Goodbye Love
Ms Sapphire
CHAPTER 8
{A/N: Naisipan kong lagyan ng tittles ang remaining chapters ng Series na ito hehehehe Wala lang ka churvahan ko lang po ito ^___^v ~Sapphire}
SURPRISE DATE
KANINA pa pinakatitigan ni Sam ang kaniyang cell phone na nasa tabi ng kaniyang desktop. She let out a frustrated sigh. Sabado ngayon at wala siyang pasok, pero bakit parang gusto niyang pumasok ngayon? Sa lahat siguro ng empleyado ay siya lang ang magpepetition na gawing normal WORK DAY sabado. Hindi kaya siya kakatayin ng ibang mga empleyado sa opisina nila? Isang araw lang naman ang nakalipas matapos magparamdam si Ben sa kaniya. OO ISANG ARAW lang naman. But why it feels likes eterntiy? Pati ang ka chatmates niya ay puro naka offline. Ang mga kaibigan naman niya ay busy sa trabaho at pamilya kaya’t wala siyang nakaka-usap ni isa man sa mga ito.
“Bakit hindi ba ako pupuwedeng maglakwatsang mag-isa?” parang batang naktol niya sa sarili.
Umayo siya bigla ng maisip niya ang ideyang iyon.
“TAMA! Ide-date ko nalang ang sarili ko.”
^____^v
Nagmamadali siyang pumasok ng banyo para maligo. Tamang-tama at hindi pa siya nakakapag-shopping para sa sarili niya dahil wala naman siyang maisip na ibibili. Hindi naman siya kuripot, hindi lang talaga siya mahilig bumili ng mga bagay-bagay dahil uso ito. Bumibili lang naman siya kapag KAILANGAN lang.
“O akala ko ba hindi ka aalis ngayon?” sabi ng Mommy niya.
Sumubo siya ng isang manok na inihain ng Mama niya.
“Boring kase dito sa bahay ‘ma kaya aalis nalang muna ako. Babalik din po ako kaagad.” Humalik siya sa pisngi nito bago siya tuluyang lumabas.
“Umuwi ka ha bago maghapunan dahil nag request ng tinola ang Daddy mo para mamaya.” Sigaw ng Ginang.
“Opo!”
Lakad takbo ang ginawa ni Sam hanggang sa labasan ng Village nila. Tumabi siya sa mga taong naghihintay ng Jeep papuntang MOA.
“Hoy alam mo bang maganda raw yung Hansel and Gretel.” Wika ng katabi niyang babae.
“Talaga? Iyan nalang ang panonoorin natin?” sabi naman ng isa.
“Oo nga at crush ko pa naman si Jeremy Renner ayeeeii!!!” wika ng ikatlo.
‘Hmmm manood din kaya ako ng movie?’ napa-isip si Sam.
Pagdating ni Sam sa Mall of Asia o MOA ay pumasok muna siya sa mga clothing stores para tumingin-tingin. Hindi niya napansin ang isang pares ng mata na kanina pa nakasubaybay sa kaniya. Nakatayo ang isang lalaki sa may di kalayuan at maiging minamasdan ang bawat kilos ni Sam.
“Good Morning po Ma’am, do you need any help?” tanong ng isang attendant sa loob ng Lacoste.
Isa sa mga kinahihibangan niya ay ang bumili ng Polo Shirts sa Lacoste. Simple lang naman siya manamit at wala siyang hilig magsuot ng mga burloloy sa katawan. Kaya’t kung wala siya sa opisina ay jeans, polo shirts, converse shoes at sling bag lang naman ang get up niya. Trademark na raw niya ang may pagka boyish look ika nga ng kaibigan niyang si Ciara.
“May sale ba kayo ngayon?” may kahinaang boses na tanong niya sa babae.
“Yes Ma’am meron po. This way po Ma’am.”
Pina-una na siyang maglakad ng babae.
INABOT din siya ng halos isang oras sa loob ng Lacoste store dahil pinag-iisipan pa niya ng maigi kung alin, ilan at anong kulay ang pipiliin niya. In the end she settled with a color red Polo Shirt dahil halos lahat ng kulay ay meron na siya. Kakalabas lang niya ng marinig niya ang isang boses ng lalaki na tumatawag sa pangalan niya.