Chapter 2

10 1 0
                                    

Pabagsak akong umupo sa desk chair ko pag kapasok ko ng opisina. Hinilot hilot ko ang sintido ko dahil nananakit na iyon sa dami naming pasyente ngayong araw. It's 8:30pm magliligpit lang ako at uuwi na din ako.

Napangiti ako, maisip ko lng na meron akong uuwian na pogi parang nawawala na yung pagod ko.

*yawnnn

Lalabas pa lng ako ng tawagin ako ni bisugo "What?" taas kilay na tanong ko.

*chuckle*"sungit mo naman po Miss Doc, ingat pag uwi."

Napangiti ako dahil kahit loko loko yan alam ko naman lagi lng yan nandyan pag kailangan ko ng masasandalan, He's my best friend after all.

"Thanks, ingat din pag uwi ky" saad ko sabay ngiti sakanya.

"Wait lng pala, hintayin moko dyan may kukunin lng ako sa opisina ko".

Kunot noo ko syang sinundan ng tingin habang nagmamadali pang maglakad pabalik sa opisina nya. Ano nanaman kaya kalokohan nito, tsk anong oras na baka inaantay nako non.

"Here" abot nya sakin ng paper bag pag balik. Pag tingin ko kung anong laman ng paper bag napahinga na lng ako.

"Ky, sabing hindi mo naman kailangan laging bilan ng ganto yon. Iniispoil mo sa laruan e" sabay tingin sakanya.

"That's simple thing Mau and I insist saka di ako nakapunta nung nakaraang birthday nya diba kasi nga hectic dito. So ayan pangbawi lng, saka hayaan mona ma spoil. Para ako lng favorite nyang ninong" ngisi nyapa.

Napairap na lng ako sakanya sabay ngiti "Thanks ky".

"No prob, sige na ingat sa pag dadrive. Sabihin mo miss na sya ng ninong nyang pogi" dagdag pa nito.

Natawa na lng ako sa pinag sasabi nya. Lumabas nako at dumeretso sa kotse ko, hinuhulugan kopa to dahil ala naman akong pangbayad na buo sa dami kong ginagastusan. Saka nagiipon din ako dahil malapit na mag aral si pau, yes I have a child. Paulo Santos, he's 4 years old, apaka bibo pero pag oras na kailangan ko na pumasok iiyak nayon, ang hirap para sakin makita yung anak ko na umiiyak pag aalis ako.

Pero kung hindi ako mag tatrabaho ala kaming kakainin sa araw-araw. Oo mahirap, pero kailangan e kasi kung hindi ako magsusumikap ala sana ko sa posisyon ko ngayon. Hindi ko sana sya mabubuhay ng ganito, baka hanggang ngayon umaasa padin ako sa magulang ko ng pangkain ko sa araw araw.

-Condo

*Knock knock

Napakunot ang noo ko ng alang nagbubukas ng pinto. Hinalungkat ko ang bag ko at hinanap ang susi para makapasok "Ayun".

*Click

Pag bukas ko ng pinto nakapatay na yung ilaw, sa kusina na lang yung bukas. Inilapag ko muna yung gamit ko sa sofa bago dumeretso sa kwarto para tingnan kung andon ang bulinggit.

"Oh nak, andyan kana pala. Pasensya kana at hindi ko narinig yung katok mo dahil pinapatulog kopa tong si paulo" bati ni nanay dori. Matanda na sya, she's 63 pero tumutulong pa din sakin para bantayan si paulo.

Simula nung manganak ako sya na ang umagapay sakin, kaya kinuha ko na din sya upang mag alaga sa anak ko tuwing papasok ako. Nakilala ko sya nung nahinto ako sa isang kubo na bahay nya pala, basang basa nako ng ulan dahil hindi ko na alam kung san ako pupunta dahil umalis ako samin. Yung mga oras nayon pinagbubuntis ko na si Paulo, pinatuloy nyako at binihisan. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil kung ala sya hindi kona alam kung ano ang estado ng buhay ko.

SUFFERDove le storie prendono vita. Scoprilo ora