══════◄••❀••►══════
Asteria Lein Y Credieu
Lumabas kami ng karwahe ni Neil at bumungad sa amin ang napakalaking gate ng Severus United Institute. Bukod sa amin, marami ding mga bumababa sa karwahe. Mukhang ngaon talaga ang araw ng pagsidatingan ngmga enrollees a katulad namin ni Neil.Hay, mamimiss ko ang mga tangerine sa Humnville. Kanina lamang, nadaanan namin ang bayan kung saan nagkaroon ng parada. Pero malayo-layo na kami dun, dahil halos dalawang kilometrong napapalibutan ng kgubatan ang nadaanan naming pavement. Bakit naman kase anlayo ng paaralan na'to, parang timang naman. Lamog na yong katawan ko sa buong byahe.
"Okay kana ba Lein? Hindi kaba nagugutom?" Pagtatanong niMomma, umiling naman ako.
"Liar, kanina kapa suka ng suka sa byahe. natuyuan nayan ng gastric-acid sa tiyan Momma." Inis ko naman binalingan si Neil, nakakainis! Tama siya, kanina pa ako suka ng suka sa byahe. Ang haggard ko na ngang tignan, sabog yong mukha ko. Tapos kanina siya pachill-chill lang, habang ako bumabaliktad lagi ang tiyan. Yong byahe namin 24 hours, tapos yong pagsusuka ko kada dalawang oras. Parang mamamatay na nga ako sa kakasuka.
Momma caressed my cheeks, then comb my hair, "Hindi na ako pwedeng pumasok, may protocol ang paaralan Lein. Susunduin ko kayo pagsumulat na ang paaralan sa akin." I pouted, lumulungkot yong boses ni Momma at hindi ko gusto yon.
"Bakit po Momma hindi pwede?" I ask then she faint smile.
"Malalaman mo yan, ituturo yan ng paaralan" Natigil ito sa pagsuklay sa akin at tumingin kay Neil.
"Wag niyong kalimutan yong mga hinabilin ko, wag kayong magalala. Pag-graduate niyo, successful nayong panaderya." She chuckles, napangiti naman ako dahil nakakahawa ang pagngiti ni Momma.
"Siguwado po iyan Momma!" Ani ko at tsaka humalik sakanyang pisngi, ganon din ang ginawa ni Neil. May pinuntahan si dala ang gamit namin. Siguro kukunin niya ang dorm number namin. Napatingin naman ako kay Neil at mahigpit na hinawakan ang aking palda.
Ito yong magiging simula, magagawa namin to ni Neil! Kumabog ng napakalakas ang dibdib ko, kinakabahan ako! Ito yong pangalawang beses na maraming tao akong nakikita. At dapat masanay ako sa ganitong routine. I inhaled, na-practice ko na din naman ang easy manner. Kailangan ko lang ng confidence!
"Cut it, you look like an eccentric person." Inis naman akong napabaling kay Neil.
"Ano kaba Nwil! Humuhugot ako ng confidence! Eccwentic mo mukha mo!"
"Yung mukha ko, ka-mukha mo." Ngumisi naman ito at parang gustong-gusto niya talagang inaasar ako. Kinurot ko naman siya na ikinadaing niya. Huminga ako ng malalim, medyo nawala yung kaba ko salamat sa inis.
Nanlaki ang mata ko ng inabot sa akin ni Neil ang isang tangerine. "Here." Yayakapin ko sana siya ng lumayo ito, kaya inis kong binalatan ang tangerine. Pasalamat siya! May tangerine.
Isusubo ko na sana ang kapiraso ng tangerine ng may pagsabog na naganap sa gate. Ilang metro lang ang layo sa amin kaya nabitawan ko ang tangerine dahil sa paghablot sa akin ni Neil. Natulala na lamang ako sa nahulog kong tangerine.
Nagkakagulo man ang mga tao sa paligid, napa-upo ako sa harap ng tangerine. Nakatulala habang nagluluksa.
"Hey! Tumayo ka Asteria!" Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Neil, pero hindi ako nagpatinag. Wala siyang alam sa nararamdaman kong pagluluksa, ang tangerine na ito ay deserve makain ng isang katulad ko.
Ang tangerine... napakalungkot ng nangyari sa kanya. Kasalanan ko... Patawarin mo si Asteria Tangerine.
"ASTERIA!" Paghila sa akin ni Neil pero nakatulala ako habang nakatingin sa tangerine. Wala silang alam... Wala silang alam sa nararamdaman ko.
Nabigla na lamang ako ng matapakan at madurog ang tangerine dahil sa isang sapatos. Napatingin ako sa may-ari ng sapatos na iyon, at nakita ang isang lalaking may mahabang blonde na buhok. Nakangisi ito habang nakatingin sa akin, may mga alipin pa itong kasama na parang mga ogre. Kung titignan ay halos sampo sila.
Hinablot ni Neil ang aking braso at tinago niya ako sa likod niya. Saka lamang ako nabalik sa reyalidad ng sumigaw mula sa malayo si Momma na buo ang pag-alala sa amin. Mula sa pagkakahawak ni Neil sa aking braso nakita ko ang palad nitong paunti-unti'y lumalabas ng kakaibang kapangyarihan. Naalala ko, lumabas din ito sa akin bago namin nakilala si Momma.
Hindi... Hindi pwedeng makita ito ng mga tao dito. Ipinatong ko ang aking kamay sa kamay ni Neil at tumingin sakanya. Kumalma naman ito kaya nawala ang kakaibang kapangyarihan na iyon. Napa-atras kami ng subukan kami nitong hawakan. Tumawa ito ng malakas ng magsimula itong magpakawala ng mga concentrated na mana dahilan upang mawasak ang karwaheng nakaparada lamang sa gilid. Ang iba naman ay nakikipagbuno sa mga ogre ngunit sila'y natatalo. Napatingin ako ng bumukas ang gate at may mga kasing edad ni Momma ang lumabas at nakipagbuno sa mga ogre.
Matalim namin tinignan ang lalaking blonde, ang mga mata nito'y kulay violet . Nabasa ko na ang ganitong uri ng nilalang, ito'y isang Glorian taglay nito ang kapangyarihang Monstrouskinesis. At ang lahi nila'y mga hoodlums, isa sila sa mga nagsilbi sa mga naghasik ng kadiliman noong unang panahon. Anong plano nila? At bakit sa harap ng SUI?
Nabigla na lamang ako ng hablutin nito pareho ang leeg namin kaya buong pwersa akong nagpumiglas.
"Ang mga batang katulad niyo'y hindi nararapat mabuhay sa mundong ito." My eyes shrank to pin dots ng biglang dumaloy ang mana nito sa amin. Dahilan upang maipapaalala nito ang mapapait naming karanasan sa buhay.
Napahawak ako sa kamay nito, sinusubukan namin labananan ang paglublob nito sa amin sa mana na nagpapaalala ng mga sakit na naranasan namin simula ng isinilang kami ni Neil. Nakita ko ang takot nito dahil biglang nalusaw sa kalooban namin ang itinanim niyang mana. He was about to throw us ngunit naputol ang dalawang braso nito dahil sa parang kakaibang asul na kidlat na dumaan. Sa isang pikit-mata'y naubos ang mga ogre, napaubo-ubo kami ni Neil dahil sa nangyari. Nakita ko ang lalaking iyon na napupuno parin ng takot sa kanyang mga mata bago ito mamatay.
༺═────────────────────═༻
BINABASA MO ANG
The Emperor's Twin (Book 1)
FantasyA twin soul from the human world has been transmigrated into body of princess Asteria Lein Y Credieu and prince Allistair Neil Y Credieu. Fate bring them to a fantasy world, yet their existence is a problem. The Emperor of Severus Empire-Lucas Y...