CHAPTER 8

972 43 13
                                    

CHAPTER EIGHT: SLEEP OVER

ASHER POV :

Putang ina talaga netong mga to!!!

Kung diko lang matiis tong mga to ey hindi talaga ako papayag na tumira sila dito dahil naren sa gulo nilang dalawa..

Nakaupo kami ni reyver habang sila alexis at nasa kanya kanyang kwarto na tinuro ko.

Lima naman ang kwarto dito sa condo ko kaya okay lang, yung room ko ang pinakamalaki habang yung apat naman ay parang kalahati lang ng room ko..

Pumunta nako sa kusina para magluto ng pagkain namin dahil masyadong mga tamad ang kasama ko sa condo.

Sarap nilang lasunin!!!

Nagluto lang ako ng tinola at nagsaing sa rice cooker, after 30 minutes ay luto na kaya naman tinawag ko na sila para kumain..

" Wow thanks mama asher" nang aasar na saad ni alexis kaya naman tumawa silang tatlo.

Tss sana pala nilason ko na tong mga to...

Tinignan ko lang sila ng masama at umupo na sa upuan, nagsimula na kaming kumain ng maingay dahil nagkwekwentuhan sila habang ako naman ay tahimik lang.

Mas nauna akong natapos sa kanila kaya naman tumayo nako at umalis na para tumambay sa sala pero bago yon syempre sinabi ko munang hugasahan nila yung pinagkain.

Sinindihan ko yung tv at nanood ng greatest showman dahil yun lang naman yung nakita kong mapapanood kaya yun nalang pinili ko.

"Pupuyat ba tayo?" Tanong ni alexis

"Ikaw ah, kung gusto mong malate bukas" sarkastiko kong saad na tinawanan nya lang naman.

Abnoy talaga!!

Ilang minuto lang at lumabas na si reyver na sya palang naghugas ng mga plato.

"Princess peram ako damit mamaya ah" pagpapaalam nya. Putang ina naisipang mag overnight dito di nagdala ng damit.

Tinignan ko lang syà ng masama kaya naman nginitian nya lang ako ng matamis na nagpapahiwatig na wala nakong magagawa.

Tang ina kaya nga ako dito sa condo umuuwi!!

Tahimik lang akong nanood habang sila ay parang tanga na nag iingay, buti nalang soundproof tong condo kaya walang napeperwisyo tong mga to.

" Sabay ka kumain samin bukas princess" pag anyaya ng kumag na nakalimutan ata ang sinabi ko kanina sa academy.

Bored ko syang tinignan." eh kung bugbugin kita ng di ka makakain?" Saad ko, nag iwas lang naman syà ng tingin, natakot ata.

"Basta samin ka sasabay sa ayaw at gusto mo" makulit na saad nya.

"Oo nga naman asher para naman di ka lonely o kaya ibully" saad naman ni alexis.

"Kasama ko si hace atsaka yun ang pinunta ko sa academy" saad ko na nagpatango lang sakanila.

Marami pa silang pinag usapan kaya naman tumayo nako para matulog dahil maaga pako bukas.

Pagpasok ko sa kwarto ay dumiretso ako sa cr para magshower, nagsuot lang ako ng pajama ko at kinuha na yung panlalaki kong damit at jogging pants at lumabas ng kwarto, buong lakas kong tinapon kay reyver yung damit at pumasok ulit sa kwarto at nilock to.

Humiga nako sa kama at pumikit na para matulog, pero ang mga deputa ay napakaingay kaya naman isang buong karinig dito sa kwarto ko.

Tang ina dapat pala pinasoundproof ko tong kwarto!!

Nagtalukbong ako ng kumot para takpan ang tenga ko pero puta wala paring nagyayari kaya naman kinuha ko yung airpods ko at sinout at buong lakas na nagpatugtog..

Mga perwisyo talaga sa buhay!!

Dinalaw nako ng antok pero isang minuto palang ata akong nakaidlip ay may narinig akong kalabog..

Mga putang ina talaga!!!!!....

Pinabayaan ko lang sila at pumikit ulet ng biglang may kumalabog ulet.

Grrrrrr!!!nakakadeputa tong mga kasama ko!!!

Tinignan ko yung oras at ala una na pero nag iingay paren sila.

Tumayo ako at lumabas dahil nawala ang antok ko pero paglabas ko ay wala na sila at nasa kanya kanya ng kwarto..

Mga tang ina talaga!!! sinadya nila yon!!!

Bumalik ako ng kwarto at pumikit ulet pero di na talaga ako dinalaw ng antok.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para magtimpla ng gatas, pagdating ko don nakita ko si reyver na kumakain ng snacks kaya naman agad ko syang binatukan..

"Tang ina nyo no?! Sinadya nyo yon!" Galit kong saad at binatukan ulit sya, tumawa lang naman ang hinayupak at tinuloy ang pagkain.

Tang ina pag dito to tumira ubos siguro lagi stocks ko!...

Nagtimpla ako ng gatas at umupo sa tabi nya, antahimik ng kusina kaya hindi naren nakatiis si reyver at nagsalita na.

"Kamusta sa canada?" Tanong nya

"Canada paren naman" bored kong sagot kaya naman tinignan nya ko ng masama.
nginisian ko naman sya. " Okay lang naman siguro"

"Buti di ka pinuwi ulit ng malaman nilang nandito ka?" Takang tanong nya na bored ko lang na sinagot.

"Parang dimo naman ako kilala, I get what I want" mayabang kong saad na nagpangiwi lang sakanya.

"Psh..eh yung mga bully sa school?" Tanong nya kaya naman tinignan ko syà na parang syà yung pinaka bobong tao dito sa balat ng lupa. " Oo nga pala yun ang pinunta mo don" sarkastikong saad nya na nag patawa lang saken.

Nagkwentuhan pa kami kaya naman hindi namin namalayan ang oras at 3:00 na pala ng madaling araw.

Puyat now, bangag later...

Pumunta nako sa kwarto habang syà naman ay sa guest room ng condo ko.

Pagkahiga ko sa kama ko ay nakatulog naren ako agad dahil sa antok.

~K~I~N~A~B~U~K~A~S~A~N

*Tok* *Tok* *Tok*

"Ash gising na!! May pasok tayo ngayon! " Rinig kong sigaw ni alexis sa labas ng kwarto ko.

Diko na syà pinansin dahil wala ako sa mood ngayon dahil naren siguro sa kulang ako sa tulog.

Dumiretso nako sa cr at naligo ng malamig na tubig para magising yung diwa ko pero parang walang epekto dahil inaantok paren ako.

Arghhh!!!! Kasalanan nila to hayop yan!..

Pagkatapos kong maligo ay tamad akong nagbihis at kinuha na ang bag para lumabas na sa kwarto.

Dumiretso akong kusina dahil don ako nakakarinig ng ingay, at tama nga ako dahil ang ingay nilang nagkwekwentuhan don kasama si reyver.

Putang inang to akala mo di puyat ang hayop...

Kumuha ako ng tinapay at kumain, napansin siguro nilang wala ako sa mood kaya naman di na nila ako kinulit..

Nang matapos nakong kumain ay nagpaalam nakong mauuna dahil bawal kaming magsabay sabay at baka maissue ako.

Pagbaba ko sa ground floor ay binati ako ng mga staff at nung guard kaya naman tinanguan ko lang sila at dumiretso sa parking lot.

Sumakay nako sa kotse at nagmaneho papunta sa academy.

Pagdating ko don ay as usual nakaparada nanaman yung naggagandahang kotse nila na masarap basagin..

Pumasok nako sa entrance ng academy kaya naman nasa aken nanaman lahat ng atensyon.

Diko na sila pinansin dahil wala ako sa mood ngayon na makipag away..

Dumiretso nako sa room at umupo na sa upuan ko katabi si hace at alexis.

"Goodmorning ash" bibong pagbati ni hace, buti pa syà may energy.

"Morning" yun lang ang sinabi ko at itinungo ang ulo ko sa lamesa.

Tutal wala pa namang teacher siguro naman pwede pang umidlip diba???

THE NERD IS WHAT?? (EDITING)Where stories live. Discover now