══════◄••❀••►══════
Chapter 34Asteria Lein Y Credieu
"Hoy Nwil! Wag mong pitasin yan! Hindi pa yan hinog—" Napatampal na lamang ako sa aking noo ng napitas niya na ang tangerine na hindi pa dapat pitasin.
"What? Its already ripe. Look at the color—"
"Hindi pa oh?! May gween pa."
"Oh, my bad." Itatapon niya sana ng pigilan ko ang kamay niya.
"Pagkatapos mong pitasin itatapon mo? Alam mo ba kung ilang buwan yan kumapit sa puno? Kasalanan mo kung bakit siya napitas ng hindi pa hinog. Kainin mo yan!"
"What?! Its just a freaking tangerine—"
"Kainin mo yan!" Binalatan ko ito at nilagay ko sa bunganga niya dahilan upang mangasim ang kanyang mukha.
"I don't—"
"Hindi ubusin mo, yan ang gusto mo hindi ba? Panindigan mo yan." Wala nga siyang nagawa kundi kainin nalang yun, nakabantay ako sakanya para ubusin yun. Wala ba siyang pagmamalasakit sa tangerine?
"You two seems enjoying getting together." Napatingin ako sa nagsalita sa likod at nakita ko ang aming ama.
"Papa!" Tumakbo ako papunta sakanya at binuhat niya naman ako.
"How's your picking of tangerines?"
"Mawami na po kaming napitas ni Nwil!" Aniya ko at itinuro ang isang punong basket. Ginulo niya ang buhok ko, kaya napangiti ako.
Tatlong buwan na ang nakakaraan simula noong prinoklama kami bilang prinsesa at prinsepe ng Emperyo. Nagising si papa at ipinatigil ang pagpapahanap kay Momma, nagsinungaling man ako sa parteng kami ang nagpatakas sakanya. Sinabi ko naman dito na pinagaling siya ni Momma at buo ang pagsisi ni Momma sa nagawa. Naiintindihan naman iyon ni Papa, at sa tingin ko mahal niya parin si Momma. Sadyang epal lang talaga ang Empresa at yung Prinsesa Reigh.
"How about you Neil? Still bad at it?" Napatawa si Papa, ang gwapo pala ni Papa sa malapitan. Akala ko noong una napakaintimidating niya. Iyun kase yung deskripsyon ng lahat sakanya eh.
"Yeah I am." Pareho talaga sila ng ugali ni Papa. Magkamuka sila ni Papa pero yung mata niya naiiba, nagtatakha nga ako. Bakit si Neil lang nagbabago ng mata pero ako hindi?
"Papa, bakit po si Nwil nagiging pula ang mata kapag gumagamit ng mahika tas ako hindi?" Napatingin naman sa akin ito na parang hindi niya inaakalang magtatanong ako ng ganon.
"For now, we still don't know the answer. But you already release your magic right? Naikuwento mo sa akin." Aniya at umupo sa may upuan habang kalong ako. Totoo naman na lumabas ang kapangyarihan ko noon ng inatake kami ng halimaw sa S.U.I.
Tumango ako kay Papa bilang sagot."How about you Neil? Your swordsmanship is great—your preceptor tell me about it."
"Uhh yeah." Napatingin naman ako kay Neil ng umiwas ito ng tingin.
"Asteria, can you get me some ripe tangerines, peel it for me please?" Sabi ni papa, tumango naman ako at bumaba mula sa pagkakalong niya.
"Sige po." Naglakad ako patungo sa tangerine, medyo malayo din ito kaya mga 25 metro ang layo mula doon kila papa. Naghanap ako ng hinog na tangerine mula sa basket na pinaglagyan namin.
Alin kaya dito yung matamis? Minsan kase di porket alam mong hinog eh matamis na. Kailangan talaga pagbutihan yung pagpili.Napangiti ako nong mapatingin sa makintab na tangerine, mas matamis at makatas to. Kinuha ko iyon at pinagbalatan si papa. Naisipan kong bumalik at habang papalakad ay paunti-unti kong naririnig ang usapan nila Papa at Neil.
"Are you sure about that?"
"If its for her sake, I can sacrifice five years." Anya ni Neil.
Napatigil naman sila sa pag-uusap ng mapagtantong papalapit na ako. Limang taon na pagsasakripisyo? Para saan yun?
Takha man ngunit ayaw ko ng panghimasukan ang pag-uusap nila. Mas mabuti pang ipagsawalang bahala ko na lamang iyon. Binigay ko kay papa ang tangerine.
"Ito na po." Kinain niya naman ito.
"Asteria, do you wish for something else? You can always approach me, I can give it to you."
"Ahh, papa sa ngayon po wala po akong ibang hiling. Sapat na po sa akin na makasama ka at si Nwil."
"That's my princess." Bigla na lamang nanahimik si Neil. Kaya napatitig ako rito. May tinatago siya, at ito yung pangalawang beses na naramdaman ko ito sakanya. Dahil yung kauna-unahang may tinago siya sa akin, mula pa iyon sa dati naming buhay bago kami napunta sa katawang to.
Madali lang naman maramdaman kung may tinatago siya eh. Baka tinago niya yung mga dried tangerines ko? O baka siya yung nag-utos sa mga katiwala dito na tigilan na pagpapadala sa akin ng gummy bears? O baka mas malalim padun?
Baka may natipuhan na siyang babae?! Hala! Hindi pa pwede, dapat mauna ako. Babatuhan ko talaga to mamaya ng maraming tanong. Hindi ako mapakali kapag may tinatago siya eh.
"Let's go inside the palace." Kinarga naman ako ni papa, napatingin ako kay Neil na mukhang wala parin sa katinuan. Ang lalim ng iniisip niya.
Pinadala naman ni papa yung basket ng tangerines sa mga knight na nagbabantay sa amin.
Nakarating kami sa palasyo at ibinaba naman ako ni papa, nagpaalam ito sa amin at pinagbilin kami sa mga katiwala. Magtratrabaho na kase si Papa at maglilingkod sa Emperyo.Buti nga wala dito yung Empressa at Prinsesa Reigh. Umalis sila para bumisita sa Duchy nila. Malay ko ba, halata namang hindi mahal ni papa yung Empresa at hindi naman niya anak yung Reigh eh. Ang panget naman ng Empresa para sa Papa ko.
Nakarating na kami sa kwarto namin, kaya oras na para isailalim sa interogasyon itong batang to.
"Asteria—"
"Woi, may dapat ba akong malaman?"
"I'm gonna—"
"Wag kang ganyan Nwil, hindi naman ako nagtatago sayo ah?"
"I know, just—"
"Anong pinagusapan niyo?"
"Just let me finish a word okay? You're exaggerating again." Napacross arms naman ako at umupo sa kama. Umupo naman siya sa kama at mukhang balisa.
"Sabihin mo na kase."
"Asteria..."
"Ano? Wag mo na kase akong bitinin Nwil, kakainis ka. Ano bayan? Pinapakaba mo ako." Napabuntong hininga naman siya, bakit parang napakabigat naman para sakanya na sabihin sa akin?
"I'll be leaving the palace for five years..."
"Hah?"
༺═────────────────═༻
BINABASA MO ANG
The Emperor's Twin (Book 1)
FantasyA twin soul from the human world has been transmigrated into body of princess Asteria Lein Y Credieu and prince Allistair Neil Y Credieu. Fate bring them to a fantasy world, yet their existence is a problem. The Emperor of Severus Empire-Lucas Y...