Music of Fame - SC#2

189 5 0
                                    


SPECIAL CHAPTER 2

A chapter where-in Aj's new fan mistakenly thinks Sky is a fan and orders her to give Aj their gift.


*Text*


From: Fiancé

Hey, love! Finished recording na, san ka na?


To: Fiancé

Lobby na, love


From: Fiancé 

Okay! Pababa na, inaantay lang guards. May fans daw na nakaabang sa baba. Meron ba?


To: Fiancé 

Meron, love. Isang circle sila hehe


From: Fiancé

Hindi ka ba dudumugin?


To: Fiancé

Hindi ata nila ako kilala sa ngayon hahahaha


From: Fiancé 

Okay. Elevator na, see u mwa


"Hi po," A girl patted my shoulders, I looked at her. I was wearing a baseball cap and shades, nakahoodie pa 'ko. 'Yun kasi ang sabi ni Aj. "Inaantay niyo rin po ba sila Aj Araneta?"


I almost laughed. I just nodded.


"President po ba kayo ng fansclub niya? Or manager po ba niya kayo?" She asked. Ang cute naman nito, nakakatuwa. Tumango na lang ako, hinawakan niya bigla ang mga kamay ko e'! Nataranta na lang din ako. "Ay, tamang tama po! Pwede po ba pabigay 'to sa kaniya?" She handed me a box, nakabalot pa.


"Okay," I smiled and nodded.


"Familiar ka po," Sabi niya bigla, natawa na lang ako. Pinipilit ko na ngang mag disguise e'! "Pero ayon po! Kayo na po bahala! Ayan na po sila Aj!" Sabi niya at bigla akong binitawan at tumakbo palapit kela Aj. Natawa naman ako agad nang mabasa ko ang message na nakadikit sa box.


"Mahal na mahal kita, Aj Araneta! Ikaw ang totoong inspirasyon at musika ko. 'Wag kang tumigil sa pag-gawa ng kanta. Labyu po."


"Papicture po!" Rinig kong boses ng babae. Nagtama ang tingin namin ni Aj at nginitian ko lang siya. Tumigil si Aj para makapagpapicture sa kaniya ang mga fans niyang nag-aabang ngayon.


"Are you okay?" Aj asked me, nakabantay pa rin ang mga guards. 'Yong mga fans, nasa gilid pa rin namin. Pinipicturan pa rin si Aj. "Love?" Sabi niya at inangat ang shades ko.


"May nagpapabigay," I chuckled as I handed him the gift box.


"Oh, who? Thanks." Aj chuckled while holding the box.


"Siya," I pointed the girl a while ago. I looked at her, her lips parted when she realized who I was. Napatakip siya sa bibig niya at nakatingin pa rin sa amin ni Aj.


"L-Love p-po?" The girl asked. "Girlfriend niyo po siya?" Tanong niya kay Aj.


Aj held my hand and showed her my ring finger. "My Fiancée." Aj smiled at her.

FRIENDS SERIES (SPECIAL CHAPTERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon