══════◄••❀••►══════
Chapter 10Asteria Lein Y Credieu
"Away! Dahan-dahan naman Nwil!" Pagdadaing ko habang ginagamot niya ang sugat ko, sobrang naiinis talaga ako sa lalaking nakita namin kanina. Sinusumpa ko talaga ang agarang kamatayan non!
At ang nakakainis pa kanina pa tahimik si Neil na parang siya pa yong galit sa akin, ako nga yong nasaktan parang ako pa may kasalanan.
"Ba't ba hindi mo na naman ako pinapansin Nwil?" Pagtatanong ko pero binalot niya lang ang kamay ko ng puting bandage. Bakit ba siya nagagalit sa akin? Diba dapat nagagalit siya sa nanakit sa akin? Pagnakita ko talaga yon hindi ko siya pagbibigyan, kahit bata pa siya!
Overstepping boundaries? Eh siya nga yong nakatapak sa lupain ni Binibining Veronica at ninakaw pa yong mga tangerines ko HUHUHU! Ambastos niya pa kanina! Hindi daw masarap? Nakakainis pa yong pinagsasabi niya kay Neil na akala mo kung sino siyang may kapangyarihan.
Pagnakita ko ulit talaga yon, dudurogin ko siya! Ibabalik ko siya sa tiyan ng nanay niya!
Natapos ang paggamot sa akin ni Neil at seryoso akong tinignan,"Ano?!" Naiinis kong pagtanong sakanya dahil kanina pa siya walang kibo.
"Forget him Asteria, I think that boy have nobility. He's dangerous. "
"Walang dangewous dangewous sa akin Nwil! Hinawakan niya yong mga tangerines ko!! Ininsulto niya pa!" Napabuntong hininga naman siya habang ako'y nakayukom ang kamao. Hindi ko talaga siya pagbibigyan kapag nagkita kami!
"Bakit sumisigaw ka Lein?" Napa-ayos naman ako ng upo ng marinig ang boses ni Momma, agad kong tinago sa aking likuran ang palapulsuhan kong namumula. May dalang bayong si Momma at may payong din ito, mukhang galing siya sa farm.
"Okay lang po ako Momma!" Masigla kong bati sakanya.
"Siya nga pala Neil, kinuha ko na sa farm yong pinapakuha mo. Anong gagawin mo dito sa mga to?" Pagtatanong ni Momma kaya napapunta naman si Neil sakanya. Huh? Pinapakuha ni Neil kay Momma sa farm? Nag-usap naman sila sa kusina kaya nagtakha ako.
Pumunta naman ako sakanila at umakyat sa may upuan. Binuksan ko ang bayong at nakita don ang itlog, harina, at isang bote ng gatas ng kalabaw. Eh?! Gagawa siya ng tinapay?
"Gagawa po ako ng tinapay." Ani ni Neil at napatingin kay Momma.
"Marunong ka?" Gulat na saad ni Momma. I cross my arms and pouted, I am proud to tell na marunong ang kapatid kong gumawa ng tinapay Momma, marunong lang pero ako masarap gumawa. Tipid na tumango si Neil kay Momma.
"San mo natutunan iyon Neil?" Ayan magsisininungaling na naman siya.
"Ang pamilya po namin ay nagpapanaderya, kami po ang nagsusupply ng tinapay sa Emperyo." Namangha naman napatingin sakanya si Momma, wag kang maniwala diyan Momma. Scam yan.
"Kung ganoon maari mo ba akong turuan Neil?" inagaw ko ang atensyon ni Momma at niyakap sya, masyado siyang namamangha kay Neil.
"Tutuwuan ka po namin Momma!" Na-ipikit ko ang aking kanang mata ng haplusin nito ang pisngi ko.
"Una po ganito..." Pagsisimula ko.
•••
Natapos ang pagbake namin ng tinapay na punong-uno ng harina sa aming mga damit, nanlaki ang mata ko habang napatingin sa tinapay ni ginawa ni Neil. Mukhang masarap, pero hindi! I can't decieve by how it looks. MAs masarap pa ang bake ko diyan. Kukuha na sana ako ng tapikin ni Neil ang kamay ko.
"Away naman! Bat ba?" Napanguso kong saad. Ang sama-sama niya talaga! Ang damot-damot hindi naman masarap yong tinapay niya, mukha lang!
"Momma first." Napaismid naman ako na ikinatawa naman ni Momma, agad siyang kumuha ng tinapay at kumagat.
"How's it?" Pagtatanong ni Neil kay Momma, how's it? Natural na hindi yan masarap dapat kase ako nalang nagbake.
"Masarap! Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na tinapay! Try it Lein." Nangunot naman ako at tsaka kumuha ng tinapay, kumagat ako rito na ikinangiwi ko.
"Hindi namansh masawap Momma eh!" Hindi naman talaga masarap! Mas masarap pa ako magbake, medyo kulang siya sa gatas at medyo matabang. Napa-ubo naman ako ng mabulunan ako.
"Calm first, hindi ka mauubusan Asteria. Hindi masarap huh?" Binigyan naman ako ng tubig ni Momma, inis akong napatingin kay Neil na ngayo'y nakangisi.
"Hindi naman talaga masawap, tsaka ano! T-tsaka medyo maalat na kulang sa asin! Ay ano! Sa gatas!" Kumuha ulit ako ng tinapay at tsaka kumagat dito, narinig ko naman ang pagtawa ni Momma.
"Ubusin na natin ang tinapay at papaliguan ko na kayo okay?" Tumango naman ako dahil hindi na ako makapagsalita sa dami ng tinapay na nginunguya ko.
•••
"Pahiwam kase ng binabasa mo Nwil!"
"Binabasa ko pa nga eh! Mamamaya kana!"
"Kanina ka pa eh! Ako ang kumuha niyan don sa libwawy!"
Natigil ang pagbabangayan namin ng pumasok si Momma sa kwarto may dala itong nirolyong papel. Napatingin naman ako sakanya, its been three days simula ng mangyari ang pagkuha sa mga tangerines ko ng isang lapastangang nilalang. At napagusapan na din namin ni Momma na magtatayo siya ng panaderya, binigay lahat ni Neil ang mga recipe sakanya at ako ang nagsuggest sakanya na gumawa ng panaderya. Madali lang sakanya yong puhunan, kontesa siya eh.
"Ano po yan Momma?" Ngumiti naman ito at ikinaway ang nirolyong papel na may nakataling ribbon.
"Bakit po?" Pagtatanong ko.
"Makakapasok na kayo sa SUI, simula sa Lunes." Napatingin naman ako kay Neil dahil sa sinabi ni Momma, biyernes ngayon.
"Paano po kami nakakuha ng sulat?" Dagdag na tanong ni Neil, oo nga paano kami nakakuha ng sulat?
" Ipinalista ko kayo," Nagulat naman ako, paano kung?!
"Wag kang magaalala Lein, pinalitan ko ang apilyido niyo sa pagpapalista. Diba Haydn apilyido niyo? Pinalitan ko ng Rouch, simula sa Lunes ikaw na si Lein Rouch at ikaw si Allistair Rouch." Napahinga ako ng maayos dahil don, ngumiti ako dahil don. Haydn ang sinabi namin ditong apilyido, apilyido kase yon ni Mathilda. Pero buti nalang at pinapalitan niya sa pagpapalista.
I step forward at ganon din ang ginawa ni Neil, ngumiti ako at determinadong napatingin kay Neil.
Simula sa susunod na linggo, sisimulan na namin harapin ni Neil ang bago naming buhay. Gagawa kami ng paraan para makalaya sa nakaraan at panatilihin ang ganitong kapayapaan. Mag-aaral kami para protektahan ang isa't-isa, dahil alam kong ito ang simula ng kasiyahan namin ni Neil. Malayo sa nakaraan, malayo sa emperador.
━─━────────༺༻────────━─━
BINABASA MO ANG
The Emperor's Twin (Book 1)
FantasyA twin soul from the human world has been transmigrated into body of princess Asteria Lein Y Credieu and prince Allistair Neil Y Credieu. Fate bring them to a fantasy world, yet their existence is a problem. The Emperor of Severus Empire-Lucas Y...