Chapter 4

0 0 0
                                    

Bago ko dumeretso pauwi ng bahay dumaan muna ko sa convenience store sa tabi ng hospital para bilan ng pasalubong ang anak ko. Gusto kasi non icecream kaya yon lagi naiisip kong pasalubong sa kanya, candy naman madalang lang baka mabungi pa *chuckle*.

Mag tatatlong taon na din ako dito sa hospital ng St. Luke's Medical Center. Hindi ako agad nakapag trabaho dahil dalawang beses ako nag fail sa bar exam para makakuha ng degree, yes im a failure haha nung mga araw nayon laro lang para sakin yung pagaaral eh hindi ako nagseseryoso kahit nakikita ko yung mga kasabayan ko na gumiginhawa na.

Hindi ko naisip na dadating ako sa point na kailangan ko mag sunog ng kilay gabi gabi para lang makapasa dahil kailangan ko, nung mga oras na susuko na ko, lagi ko lang iniisip na para sa kinabukasan ng anak ko kasi ayokong maranasan nya yung naranasan ko. I know im not good enough for being a mom to him but you see, I'm trying and doing my best that k can do just to give a love of a family to him kahit kami lng. Minsan nga naiisip ko na lang bakit ba kasi ganto yung buhay bakit ba kasi imbis na mag aral lang ako ng magaral hanggang sa makatapos ako pa yung nag loko, ako pa yung hindi inayos yung pagaaral ko dati. Nakakalungkot isipin na yung dating pinag pagudan ng magulang ko nasayang kasi dalawang beses ako di nakapasa ng bar exam pero sabi nga nila the third try is a lucky charm kaya ayon.

Pero kung iisipin ko? Nakakalungkot na masaya kasi kung hindi nangyari yon sana hanggang ngayon hindi ko pa din kayang tumayo sa sarili kong paa. Hindi ko pa din sana kaya magsumikap ng walang tulong ng iba, diba tama naman? Natututo tayong magsumikap pag ala na tayong kasama, kasi maiisip natin na oo nga noh? Kailangan ko pala yon kasi para sa future ng magiging pamilya ko.

-

Pagkauwi ko naabutan ko pa ang anak ko na nanonood ng cartoons sa tv sa sala kaya tuwang tuwa ng makitang may pasalubong ako, halos magkanda dapa pa kakamadali. Kaya hindi ako nagsasawang mag trabaho araw araw kasi pag uwi ko makita ko lang naka ngiti anak ko ay kontento na ko.

"Mimii" tawag ng anak ko habang naka kandong sa hita ko. Nandito kami sa sala dahil nagluluto pa si nay dori ng hapunan namin, sabi ko nga ako na pero ayaw pumayag pagod daw kasi ako.

Napabaling ako sakanya at inayos ang buhok nya "yes baby?" saad ko sabay ngiti sakanya.

"Dada?" inosente sya saking naka tingin habang binibigkas ang sinabi nya.

Natulala ako saglit ng matauhan ay inayos ko ang pagkakaupo nya sakin na sya namang sumandal sa dibdib ko "you want to see dada?" malambing na tanong ko.

Napapansin ko din na nitong mag 4 sya madalas nyang nababanggit ang Dada, hindi ko alam kung san nya narinig o ano. Siguro nga hindi na talaga natin maalis sa mga bata ang maghanap ng ibang atensyon at pagmamahal sa iba kahit binibigay mo lahat para hindi nya maramdaman na may kulang.

Bumungisngis nya sabay tango tango "D-dada dada dada" maligalig na kanta nya pa.

Habang nakatingin ako sa anak ko na nakangiti habang sinasabi iyon ay merong parte sakin na nasasaktan kasi hindi kami buo at merong parte sakin na umaasa na sana balang araw mabuo din kami. Na sana magtagpo ulit kami kahit sadya o hindi basta makita ko lng sya kahit na may asawa o girlfriend na yung tao basta para sa anak ko gagawin ko ang lahat kahit na alam kong meron parte saking masasaktan.

"Halika na at kakain na" napabaling ako ng marinig kong nag salita si nay dori.

Ngumiti ako sa kanya at binuhat ang anak ko para pumunta ng kusina. Marunong naman na sya mag lakad gusto ko lang sya binubuhat kahit na medyo mabigat na dahil lumalaki, naglalambing lang ako ang taba pa ng pisngi sarap pugpugin ng halik. Siguro sa tatay nya nakuha ang mata nyang kulay abo, ang may pagkamatangos na ilong, mahabang pilik mata at manipis na labi. Tsk labi lang ata nakuha nito sakin saka ilong e kung nilahat ba naman edi talagang kamuka hahaha kidding.

SUFFERDove le storie prendono vita. Scoprilo ora