Wesley

1.5K 71 3
                                    

Nagising ako sa dahil sa mabigat na nakapatong sa katawan ko. Ramdam ko ang sakit ng aking ulo, ganun na rin ang lasa ng ininom ko kagabi. Parang gusto kong isuka ang mga nakain ko.

  Kaya ayaw kong maglasing ng sobra eh!

  Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at napapikit ulit ako sa ilaw na nagmumula sa light bulb. Sinanay ko muna ang aking mata sa nakakasilaw na ilaw bago ko tuluyang binuksan ang mga ito. Ang una kong napansin ay ang ulo na nakapatong sa dibdib ko. Nakasubsob talaga ang mukha ni Stacy sa dibdib ko na para bang unan niya ito. Kasunod ay naramdaman ko na nakapatong din pala ang paa at kamay nito sa pang ibaba ko. Halos matunaw ako sa reyalisasyong nakapulupot si Stacy sa katawan ko. Dios ko!

  Mahina akong gumalaw sa pagbabakasakaling magigising ito, pero mas lalo niya lang siniksik ang kanyang mukha sa dibdib ko. Dios ko po, huwag ka naman ganyan Stacy baka mahimatay ako sa pinggagawa mo!

  Napalunok nalang ako dahil hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin. Ang lakas ng tibok ng puso ko, nagsisimula na ring mamawis ang kamay ko. Ang bango ng buhok niya.

  Napailing ako sa naisip ko at sinubukan kong inalala ang nangyare kagabi.

  Bakit ba kami napunta sa ganitong pwesto? Nagblack out talaga ako kagabi. Wala na akong maalala kung hindi ang inuman namin sa baba.

  Gumalaw ang mga kamay nito at mahinang kinapa ang katawan ko. Nang mapagtanto niya sigurong hindi ako unan, mabilis siyang tumayo.

  “What the heck?” medyo nakapikit pa ang mata nito at magulo rin ang buhok.

  “Ako ito, si Wesley, " mabilis kong tugon, baka magulat at bigla nalang akong sapakin eh.

  Kinusot niya muna ang kanyang mata bago ako tinignan. “Wesley?”

  Tumango ako at dahan dahan na tumayo. Napadaing ako sa sakit ng likod ko pero pinilit ko pa rin na mag balanse sa dalawang paa. Napagtanto ko na nasa library pala kami at nakatulog na dito. Pinulot ko ang cellphone kong nakalatag sa sahig at pinasok ito sa bulsa ng pants ko.

  “My back hurts,” reklamo ni Stacy habang tumatayo at nag-iinat. Pinilit kong ilayo ang tingin ko dahil lumakas ang kabog ng puso ko. Delikado ito.

  “Akin rin, wala akong maalala bakit napunta tayo dito.”

  “Me too. My head hurts also. I think naparami ang inom natin. ”

  Tumango ako sa pagsang-ayon. Sobrang dami nga dahil pati pinaggagawa ko hindi ko na maalala.

  “Gosh. Ihahatid na kita sa inyo, but let's eat breakfast muna and I'll lend you clothes to change to. Are you feeling alright ba?” tanong nito.

  Hindi ko man siya matingnan ay tumango nalang ako sa sinabi niya. Kahit na wala akong maalala sa nangayare kagabi ay may kutob akong hindi kami napadpad dito sa library ng basta basta lang. Kinabahan tuloy ako baka kung anong katangahan ang nagawa ko. Sana naman wala.

Napansin ko sa mukha niya ang kalat ng lipstick at napakunot ang noo ko. Kulay ng lipstick ko 'yan ah?

  Mas lalo lang akong kinabahan sa naisip at agad na itinaboy ang kung ano man ang hindi kaaya-ayang imahenasyon na pumapasok sa utak ko. Wala lang siguro 'yan, baka sa pag punas niya lang.

Excuse Me, Ma'am Wesley Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon