CHAPTER 2

1.1K 49 1
                                    

CHAPTER TWO : OFFICIALLY FRIENDS WITH THE ANNOYING HACE

ASHER POV:

" Bye ash kita nalang tayo bukas " nakangiting pamamaalam ni hace habang kumakaway

" Geh bye " yun nalang ang sinabi ko at pumasok na sa loob ng kotse ko at pinaandar na ito.

10 minutes lang at nakarating nako sa condo dahil medyo malapit lang naman ang academy sa building ng condo ko.

Nagpark nako sa sarili kong parking, yeah bawat may ari ng condo dito ay may sariling parking para sa kotse mo.

Priority kase nila yung mga kotse ng mga may ari ng condo then yung mga bibisita naman may parking den pero sa baba nakahiwalay samin.

" Good afternoon ma'am " pagbati nung guard saken kaya naman tinanguan ko lang syà.

Sumakay nako sa elevator at pinindot ang fifth floor dahil doong floor yung condo ko.

Pagdating ko don as usual tahimik dahil wala pa Yung mga may ari ng ibang condo at lahat kase ng condo dito ay sound proof which is good thing..

Swinipe ko na yung card ko na nagsisilbing parang susi sa pinto na condo then yung fingerprints sa doorknob at pinihit ko na to pabukas.

Ganon ang security nila para wala talagang makapasok na iba at yung mga bibisita naman dapat register name sa list ng gusto mong makapasok sa condo mo, kukunin den kase nila yung fingerprints den bibigyan ng sariling card pero kung kunwari yung nakaregister na name is ayaw mo ng papasukin pwede mo syang ipa banned sa secretary ng may ari ng condo nato..

May nakalagay na number sa loob ng condo ko, number ng secretary then number sa baba para naman sa guard..

Pagpasok ko sa condo ko bumungad saken ang super tahimik pero malinis na condo ko...

Mag isa lang naman akong nakatira dito kaya naman walang sasalubong saken.

Pumasok ako sa kwarto ko at nilapag yung bag ko sa kama ko at pumasok sa cr para maligo.

Nagshower lang ako at pumasok sa closet ko para kumuha ng ternong pajama ko.

Pinatuyo ko muna yung buhok gamit yung towel dahil hindi naman ako fan ng blower.

Pumunta ako sa aircon ko na nakabukas kahit umaalis ako pero nasa number one lang kaya naman nilakasan ko at tinutok yung arrow sa number three.

Lumabas nako sa kwarto ko at pumasok na sa kusina para magluto.

Marunong naman ako magluto dahil tinuruan ako ni mom na maging independent at sabi nya na pangit sa babae pag di raw marunong magluto kaya naman tinuruan nya ko.

So kapag marunong nakakaganda???

Nagluto lang ako ng adobo habang nagluto naman ako ng kanin sa rice cooker.

Kompleto naman ang laman ng reff ko dahil kakagrocery ko lang nung isang araw.

Ilang minutes lang ang ginugol ko at tapos nakong magluto na nasakto naman sa pagtunog nung rice cooker.

Inihain ko nato sa lamesa at kumuha ng juice sa reff at nagsimula ng kumain.

Pagkatapos kong kumain ay naghugas nako ng plato at pumunta na sa kwarto para magpahinga.

Wala naman kase kaming assignment dahil first day of class..

Dahil narin siguro sa pagod ay kusa akong dinalaw ng antok.

K~I~N~A~B~U~K~A~S~A~N

THE NERD IS WHAT?? (EDITING)Where stories live. Discover now