18 | Art of Temptation Series Maria Liliana Rossi is a girl locked up in the four walls of her room. She never experience how beatiful life is. She was contented as long as her father is beside her. But unexpected things happen. She found herself...