CHAPTER 10

936 48 36
                                    

CHAPTER TEN:

HACE POV :

"Ash tara na sa cafeteria" pagtawag ko kay asher sabay kalabit.

Anong bang ginawa nito at parang puyat na puyat??...

Agad naman syang nag angat ng tingin sakin ng maramdaman ang kalabit ko...

Sinenyasan ko syà na lalabas na kami kaya naman tamad syang tumayo at kinuha na ang bag nya.

Napakakyut talaga nya HIHIHIHI..

Namangha ako sakanya kanina nung nasagot nya yung tanong ni ma'am kahit na next week pa dapat naming topic yon, partida tulog pa syà nyan at laging naka airpods kaya di nya naririnig lagi yung tinuturo ni ma'am.

Apakatalino ng kaibigan ko na to HIHIHIHI

Naglakad na kami ni ash patungo sa cafeteria habang nasa likod naman namin yung mga royalties.

Nasa amin lahat ng atensyon dahil naren siguro sa katabi ko si ash at nasa likod naman yung mga sikat.

Diko nalang sila pinansin at sumunod nalang kay ash, pagdating namin sa cafeteria ay deretso counter kami.

"What is your order ma'am?" Tanong nung babae sa counter kay ash.

"Spaghetti,burger,fries,rice, chicken, chocolate shake and bottled water" bored na sagot ni ash na gulat na nakapaglingon kay ateng nasa counter.

Gulat ko ren syang tinignan dahil first time ko syang nakitang umorder ng kanin sa lunch at andami ren ng order nya.

Gutom na gutom ba syà?!

Binigay naman lahat ni ate yung order ni ash kaya naman ako na next, sinabi ko sakanya yung lagi kong inoorder at binigay naman nya.

Naglakad na kami ni ash sa dulo sa dati naming pwesto ng biglang may nagtulak kay ash...na si aria pala

Ano bang problema ng babaeng to?!

"Aria!!" Galit kong sigaw sakanya. Tinignan nya lang naman ako at bumaling ulit kay ash na bored lang na nakatingin sakanya.

"What a loser" nang aasar na saad ni aria kay ash.

"Tsss" singhal ni ash at dumiretso na sa upuan namin.

Inirapan ako nila aria kaya naman inirapan ko ren sila at sumunod na kay ash.

Pagkaupo namin ni ash ay nag aalala ko syang nilingon.

"Okay kalang?" Shit bwesit kasing aria yon eh!

Tinignan nya naman ako na nagsasabing okay lang syà kaya naman nginitian ko syà. " Orderan nalang kita gusto mo?" Tanong ko

"Hindi, wag na meron ng mag oorder sakin" saad nya at tinungo ulit ang ulo.

Antok na antok ba syà? At sino yung mag oorder?

Di muna ako kumain dahil gusto kong sabay kami kaya hinintay ko nalang yung sinasabi nyang mag oorder sakanya.

Ilang minuto lang hinintay ko ng biglang lumapit si reyver na may dalang tray na tulad den lang ng inorder ni ash kanina.

Wag mo sabihing??...si reyver yon??

Na kay reyver lahat ng atensyon dito sa cafeteria na papalapit samin.

"Princess kain kana" saad nya at binaba ang tray sa lamesa namin. Gulat naman lahat ng tao dito sa cafeteria kasama ako..

Shit nakakakilig sila HIHIHIHI

"Oum kakain na" tamad na saad ni ash na hinilot pa ang sintido nya.

"Masakit ulo mo?" Nag aalalang sagot ni reyver, napansin nya siguro na kanina pako nakatingin sakanya kaya naman nilingon nya ko at nginitian. " Uhm hi" pagbati nya sakin.

Nginitian ko naman syà at tinanguan. Nilingon nya ulit si ash na nakapikit paren ang mata habang hinihilot ang sentido.

"Kuhanan kita gamot sa clinic?" Presinta ni reyver. " O kaya sabay ka na muna samin kumain?" Tanong nya nag aalala paren.

" Okay lang ako, balik kana sa table nyo at kumain, mawawala ren to." Yun lang ang sinabi ni ash at nagsimula ng kumain.

Nagsimula naren akong kumain habang si reyver naman ay bumalik na sa mga kasama nya na nagtataka ren sa inasta nya dibale kila alexis at shiana na nag aalala ren ata.

Diko na kinulit si ash dahil parang masakit ata pakiramdam nya kaya naman nag aalala ren ako.

Mabilis ko lang naman inubos yung pagkain ko kaya naman umiinom ako ng tubig ng nilingon ko si ash, nabulunan ako ng makitang ubos nya na lahat ng inorder ni reyver.

Ang takaw naman nya??

Nilingon nya naman ako. " Okay kalang?" Tanong nya, narinig siguro ang pag ubo ko.

Tinanguan ko lang naman syà at pinagpatuloy ulit ang pag inom.

Nilinisan namin ang table namin at umalis na para bumalik sa room, pagdating namin don ay medyo kakaunti palang naman ang mga tao dahil may 30 minutes pa bago mag time.

Tinungo ulit ni ash ang ulo nya at natulog, pinabayaan ko lang syà para makapagpahinga ren.

_______________________________
ASHER POV:

Napakasakit ng ulo ko ngayon dahil narin siguro sa puyat, actually kaninang umaga pa kaya wala ako sa mood dahil masakit yung pakiramdam ko, diko naman pinansin at uminom nalang ng gamot para sana di magtuloy yung sakit ko kung magkakasakit nga ako.

Kaso wala atang epekto yung ininom ko kaninang umaga dahil mas nadagdagan pa yung sakit ng pakiramdam ko.

Puta magkakasakit pa ata ako...

Peste kase yung demonyong si aria ey dagdag pasakit ang hayop,okay lang sana kung maayos ang pakiramdam ko kaso ngayung wala ako sa mood at pinagtripan moko ay maikli lang talaga ang pasensya ko at madaling magalit.

Nakatungo lang ako dito sa lamesa ko ng biglang may kumalabit saken. Inangat ko naman ang paningin ko at tinignan kung sino ang kumalabit sakin na si reyver pala.

"Oh inom ka gamot" bulong nya saken na narinig ng mga katabi ko dahil naren sa tahimik ng room namin. Siguro gulat dahil kanina pa lumalapit saken si reyver.

Kinuha ko naman yung gamot at bottle water na binibigay nya at ininom, pagkatapos kong inumin ay binalik ko sakanya yung tubig at tinungo ulit yung ulo ko.

Nilagay nya naman sa noo ko yung palad nya, tinitignan kung mainit ako. " Shit mainit ka princess, halika at ipupunta kita ng clinic" nag aalala nyang saad. Alam kong narinig yon ng buong klase dahil napaka OA nya kaya naman naisigaw nya yon.

Kung di lang masama pakiramdam ko babatukan ko tong hinayupak nato....

Inalis ko naman yung palad nya sa noo ko. " Hindi na papahinga lang ako" tamad kong saad.

Tinignan nya naman ako na parang ako ang pinakamakulit na tao sa balat ng lupa. " Tsk napakakulit talaga, sige na pahinga kana lang" yun lang ang sinabi nya at bumalik na sa upuan.

Nag aalala naman akong nilingon nila hace,alexis at shiana na tinanguan ko lang. " Okay lang ako" saad ko sa kanila na ikinailing lang nila.

Rinig kong may nagtuturo na sa harap dahil naren sa malakas na boses pero unti unting humina at nilamon ako ng dilim.

"Ash P.E class na" nagising ako dahil sa boses ni hace at kinalabit pako.

Unti unti ko namang inangat ang paningin ko pero malabo ang nakikita ko, kinurap kurap ko ang mata ko kaya naman unti unti kong nakita ang room na unti nalang ang studyante.

Nilingon ko si hace na nag aalalang nakatingin sakin. " Okay kalang?" Tanong nya na tinanguan ko lang. " Kaya mo pa bang magP.E?? Kapag hindi iexcuse nalang kita kay sir" saad nya na ikinailing ko lang.

Puta mas lumala lang ata yung sama ng pakiramdam ko...

Pumunta kami ng cr ng babae at medyo madami na ang nandon pero may free pa namang cubicle.

Nagpalit na kami ni hace ng pang P.E na damit habang ako yung kahapon paren na style ang sinuot ko.

Hayyyy sana kayanin ng lakas ko....

THE NERD IS WHAT?? (EDITING)Where stories live. Discover now