Dahil wala si Samantha at ang kaibigan nitong si Justin ay malaya niyang napuntahan ang kagubatan kung saan may hinala siyang may undergound na pinagtataguan si Pablo Ruiz. Umakiyat siya sa isang puno kung saan niya tinago ang isang Wireless Night Vision Camera. Inayos niya at chineck ang battery nito para mapalitan. Tanging ingay mula sa mga ibon at batis lang ang naririnig niya. Mas pinadali pa niya ang pag-aayos para hindi siya paghinalaan ni Nana Senyang kung matatagalan siya sa pag-uwi.
Pagakatpos mailagay ay huling camera ay may mga boses siyang naririnig na paparating. Kaya nagtago siya sa isang malaking puno. Mga tatlo hanggang apat na kalalakihan ang paparating na may dala-dalang malalaking baril.
“Ikaw kasi Tikboy ang ingay-ingay mo at ang kupad mo pa.” nagsalita ang isang binatilyong may dalang M16.
“Magsitigil na nga kayo!” sigaw ng pinaka leader ng group. Sa tantiya niya nasa trenta lang ang edad nito. Kinuha niya ang kanyang portable mirror para makita sana ang mga ito gamit ang salamin. Kaso baka mailawan ito ng araw kaya dahan-dahan niya itong sinilip. May binuksang isang pintuan ang pinaka leader ng mga ito na natatabunan ng mga halaman. Nagsipasukan ang mga tauhan ng lalaki bago ito palinga-linga at isinara ang pintuan pagpasok.
‘Presto! Ngayon alam ko na kung saan kayo nagtatago’ wika ng kanyang isipan.
Nag send siya ng maikling report gamit ang kaniyang handheld bago niya nilisan ang lugar.
Maaga silang umalis papuntang Timolo kung saan ang baryo nina Jamal at ang iba pang mga Muslim nitong kamag-anak. Sumama si Justin sa kaniya pauwi galing Davao. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman sa mga sandaling iyon dahil ngayon lang sumasama si Justin sa kanya. Mas hilig nitong pumuntang probinsya sa Dumaguete para tulungan ang pamilya nito sa Family Business. Minsan lang silang dalawa magkasama dahil matapos kasing makapag-aral ni Justin sa St. Agnes ng Criminology ay hangad na nitong sundan ang yapak ng nakatatandang kapatid na nasa NBI. Kaya kaniya-kaniya na sila ng umalis ng St. Agnes. Minsan lang sila nagkikita dalawa kung may mga special occassions at nasa bansa siya.
Pinagkakaguluhan sila ng mga taga baryo pagdating nila doon. Maraming mga matang nakatingin at nanunukat. Ang ibang mga bata ay magiliw silang sinalubong. Nakita niya si Jamal na inaayos ang angkat nitong mga kahoy. Nilapitan siya ng binatilyo at binati.
“Ate Sam! Napasyal po kayo?” tanong nito sa kaniya.
“May ibabalita lang sana ako sa mga taga rito.” Nakangiting saad niya. “Nandiyan ba si Amang?”
“Oo Ate nasa bahay at nagpapahinga. Tumatanda na rin kasi siya kaya hindi na niyang kayang magtrabaho. Ako na po ang gumagawa ng mga mabibigat na bagay at si Hashim po ang tumutulong kay nanay.” Ang tinutukoy nito ay ang kapatid na babae.
“Ang bait naman ninyo. Ipagpatuloy ninyo iyang ginagawa ninyong pagtulong sa mga magulang ninyo ha. Lalo na at nahihirapan na pala silang magkikilos. Ang tatay ko may mga senyales na rin.” Napatawa siya ng maalala ang kaniyang Daddy.
“Halika Ate Sam sasamahan na kita sa bahay. Naku masisiyahan talaga sila at nakapasyal ka. Sinabi ko kay Amang na nakita kita nuong isang araw sa palengke. Nasiyahan nga po siya dahil hindi mo pa rin daw nalimutan itong bayan namin.” Nagkukuwento lang si Jamal habang naglalakd sila patungo sa bahay nito.
“Ako nga rin eh. Marami na talagang nag-iba dito, ano?” gusto lang niyang marinig buhat dito ang mga kaganapan sa bayan ng Timolo at sa buong Conval.
“Oo Ate…” matamlay nitong sagot na parang may naalala. “Pasok na kayo sa munting bahay namin.” Paanyaya ni Jamal sa kanilang tatlo. Nilingon niya si Justin na patingin-tingin lang sa buong lugar. Ngumiti ito sa kaniya at sinundan siyang pumasok sa loob ng bahay. Kasunod nila si Ben na nagmamasid lang sa paligid.