Kabanata 21

3.1K 85 10
                                    


TAHIMIK AKONG nakatingin sa labas. Madilim ang kalangitan dahilan para magkaroon ng malakas na pag-ulan.

"Here's your milk, baby." Namula ang pisngi ko nang marinig ang tawag niya sa akin. Kanina niya pa yun tinatawag sakin pagkatapos niyang makatanggap ng tawag kay Philip. He looks happy.

Hinawakan ko ang baso habang hawak rin ang comforter na tumatakip sa aking kahubadan.

"Let me." Inagaw niya sa akin ang baso nang muntik ko na itong matapon dahil sa panghihina. Lalo akong namula ng makita ang katawan niya. I sipped from the milk as I felt his fingers gently brushing my hair at the back.

Pasimple ko siyang tiningnan at nakita ang seryoso niyang mukha. Pero kumpara doon, makikita mo sa mga mata niya na masayang-masaya siya. I wondered what happen.

Tumigil ako sa pag-inom kaya nilayo niya na ito sa akin. He put it in the table next to mine. Nagsalubong ang titig namin na nagpangiti sa kanya.

Napaawang ang bibig ko dahil doon. He's more handsome when he smiles.

"Are you that happy?" Napasinghap ako sa lumabas sa aking bibig. It was supposed to be just on my mind!

Ilang minuto siyang natahimik bago tumango. "I'm very happy that I think I can die any moment." Namumungay ang mga mata niyang tumingin sakin. Ganito ba sya kasaya? Mamamatay na agad?

"What happen?" I can't help but ask again. Ang chismosa ko.

Magaan niya akong tiningnan. He stands up kaya sinundan siya ng mga mata ko. Nanlaki ang mga mata ko nang umikot sya sa kabila para tumabi sa akin.

Dumagundong ang puso ko nang masuyo niya akong niyakap sa likod. He then reaches my hand and peck it lightly.

"You happened, Liliana." Parang natunaw ang puso ko sa narinig sa kanya. Butterflies sorrounds my stomach.

Parang ang saya lang sa pakiramdam na marinig iyon mula sa kanya. I never expected that I would be this close to him. I remember that we barely know each other but were acting like a couple. Sa kabila nang masasayang nararamdaman ay di ko maiwasan mangamba. Will these feelings last long?

"I was grateful that you're here with me." Sa di malamang dahilan, nangilid ang mga luha ko. He said hoarsely with lots of emotions.

His arms snaked around my waist and hug me tightly. "I vision this out every day. You, in my arms." My heart skips a beat. Malamig dapat dahil malakas ang ulan sa labas, I don't want to say this, but I feel like a snowman melting whenever I was in his arms. Warm, and comfortable.

"Let's stay here for a while." I nod gently, surrendering to whatever he wants. We watch the heavy rain through the glass door of his office. Tanging ang glass door lang ang nagbibigay sa amin ng ilaw. The rain is supposed to bring heavy emotions. But compared to what I was experiencing now, it's quite warm because of his hugs and gentle kisses to my temple and hands.

We are tangled to each other with the disheveled comforter covering us. I was so comfortable that I pass out to sleep that I didn't even hear what was the last words he said.

"Don't leave me again, wife."


"PARANG MAGANDA tulog natin ah." Namula ang pisnge ko sa narinig na pang-aasar ni Brandon. We are currently loading the car with stuffs like foods. Pauwi na rin kami dahil di kami nakaalis kahapon sa lakas ng ulan. Makulimlim pa din pero napagdesisyunan ni Alaric na umuwi na para di kami maabutan ng nagbabadyang ulan at baka maistranded pa raw kami rito sa warehouse.

Nakita kong ngumisi lang si Alaric. Dahil sa binigay nitong reaksyon ay napasigaw ang dalawa.

"Yown oh! Sana all naka-score!" Biro ni Philip na may kasama pang aksyon na parang nag babasketball.

Hinanap naman ng mata ni Brandon ang akin. "Three points ba, Madam?" Inirapan ko ito dahil sa kahihiyan. Anong klaseng tanong yun?!

"Back off, Brandon." Saway ni Alaric. Natawa na naman ang dalawa. Akma kong bubuhatin ang tatlong kilo ng bigas ng may umagaw dito.

"Let me. You're still tired." Uminit lalo ang pisngi ko nang marinig ko ang kantyaw ng dalawa. Tinawanan lang ito ni Alaric. Wala akong nagawa kundi ibigay sa kanya iyon. Tumalikod sya para dalhin ito sa likod ng sasakyan. Nadaanan niya ang dalawa na tuloy pa rin sa pang-aasar. Nginisihan niya lang ito.

I watch him put the rice behind the car. His phone rings and answers it after looking at the caller. Nangunot ang noo ko nang mawalan ng emosyon ang kanyang mukha. Nagtagis ang mga bagang at agad tumingin sa akin.

Natahimik ang dalawang lalaki dahil sa nasaksihan. Alaric abruptly ended the call after saying some words. He's too far to hear it.

Malalaking hakbang niyang kinain ang pagitan namin. He pulled me into a tight embrace. As expected, my heart went crazy.

"What happen?" Lalong humigpit ang yakap niya sakin. He breathes heavily.

Umiling sya. He then leans forward to kiss my forehead.

"Let's go." Anito sa maawtoridad na boses. Inalalayan niya ako papasok ng backseat. Philip and Brandon enter the car with their serious faces too.

I secretly gulped nang maramdaman ang tension sa paligid. Lakas loob kong kinuha ang kamay ni Alaric. Dahil doon, napatingin siya sakin. His green eyes became softer when I kiss his tight knuckles.

"It's gonna be okay." Lihim akong napasinghap nang makitaan ko ng takot ang kanyang mga mata. He held my hand tighter. I reach my other hand to touch his face. Para siyang batang napapikit dahil sa haplos ko. Fear is still visible on his face. Fear to what?

Saan ka natatakot, Alaric?

Hindi nito nakayanan at hinila ako para sa isang mahigpit na yakap. I sighed in worry when I felt him shiver a little bit. This is the first time I saw him this vulnerable. As if he knows that something bad will happen, and that's scaring him.

From my peripheral, I saw the two-man look at their Boss with sympathy.

Sa buong byahe ay nakayakap lang sa akin si Alaric. I don't mind though. I like him showing his vulnerability. Kahit nangangamba ay pinagsasawalang-bahala ko na lamang.

Maya-maya ay nakarating na rin kami sa mansion. Nagsalubong ang kilay ko ng di dumiretso ang sasakyan papasok. Nanatili itong nasa tapat ng gate.

Mabilis pa sa alas-kwatrong humiwalay sa akin si Alaric.

"Stay here. We'll be back in a minute." My brows furrowed even more. He opens the door and he gets out. He looks at Brandon that is in the passenger seat.

"Guard her." Brandon nodded.

"Sasama ako sa loob. Naghihintay sakin sila–"

"Liliana!" Naitikom ko ang bibig ko sa pagkagulat sa sigaw niya. He looks taken aback from his shouting too. So, he quickly apologizes.

"I-I'm sorry, baby. It was just not the right time. J-Just stay here, hm?" Wala sa sarili akong tumango. He sighed in relief and quickly peck a kiss on my lips.

"Stay here." Pag uulit niya bago tuluyan ng umalis. I watch him open the gates slightly, enough for them to enter.

Tuluyan na silang nakapasok. I wonder even more, why does he forbid me to enter there? 

His Sweetest ObsessionWhere stories live. Discover now