*Cringggg cringggggKinapa ko ang orasan sa side table katabi ng kama at pinatay ang alarm. Napabaling ako sa katabi ko na nakayakap sa braso ko, napangiti ako. Bumangon nako ng makapag ayos bago pumasok sa trabaho.
"Morning nay" bati ko ng makita ko syang nag luluto sa kusina.
"Goodmorning maurel, gumayak ka na malapit na din tong niluluto ko".
"Opo, pasilip na lng po saglit si paulo baka magising saglit lang po ako maliligo" saad ko bago pumasok ng banyo.
Pag pasok ko ng banyo naghubad nako ng damit ko at pumasok sa sliding door. Maliit lng tong cr, walang bathtub pero atleas may shower. Ginawa ko na ang dapat kong gawin ng matapos ay nag suot lng ako ng bathrobe at lumabas ng banyo dahil sa kwarto ako magbibihis may walk in closet naman.
"Mimi"
"Oh hi babyy" bati ko sa anak ko na buhat buhat ni nanay pagkalabas ko ng banyo. Binuhat ko sya at agad siniksik ang muka sa leeg ko.
"Morning mie" bati ng anak ko na namumungay pa ang mata.
"Morning din babyy, sige na don ka muna kay naynay mo bibihis lang si mami tapos papakainin na kita okay bayon?" malambing na saad ko.
"Yes po, buhat naynay" bibong sabi nya sabay taas ng kamay buhat daw.
Napangiti ako ng makitang siniksik nya din ang muka nya sa naynay nya, inaantok pa ata pero pinipilit na gising. Dumeretso na ko sa kwarto para makapag bihis, nag suot lng ako ng high waist pants at white tshirt na humahapit sa kurba ng katawan ko. Nag suot lang din ako ng white shoes at pinatuyo ko lang din saglit ang buhok ko at hinayaang lumadlad ang kulay tsokolate kong buhok.
Pag kalabas ko ng walk in close dala dala na ang gamit ko biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag parang ayaw ko na sagutin dahil alam ko nanaman ang sasabihin nya.
"Bakit po?" bungad ko sa tumawag.
"WAla ka bang pera? Kahit limang libo lng ala na kaming pangkain dito, wala ding makain yung mga kapatid mo" saad ng kausap ko.
Napabuntong hininga na lng ako sa narinig, yon talaga unang sinasabi di man lng ako kamustahin "Ma dika padin ba nakakahanap ng trabaho?" mahinahon kong tanong dahil kung hindi baka kung ano nanaman isumbat nito.
"Alam mo naman tinatamad ako pag ganyang trabatrabaho staka hindi naman ako nag tatagal sa mga yon, magpadala ka na lng kaunting pera lang naman ang hinihingi ko kikitain mo den naman yon. Saka yung kuya mo andito din habang naghahanap ng trabaho dumagdag pa yung asawa nya" mahaba nyang sabi.
"Sige Ma mag papadala ko" tamad kong sabi dahil ayoko ng pahabain ang usapan baka may masabi lng ako.
"Yon naman pala e, magpapadala ka din dami mo pang sinasabi saka ikaw lng naman mag isa dyan saka yung nanay nanayan mo na sinasasabi mo hindi ka pa makapag padala dito" pasinghal na sabi nya sabay baba ng tawag.
Napabuntong hininga na lng ako habang pinunsan ang diko namalayang tumulong luha sa mata ko. Oo, hindi nya alam ang tungkol kay Paulo. Kaya ako nag layas non kasi natakot ako na baka sabihin nya sakin na ipalaglag ko ang batang nasa sinapupunan ko. Kahit na hindi to sadya na mabuo, gusto ko padin to. Gusto kong mabuhay ang batang yon kahit ala akong kasiguraduhan kung mapapalaki ko sya ng maayos dahil ala naman syang kasalanan sa kamalian ko.
It's been a year since i last saw him. Ang natatandaan ko lang Theo ang pangalanan nya *chuckle*. Ni hindi konga alam ang apilido at kung ano ang katayuan non sa buhay nung gabing nangyari lahat ng yon.