Wesley

1.7K 83 11
                                    

"Ay talaga? Ginawa niya 'yun?" gulat na tanong ni Ced sa akin habang sabay kami na naglalakad papuntang canteen.

  Tumango lang ako at napangisi. "Oo. Hindi tuloy ako mapakali dahil nasagi ng daliri niya ang labi ko."

  Mabilis na dumapo sa balikat ko ang mahinang hampas ni Ced. "Ito na talaga! Baka totoo nga talaga ang hinala ko!"

  Natatawa akong napailing. "Siguro oo, siguro hindi." Nauna akong pumasok sa pinto ng canteen at dumiretso agad sa bakanteng pwesto. Nagpatuloy ako sa aking pagsasalita nang makaupo si Ced sa harap ko. "Alam mo kasi, hindi ko mabasa ng maayos si Stacy. Minsan sobrang nakaka-fall ang mga ginagawa niya, tapos minsan sobrang cold. Given naman ang kasupladahan niya, pero ewan, naguguluhan ako sa inaakto niya."

  Binuksan muna ng kasama ko ang baon niya bago ako sinagot. "Edi usisain mo! Gamitin mo ang lesbian powers mo sa babaeng 'yun, malay mo maging kayo na legit tutal tapos naman na kayo sa lipatan ng bahay stage."

  Pinandilatan ko ito ng mata. "Para kang tanga. Alam mo namang takot ako mareject. "

  "Gaga, dapat mas matakot ka na maunahan. Remind you lang na si Stacy 'yan ha? Abot America ang pumipila, Ma'am Wesley. "

  Napanguso nalang ako. Totoo nga naman ang sinasabi niya. Marami ang nakapila at sobrang layo pa kumpara sa akin. Ngunit agad naman akong napangiti sa naalala. "Tama ka naman. Pero alam mo ba? Kahit hanggang kabilang solar system pa 'yang nakapila sa kanya ay wala siyang sasagutin? Sinabi niya kasi sa akin na after 5 years pa raw siya mag-eentertain."

  "Ay ganon? So maghihintay ka ng limang taon, teh?"

  Nagkibit-balikat lang ako at sinubo na ang baon kong lunch. "Kung may hihintayin, kahit gawin niya pang bente."

"Hindi ko talaga keri ang patience ninyo, bakla!"

  Natawa lang ako sa sagot ni Ced.

* * *

  Oras ng uwian ay tinawagan ko si Stacy na baka ma-late akong umuwi dahil bibisita pa ako sa kapatid ko. Hindi naman ito nagreklamo at pinapangako lang ako na ipagluluto ko raw sila ni Leah pag-uwi ko mamaya.

  Namalengke muna ako bago pumunta sa bahay ng kapatid ko, kung saan nakasalubong ko papunta ang ama ng estudyante kong si Sarina. Binigyan niya ako ng ngiti at sinuklian ko rin ito. Matagal ko na napapansin ang kapatid ko at si Seb na magkasama, pero hindi ko na muna tinanong ang kapatid ko. Magsasalita naman ito kung gusto niyang sabihin eh.

  "Hello, Tisoy!" malakas kong bati sa pamangkin kong nakaupo sa sahig, naglalaro.

  Mabilis itong tumayo at sinalubong ako ng yakap. "Hello po!"

  "Kumusta ka? Good boy ba ang Tisoy namin?"

  Tumango ito at pinakita ulit ang kanyang kamay na may markang star. "Yes! Yes!"

  "Wow! May premyo sa sa akin sa sweldo, baby boy."

  Masaya itong tumalon at niyakap ulit ako bago tumakbo pabalik sa kanyang nilalaro. Napansin ko ang kapatid ko na naghahanda ng hapunan nila kaya naglakad na ako papalapit. "Hello rin sa'yo."

  "Wesley, dito ka ba maghahapunan?"

  Umiling ako. "Hindi, napadaan lang talaga ako dahil namiss ko kayo."

Excuse Me, Ma'am Wesley Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon