══════◄••❀••►══════
Chapter 22Asteria Lein Y Credieu
Nakahinga naman ako ng maluwag ng lumisan ang prinsepe sa kwarto. Nakagat ko ang kuko ko at tumingin kay Neil, magsasalita sana ako ng pumasok ang mga maid. Nag-aalala ako kay Momma baka may gawin silang masama kay Momma, madadamay siya sa gulo namin ni Neil. Ang tanging maasahan lang namin ngayon ni Neil ay ang telekinesis sa pag-uusap, dahil wala kaming pwedeng pagkatiwalaan dito.
Naalala ko pa noong nabubuhay si Mathilda, lagi sa amin inuulit-ulit nito. Na kung hindi dahil sakanya ay baka patay na kami, matagal na kaming gustong patayin ng emperador. Kahit na nasa sinapupunan pa daw kami ni Mathilda, gusto na kami nitong ipalaglag. Napahigpit ang hawak ko sa aking suot na damit, masakit parin sa pakiramdam. Na ang inaasahan naming mga magulang ay nagpapahirap ng buhay namin ni Neil.
Kailangan namin makatakas dito, dahil kung hindi. Baka wala nang ibang pagkakataon na mabuhay kami ng masaya at matiwasay ni Neil.
Nagbow sa amin yung maid, itinago naman ako ni Neil sa likod niya habang nakatingin kami sa binibining suot ang pangmaid na kasuotan.
"Ipinapatawag po kayo ni Empresa Ruby para sa isang umagahan, mahal na prinsepe at prinsesa." Nanigas naman ako ng marinig iyon.
Gusto kaming maka-usap ng asawa ng emperador? Nagbibiro lang naman yung tadhana hindi ba? Paano nalang kung may gawin itong masama sa amin dahil sa labis na pagkamuhi kase anak kami sa labas? Gusto kong maiyak sa mga oras na ito dahil sa labis na takot, nasan na ba kase si Momma... Bat antagal ng pagligtas niya sa amin. Gusto ko ng umuwi sa bahay.
Pinisil naman ni Neil ang kamay ko, naramdaman niya ata ang badyang pag-iyak ko. Ngunit hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin at umiyak ng malakas.
"A-Ang prinsesa, malalagot kami."
Momma, gusto ko ng umuwi. Ayaw ko na dito, gusto ko ng tangerine!
"Asteria calm down, we can escape here."
Hindi ko pinansin ang telepathy ni Neil, gusto ko ng umuwi sa bahay. Ayaw ko na dito, papatayin nila kami dito. Nagugutom na ako. Pinunasan ko ang mata ko gamit ang aking kamay habang patuloy na umiiyak. Gusto ko man pigilan iyak ko pero may mabigat sa loob ko na kailangan ilabas.
"What is happening here?" Napasulyap naman ako sa babaeng kakapasok palang sa silid. Suot nito ang kulay lilang gown habang ang buhok naman nito ay kulay puti na abot hanggang sa kanyang bewang. Nagsiyukuan naman ang mga maid sakanya.
"Mahal na empresa, natakot po ang prinsesa sa amin. Nararapat lang po ang aming kaparusahan." Aniya ng isang maid.
Kung ganon siya ang empresa? Natigil naman ako sa pag-iyak ng maglandas ang tingin namin. Hindi siya nakakatakot dahil napakaganda niya bilang isang empresa, ngunit wala kaming alam sa kung ano ang ugali nito. Maaaring sa mga segundong to ay saktan kami nito kagaya ng ginagawa ni Mathilda. Humigpit ang paghawak ko kay Neil ng lumapit ito sa amin. Napa-atras kami, nanginginig na ako. Gusto ko na umuwi!
Pumantay ito sa amin at ngumiti. "Wag kayong matakot sa amin, hindi namin kayo sasaktan. Allistair at Asteria ang pangalan niyo hindi ba?" Hindi ako nakasagot dahil napatitig ako sa mata nitong kulay blue. Suminghot singhot pa ako dala ng pag-iyak.
"Pasensya na kayo, alam kong malaki ang pagkukulang ng pamilyang ito sainyo." Sumenyas ito sa isang maid na umalis muna kaya natira kaming nandito, mas lalo kaming natakot dahil ipinaalis niya ang mga to. Sa totoo lang hindi ko gusto ang atmospera na ibinibigay ng Empresa. May kakaibang hindi ko gusto sakanya.
"Narinig ko sa aking anak na si Lunox na mali ang pagtingin ninyo sa amin. Wag kayong matakot—" Napigil ito sa pagsalita ng bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng kaedaran lang namin. Taglay nito ang kulay ng buhok ng kanyang manay at ang mga mata nito ay kaparehong pareho ng Empresa. Para itong dagat, isang napakalalim na dagat. Bakit kaya Ruby ang pangalan ng Empresa gayong salungat naman sa mata niya? Siguro, trip trip lang ng magulang niya.
"Mommy! Mommy!" Napatingin naman ito sa akin at tinaasan ako ng kilay ng palihim. Kaya muntik narin tumaas ang kilay ko, buti nalang gutom at takot ako para pumatol sa kanya. Suot nito ang asul na kumikintab na dress. Masyado din siyang maputi akala ko nga naglalakad siyang harina. Ngumiti ito ng plastik.
"Siya nga pala Allistair at Asteria, siya si Prinsesa Reigh. Siya ang sunod na tagapagmana ng posisyon bilang Emperatriz, siya ang kapatid niyo." Hah?
Nagloading pa ako bago maproseso ang nangyayari at sinabi ng Empresa, kung isa siyang prinsesa. Bakit hindi niya taglay ang mga katangian bilang isang Credieu? Luh? Gusto ko sanang matawa kaso baka mapatay kami dito ng wala sa oras.
Tinaasan pa lalo ako ng kilay nong Reigh. Pareho ang atmospera ng Empresa sakanya, halatang pareho itong inis sa amin. Masyadong mataas ang ambisyon ng mag-ina gayung alam naman ng lahat na hindi sila pagbibigyan ng sangkatauhan at ang biyaya ng taas sa mga Credieu.
Parang nawala ang takot sa loob ko at parang nagchange yung mood ko na gusto ko makipagtagisan ng kilay. Pinahid ko ang luha sa aking pisngi at napatingin sakanila.
"Mahal na Empwesa, kung ganon po ba kapatid namin si Pwinsesa Weigh?"
"Tama ka riyan Prinsesa Asteria, kapatid mo siya dahil siya ang aking anak at ikaw ay aking anak. Buo kayong magkapatid."
"Bakit pwo hindi kami pareho ng buhok?"
Nakita ko ang pagka-inis sa mukha ng Empresa at ng Prinsesa, naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Neil bilang palanta daan ng babala."Prinsesa Asteria, Si Reigh ay isang bunga ng pagmamahal namin ng Emperador. Dahil isang dugong bughaw ako. Ang nananalaytay sa dugo ng Prinsesa ay LEGAL SA MATA NG LIWANAG." Nanlaki ang mata nito na para bang siya ay gigil ngunit napalitan iyon ng ngiti ng pumasok ang isang bulto ng tao.
At doon ay napagtanto kong si Prinsepe Lunox iyon, nakahinga ako ng maluwag dahil sa presensya niyang iyon. Napatakbo naman sakanya si Prinsesa Reigh dahil sa pagkasabik.
"Kuya!"
......
...
......
...Sanaol nalang.
༺═────────────────────═༻
BINABASA MO ANG
The Emperor's Twin (Book 1)
FantasyA twin soul from the human world has been transmigrated into body of princess Asteria Lein Y Credieu and prince Allistair Neil Y Credieu. Fate bring them to a fantasy world, yet their existence is a problem. The Emperor of Severus Empire-Lucas Y...