Wesley

1.6K 84 20
                                    

Naguguluhan ako sa inakto ni Stacy. Hindi naman siya normally nanghihila ng kamay at tumitingin ng malalim sa akin kaya nakakaduda talaga ang pinaggagawa niya ngayon. Kabuwanan niya ba? Gutom ba siya? Nakainom?

   Hindi ko na ito sinundan para usisain dahil napansin ko si Lewis na dumaan. Sinundan ko ito at sinamahan sa paglalakad pabalik sa pinagdarausan ng party.

  Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan na maalala ang nangyare sa dancefloor. Nakakaselos panoorin na sumasayaw siya at hindi ako ang kasama. Halos silaban ko na sila sa utak ko dahil sa sayaw nila. Paano ba naman, kung makakapit ang lalake parang ayaw na bitawan itong si Stacy. At itong isa naman, kung maka sayaw akala mo hindi na siya aabutin bukas. Ngunit as much as I hate the scene, hindi ko rin mapigilan na pang-initan sa nakita. I admit, she looks so hot. As in.

  "Are you alright? Saw my friend dragging you like a sack kanina."

  Napatingin ako sa nagsalita. Oo nga pala, kasama ko pala ang kaibigan niya. "Ayos lang ako. Sinabi niya lang na aalis na raw kami dahil may meeting pa siya bukas."

  Napataas ang kilay ni Lewis. "Tomorrow? It's Sunday so the office are close."

  "Ewan. 'Yun ang sabi niya eh."

  "Weird," tugon ni Lewis sabay inom sa hawak niyang inumin, pero napansin ko ang pag-ngiti nito.

  Nang makita ko si Annie sa tabi ng kasama niyang si Paula, agad ko silang nilapitan. "Hi, girls. Mauna na ako ah? It was nice to meet you two."

  "Oh. Going already? Sayang naman."

  Binigyan ko ng ngiti si Paula. "May ganap pa kasi bukas ang kasama ko."

  "Who? Si Lewis?"

  Umiling ako sa tanong ni Annie. "Hindi. Si Stacy."

  "Oh. That's sad. Pero I have your number and accounts naman and you have mine. Tell me if you're around the area next time, okay?"

  Tumango ako at ngumiti. "Sure. Nice to meet you Annie and Paula."

  Pagkatapos kong magpaalam sa dalawa ay agad kong hinanap si Stacy.  Natagpuan ko ito sa gilid na pinipindot ang kanyang selpon. Habang papalapit ay hindi ko mapigilan na tignan ang kabuoan nito. Hindi pa siya nakapagbihis sa suot niya kanina sa office pero mas mukha pa siyang fresh keysa sa akin. Natigilan na naman ako sa iniisip ko. Hinay-hinay lang, Wesley, bawal na bawal mahulog ng tuluyan diyan. Remember, masasaktan ka lang.

  "Stacy?" tawag ko dito.

  Agad na ibinaling niya ang kanyang tingin sa akin. "Finally. Let's go?"

  Tumango ako at sumunod na parang tuta sa kanya papunta sa loob, kung saan dumaan ulit kami sa dinaanan namin. Pero bago pa kami makalabas ay tinawag ko ang pangalan nito.

  "Hindi ba muna tayo magpapaalam sa parents mo?"

  "I've told them already. They are busy pa kasi. Let's go," wika nito at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa labas.

  "Eh ako? Kailangan ko pa ata magpaalam sa kanila..."

  "No need. I covered for you already."

Excuse Me, Ma'am Wesley Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon