Wesley

1.3K 73 4
                                    


Tunog ng pusa ang gumising sa aking napakahimbing na tulog. Pagkamulat ko ay mukha kaagad ni Leah ang tumambad sa akin. Napakurap ako ng ilang beses bago napadpad sa aking tabi ang aking mata. Wala na si Stacy. Nagmadali akong bumangon, at nanlaki ang mata ko nang maibaba ko ang tingin sa katawan. Wala na akong saplot, as in wala. Napadpad ang tingin ko sa aking katawan at napansin ko ang mga kiss marks.

  Dios ko po.

  Nagmadali kong inabot ang cellphone na nakapatong sa night stand para tignan ang oras at saktong pagtungtong din nito sa alas-otso. Dali-dali akong tumayo at nagbihis. Hindi ko pa nahanap ang shorts ko kaya pinulot ko nalang ang pajama na naiwan ni Stacy, ang mukha ko ay umaapoy sa pula. Biglang nagbalik ang sa memorya ko ang nangyare kagabi sa aming dalawa na nagpalala sa pamumula ng mukha ko.

  My gosh!

  Nang makapagbihis at makapag-ayos ay mahina akong naglakad pababa. Literal na mahina kasi nakakaramdam ako ng kirot sa pang-ibaba ko. Paano ba naman kasi, hindi man lang ako pinapalit kagabi. As in the whole time, wala itong ibang ginawa kundi ang umibabaw sa akin.

   Aminadong sobrang kabado ako ngayon kung paano ko haharapin si Stacy. Wala naman sana sa plano ang nangyare sa amin, pero kung ako ang tatanungin ay hindi naman ako nagsisisi. Ngunit hindi ko pa rin maiwala sa isipan ko ang kaba, pati na rin ang maraming katanungan na si Stacy lamang ang makakasagot.
Asaan na siya? Nagsisisi kaya siya?

   Bumaba ako at nang mapadpad ako sa kusina ay nadatnan ko ang magpinsan na nakaupo sa hapag. Agad na napunta ang mga mata ko kay Stacy na todo iwas ang tingin sa akin.

  Patay na.

  "Morning, Ma'am Wesley. "

  Napakurap ako sa pinsan niyang nakataas ang kilay habang nakangiti. "Hello-I mean, magandang umaga rin, Maurice. "

  "Nagmadali po ba kayong bumaba at baliktad din ang pajama ni Ate Stacy na suot mo?" tanong nito habang nakangisi sa akin.

  Nanlaki naman ang mata ko at agad na pinukol ng tingin si Stacy na namumula. Mabilis akong naghanap ng rason, "A-aah nasa labahan kasi ang short-"

  "Actually, I used her shorts kasi she got cold sa kwarto ko. I lend her my pajama and sinuot namin ito na inaantok kaya siguro hindi namin napansin na baliktad. Right, Ma'am Wesley?"

  Mabilis akong tumango. Mabuti nalang gumagana ang utak ni Stacy. "Ahh! Oo! Yes. Nagpalit nga kami. Ang lamig kasi kagabi, as in. Parang snow, ganun."

  Matagal pa kaming tinignan ni Maurice bago ito tumayo. Halatang natatawa sa aming dalawa. "I'm done with my sandwich. Upo ka na Ma'am Wesley, you should join Stacy with her breakfast." Tinignan ako nito at ngumisi. "Marami rin bang lamok sa kwarto ni Ate Stacy? Ang dami mo kasing marks sa leeg." Pagkatapos niya itong sabihin ay umalis na siya sa harap namin habang tumatawa.
 
   Narinig namin ang pagbukas at pagsara ng pinto, senyales na lumabas ito. Ayan, kami na namang dalawa ang naiwan. Paano na 'to? Haharapin ko na ba talaga si Stacy?

  "Uhmm..." na-iilang kong tugon. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

  Tinignan naman ako ni Stacy na mukhang na-awkward din sa sitwasyon. "Hey..."

Excuse Me, Ma'am Wesley Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon