Chapter 4

211 2 0
                                    

Goodbye Love-4

By Ms Sapphire

FEW MONTHS LATER….

                Bumalik na sa dati ang buhay ni Sam. Hindi na muna siya pinayagan ng kaniyang ama ng mag participate sa mga mission trip kaya naisipan niyang maghanap na lang muna ng trabaho pansamantala. Kanina pa siya tumitingin-tingin sa ads ng news papers habang kumakain ng almusal kasama ang kaniyang mga magulang.

“May nahanap ka na ba dyan sa tinitingnan mo?” tanong ng kaniyang mama.

Kinuha niya ang pulang ballpen na naka-ipit sa bibig niya bago niya binilugan ang isang ad na naghahanap ng isang tour guide.

“Madami na ‘ma. Mamaya aalis ako para ma applyan ang mga ito. Madami pa lang mapipilian dito gaya nito naghahanap ng isang tour guide dito sa Manila. Kahit saang lupalop pa ng pilipinas ako mag tour guide eh kayang-kaya ko ‘to.” Itinaas niya ang newspaper na hawak para dahan-dahang itupi. “Dadalhin ko itong news paper mamaya Dad ha.”

Humigop muna ng kape ang kaniyang ama bago tumango. Nagbabasa rin ito ng newspaper gaya niya. Tumayo na siya ng tumunog ang sariling cellphone. Si Ciara ang tumawag.

“Sam, libre ka ba mamaya? Iimbitahan ko sana kayo nina Val, Sommers, Piper at Amber dito sa bahay e. Wala kasi si Kelvin umuwi ng Davao kanina kasi nagkasait ang lola niya. Hindi naman ako puwedeng bumiyahe dahil sa dinadala ko.” Sabi ng kaniyang kaibigan. Masaya siya dahil nagkatuluyan na ang mga ito. Alam niyang mahal na mahal ni Kelvin ang kaniyang kaibigan. Naging witness pa nga siya kung paano nito pinapakita kay Ciara ang pagmamahal nito.

“Sige. Sabihin mo lang kung anong oras kasi aalis ako maya-maya para maghanap ng trabaho.” Sagot niya dito.

“Ganoon ba? Mabuti naman at hindi ka na aalis gaya ng dati.” May bahid na lungkot ang masayang boses nito. Madalang lang kasi silang nagkikita nung nasa mission field pa siya.

“Oo nga e. Na miss ko rin tumambay dito sa bahay. Hindi na rin ako pinayagan ni Daddy na umalis dahil takot siyang maulit ang nangyari dati.” Napakagatlabi siya ng maalala ang nangyari sa Comval.

“Don’t be sad, Sam. Kaya nga tayo magkita-kita e. Let’s just have fun ok?”

“Yes. You’re right. Ok. Bye” hindi nagtagal at nagpaalam na rin siya dito. “Maliligo na ako.” Paalam niya sa mga magulang. Alam niyang nakikinig ang mga ito sa pag-uusap nila ni Ciara. Labis na nag-alala ang mga magulang niya sa kaniya dahil nalulungkot pa rin siya tuwing mapag-isa siya. Hindi lang talaga niya maiwasang maalala si Justin. Umiiyak at tumatawa siya mag-isa tuwing naalala niya kung gaano ito ka kengkoy minsan.

Isinabit niya ang isang tuwalya sa kaniyang balikat. Naalala na naman niya si Justin nung nag outing ang buong grupo sa isang exclusive beach resort na pag-aari ng pamilya ni Zack. Nagbibihis ang mag ito sa outdoor change room na pang-apat. Isinabit ni Justin ang tuwalya nito sa pintuan ng change room. Nasa labas siya kasama sina Zack at Ethan na naghihintay matapos sina Justin, Tyler, Kelvin at Alex. Naisipan ng dalawa na kunin ang tuwalya ni Justin kaya lang ay isinabit ng lalaki pati ang swimming shorts at pantalon nito. Kaya dahan-dahang kinuha ni Zack ang swimming shorts at pantalon ni Justin at itinago malapit sa basurahan. Tamang-tama naman na dumaan ang basura ng truck at naisama ang mga gamit ni Justin. Hahabulin na sana nina Zack at Ethan ang truck ng basura ng lumabas si Justin na naka tuwalya.

“O napatulala ka na naman ‘dyan. Bilisan mo ng maligo dahil baka wala ka ng trabahong dadatnan sa pag-aaplyan mo.” Narinig niyang sabi ng kaniyang nanay.

“Opo.” Sagot niya dito bago tuluyang pumasok sa banyo.

Umiiling na tumalikod si Tessie at bumalik sa hapagkainan.

Goodbye LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon