Wesley

1.1K 31 0
                                    

Sabay kaming bumama sa kitchen nito para kumain ng breakfast. Pagod na pagod pa rin ang katawan ko, I feel so sore down there, at para akong pinagbuhat ng sampung truck sabay sabay. Pero okay lang, pinili ko naman ito.

  Naabutan ko ang bacon at sandwich sa isang plato, tapos salad naman sa kabila. Alam ko na agad kung asaan ang para sa akin. Hindi 'yung puro dahon syempre.

  Naupo ako sa tabi ni Stacy at tahimik na kinain ang portion ko. Umagang-umaga ubos na agad ang energy ko. Parang gusto ko nalang mahiga the whole day. Lalagnatin ata ako sa naging activity namin eh.

  "Hun, you okay?"

  Nag angat ako ng tingin sa kasama ko. Umagang-umaga at sobrang fresh pa. Ang ganda niya rin, parang gusto ko nalang magpailalim sa kanya araw-araw. Okay, tama na ang kalokohan baka lagnatin na talaga ako.

  "Mhmm. Thank you sa pagluto ng breakfast. Ang sarap."

  Inirapan lang ako nito sa sinabi ko. "Of course it is, it's a frozen unhealthy food that's filled with un-nutritious entity. And of course you'll love it. "

  Lasap na lasap ko talaga ang sarcasm sa boses nito. Para tuloy akong matatawa. Simula kasi nang magsama kami tuwing breakfast ay pilit niya na akong inaaya na kumain ng gulay at mga prutas, o hindi kaya ay 'yung mga nutritious foods niya raw na ginagawa. Eh sa ayaw ko kasi hindi ko gusto ang lasa, nagmamaldita tuloy siya habang sinisermonan ako sa choice of food ko. Ako pa rin panalo, ang hot niya kapag nag susuplada eh.

  "Aysus, alam mo ba ibang love ko?"

  Nagtaas kilay ito sa akin. "What? "

  "Ikaw," sagot ko tsaka sumipsip sa kape ko. Mhmm, lasang mamahalin. Ilang beses ko itong sinabihan na mag twin pack nalang kasi mura na tsaka marami, siya naman palaging pinipili 'yung halos isang daan na ang bawat sachet. Dami talagang pera, pabayaran ko kaya sa kanya ang utang ng Pilipinas?

  "Whatever, Ma'am Wesley. I love you too."

  Biglang tumunog ang cellphone niya at dali-dali niya itong sinagot. Nag excuse muna siya sa kusina para kausapin kung sino man 'yun. Baka sa trabaho nila.

  Ilang minuto pa ay bumalik ito ng may ngiti sa labi. "I have a package outside. Kukunin ko lang, ah? Stay here. I'll be back."

  Napakunot ang noo ko pero sinunod ko naman ang inutos niya. Hindi rin naman ako aalis kasi hindi pa ako tapos sa kinakain ko. Nakakapanibago lang na may package ito, at deretsong hinahatid sa bahay niya. Usually kasi sa office niya raw ito ipinapahatid nang magtanong ako last Wednesday kung pwede ko bang gawing address itong bahay niya para sa isang parcel ko.

  Ilang minuto pa ay nakarinig ako ng pagbukas ulit ng pinto. "Hun! Come here!"

  "Sandale! Tatapusin ko muna ang kape ko!" sigaw ko pabalik.

  "Meoooow!"

  Natigilan ako sa narinig. Pusa? Imposible namang si Stacy ang nag-meow eh. Mabilis kong iniwan ang aking pagkain at tsaka naglakad na papunta sa living room.

  Ngunit hindi pa nga ako nakakarating roon ay may sumalubong na sa akin.

  "Oh my gosh, Leah!" Mangiyak-iyak kong sigaw.

Excuse Me, Ma'am Wesley Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon