Siya si Esmeralda Fuentes, pwede mo ding tawaging "Esme" tunog panlalaki ano? Well sabi nila para nga naman siyang lalaki kung kumilos. 'Di naman siya napipikon sa pag inaasar nilang tomboy siya tsk!! Pake niya naman pero lahat ay nagbago, ang paniniwala, pananalita at pagkilos niya ay nag iba simula nang mag lockdown ang kanilang bayan at nakilala niya ang isang lalaking ang mag papalambot sa mala bakal niyang puso at akalain mo ba naman sa 'di inaasahan pagkakataon pa talaga siya makakaramdam ng pag ibig at sa 'di inaasahang tao rin. Mapaglaro talaga ang tadhana ano? She didn't expect to experience unexpected love in the middle of pandemic but cupid hit her. Oh 'di ba napa english na siya. Naku iba talaga pag emotional ka, mapapa english ka talaga fluent pa. Napatigil siya sa kanyang dialogue nang makaramdam siya ng sakit.
"Aray ko naman, ba't ka namamabatok riyan?" galit na singhal niya sa kaibigan na si Eudora.
Saka sinamaan ito ng tingin habang hinihimas ang kanyang ulo.
"Para ka kasing tanga riyan, nakatunganga tapos ngumingiti mag isa, sino ba kasi iniisip mo?" nakapamewang na angil nito at tinuturo turo siya.
Napakamot siya sa ulo, kumati na naman baka may kuto nanaman siya 'yong kapatid niya kasi maraming kuto hayst.
"W-wala naman," iwas tingin na tugon niya.
Paglingon niya ay parang bang tumigil ang pag ikot ng kanyang mundo nang masilayan ang gwapong mukha ng mahal niya este ng Mayor nila. Ang kumikinang nitong matang kakulay ay ang kape sa umaga at ang aherm!! Ang braso nito halatang alaga sa ehersisyo kay sarap sigurong makulong roon umaga at gabi----
"Aray! Eudora, namumuro ka na ha!" nakasimangot na reklamo niya sabay hawak sa pisngi at hinaplos ito para mawala ang sakit. Sinampal lang naman siya ng kaibigan niyang brutal.
"Ikaw kasi eh, kinakabahan ako sa iyo, kanina ngumiti ka mag isa ngayon naman natutulala ka. Hindi lang 'yon tulo laway ka pa, jusko!! Esmeralda Fuentes, pag pacheck up ka na kaya," napapailing na giit nito.
Namumula napahawak siya sa gilid ng kanyang labi, basa nga iyon.
"Naku self malala ka na," kastigo niya sa sarili.
Napa kurap siya nang may tumapik sa balikat niya, akmang sisinghalan niya ito sa isipang ang makulit na naman niyang kaibigan ang may kagagawan pero napatigil siya ng sumalubong sa kanya ang mukha ng lalaking kanina ay laman lamang ng kanyang isipan.
Napahawak siya sa buhok at inilagay ang ilang hibla nito sa gilid ng kanyang tenga, lakas maka dalagang pilipina si ateng.
"H-hi, Yorme, ano po maipaglilingkod ko?" kiming tanong niya.
Pag ito talaga kaharap niya naging iba ang galaw at pagsasalita niya, para gusto niyang kantahan ng, "Kahit ako'y titibo tibo puso ko'y tumitibok tibok pa rin sayo."
Habang hindi makapaniwala palipat lipat na tumingin si Eudora sa kanya at sa kanilang Mayor, marahil ay nagtataka ito kung bakit ganun na lamang ang kanyang kinikilos. Well kahit siya rin pero sabi nga nila, pag tinamaan ka ng sakit na pag ibig kahit gaano ka pa katapang, astig at ka barumbado lalambot at lalambot ka.
"Are you free tomorrow?"
Napakurap kurap siya sabay natigilan at matagal na tinitigan ang kaharap.
YOU ARE READING
Unexpected love in the middle of pandemic {On hold}
General FictionRexcel Yuwan Romualdez a town mayor and grandson of a former president of the republic of Philippines. He is a politician, handsome, hot and has a lot of admirers including a boyish girl named Esmeralda Fuentes, a barangay captain who is actually a...