Chapter 5

141 3 0
                                    

Goodbye Love-5

By Ms Sapphire

               UNANG araw niya bilang secretary ni Ben ng araw na iyon. Nangangapa pa rin siya sa mga dapat niyang gawin dahil madalian ang pag oorient sa kaniya ni Carol. Ang dating secretary ng lalaki ay mapopromote na sa personnel's office ng agency.

“Sam, ready na ba yang mga pinahahanda ni Sir?” tanong sa kaniya ni Carol na nakatayo sa harap ng kaniyang mesa.

“Oo, kanina pa.

“Puwedeng paki hatid nalang dun sa opisina niya? Kanina pa kase hinahanap e.”

“Ah ganon ba? Pasensya na akala ko ikaw ang kukuha dito e.”

“Ayos lang yun. Nakalimutan ko rin namang sabihin kanina na paki hatid agad sa opisina niya.”

Tumayo na siya at umikot palabas ng kaniyang desk.

“Busy ba siya?” tanong niya kay Carol.

“Hindi. Pero may kausap siya sa phone. Huwag ka ng kumatok at baka madistorbo. Maiwan na pala kita at kailangan akong I train dun sa PO.” Nagpaalam na si Carol sa kaniya.

“Sige ingat.”

Dahan-dahan niyang binuksan ang seradura para hindi makalikha ng ingay sa loob ng opisina ng bago niyang amo. Sumilip muna siya sa loob bago tuluyang pumasok. Nakita niya si Ben na may kausap sa telepono at medyo nakatalikod sa kaniyang direksyon. Pumihit konti ang leather swivel chair nito pagkakita sa kaniya at nagkatinginan sila sandali. Bigla niyang binawi ang kaniyang tingin dahil nakaramdam siya ng hiya sa sarili. Napansin niyang tuwing nagkatitigan silang dalawa ni Ben ay bigla nalang namumula at umiinit ang kaniyang mukha.

‘Concentrate Sam’ kastigo niya sa kaniyang sarili.

Lumapit siya sa harap ng mesa nito at inilapag ang folder na hinihingi nito kanina. Tahimik siyang lumabas ng opisina nito matapos niya mailagay ng maayos ang mga papeles nito.

“Okay. That sounds good. Thank you again man. Yes. Bye.” Sabi ni Ben sa kausap nito sa kabilang linya.

Lalabas na sana siya ng opisina nito ng tawagin ni Ben ang kaniyang pangalan. Napabalik siya sa kaniyang kinaroroonan.

“May kailangan pa po ba kayo sa akin, Sir?” tanong niya dito.

“May sasakyan ka bang dala? Kase gusto sana kitang imbitahang maghapunan mamaya. Then after that ihahatid kita sa inyo.” Sabi ni Ben

“Ahhmm sige po kung hindi ako nakaabala sa inyo.” Sagot niya dito “mukha rin kasing uulan mamayang gabi. Medyo mabaha pa naman yung daan papunta sa amin.”

Ngumiti si Ben. “Good.” Tumayo ito kapagkuwan at sinabayan siya palabas ng office. Pinagbuksan pa siya nito ng pintuan kaya kinilig tuloy ang munti niyang puso. Nakahawak pa ang isa nitong kamay sa bewang niya. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng boltaheng kuryente sa buo niang katawan.

“Kaya ka na bang iwan ni Carol mag-isa?” tanong sa kaniya ni Ben.

“Sa tingin ko kaya ko na.”

Huminto silang dalawa sa harap ng kaniyang mesa. For a brief moment ay nagkatitigan sila. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay silang dalawa lang ang nasa buong building. Wala siyang ibang naririnig kundi ang lakas ng tibok ng kaniyang puso.

‘Why am I feeling this way?’ nagtatakang tanong ng kaniyang isipan.

Hindi niya akalain na magbago ang pakikitungo niya kay Ben dahil napaka sympatiko nito noon sa kaniya. Mabait naman siya dito noon e kaya lang ay medyo hindi niya feel ang pagiging antipatiko ng lalaki. Mabuti nalang at malakas ang self control niya kaya napipigilan niya ang sarili niyang makapagsalita dito ng hindi maganda.

Goodbye LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon