Chapter 5

15 3 1
                                    

Sumunod na araw na gulat na lamang siya ng pinatawag siya ng kanilang mayor sa opisina nito. Magkahalong pagkalito at kasiyahan ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Kasiyahan dahil makikita niya ang binata, namiss niya kasi ito. Kung pwede nga lang sumama siya lagi kung saan man ito pumunta ay gagawin niya. Kaso wala naman siya sa posisyong gawin yun at lalong wala siyang karapatan. Isa lamang siyang taga hanga nito at isa sa mga empleyado, yun lang at wala nang iba. Habang nasa daan napansin niyang walang mga tao ang kalsada hindi tulad ng dati na marami ang naka tambay sa mga tindahan o sa labas ng mga bahay ng mga ito. Malaki talaga ang epekto ng epidemya, binago nito ang pamumuhay, paniniwala at kilos ng mga tao. Katulad na lamang ng pag suot ng mask tuwing lalabas at face shield, pag dala ng sarili mong ballpen at alcohol idagdag mo pa ang palagay ng pagitan sa mga pag tricycle, jeep at bus.

Hindi niya namalayan nasa tapat na siya ng pintuan kung saan ang opisina ng mahal nilang mayor. Huminga siya ng malalim bago kumatok, kadalawang beses siyang kumatok bago bumukas ang pinto bumukad sa kanya ang lalaking nakatayo sa gilid kung saan ang malaking salamin na makikita mo ang mga nangyayari sa labas pero hindi sa loob.

"Goodmorning, Mayor, pinatawag mo po raw ako."

Lumingon ito sa gawi niya at nag pamulsa.

"Cut the po, how old are you again? Esme?"

Napaiwas siya ng tingin nang 'di niya makayanan ang bigat ng tingin nito na tila ba pati kaluluwa niya ay sinusuri ng lalaki gamit lamang ang mga mata nito.

"28, Mayor, bakit po?"

Imbis na sumagot humakbang ito papuntang desk nito at may kinuhang, isang white folder, wala siyang ideya kung anong laman noon.

"Do you have any idea what's inside of this?" seryosong tanong nito.

Umiiling siya. "No…ano po ba laman niyan?"

Tumingin ito ng deristo sa mga mata niya.

"I need a private nurse and the inside of this folder is the information about you and your past job."

Natigilan siya, bakit nito nalaman ang trabaho niya? At bakit siya nito pina imbestigahan? Pwede siya naman nito tanungin na lang---

"Maybe you are wondering why, l investigate about you."

Tumango siya bilang sagot. lpinaliwanag nito kung bakit, kasi raw curious ito kung paano siya nagkaroon ng relasyon sa isang tulad ni Rouel, well, Rouel family are well known Doctor. Siguro napagtanto nito na baka nagkakilala sila dahil relating ang kursong tinapos nila o minsan na silang mag sama sa isang working place. Well tama nga naman ang mga posibilidad na isip nito. 

"I want to hire you as my private nurse, do i need to explain myself why?" mamaya ay tanong nito.

Umiiling siya, hindi na kailangan maintindihan na niya, dahil sa panahon ito mas maigi kung meron itong private nurse na mag oobserva sa diet nito at sa kondisyon ng katawan nito lalo na, nag iikot ito sa mga barangay para magbigay ng tulong ng personal para masiguro ang kaligtasan nito dapat meron gagabay rito sa mga dapat gawin at hindi, sa mga dapat kainin at hindi.

"As expected you are smart," komento nito.

Nababasa niya rin ang paghanga sa mga mata nito, ngumiti siya.

"Thank you."

"l assume you will say yes."

Biglang parang may sumipa sa puso niya, hindi niya alam pero, she felt unexplainable happiness ng mga sandaling 'yon. Kasi kanina iisip lang niyang sumama rito kung saan man ito pumunta ngunit ngayon, God made a way to grant her wish. How lucky she is.

"YES!" pasigaw na sagot niya.

Narinig niyang natawa ang lalaki. Napahawak siya sa bibig kahit naka mask siya parang gusto niyang mag palamon na lang sa lupa ng mga sandaling iyon sa sobrang hiyang nararamdaman niya.

"You can start tomorrow, my driver will fetch you at your house. Oh! I forgot to tell you, if you will be my nurse you need to stay by my side 24/7 as much as possible so it means you will live with me," he said using his authoritative voice.

Napa kurap kurap siya, hindi niya alam pero pakiramdam niya hindi ang Mayor ng bayan ang kaharap niya kundi isang mister na mapag akin sa kanyang asawa. Hindi maiwasan kiligin parang gusto niya umuwi sa bahay nila ka agad at ayusin ang mga gamit niya sa narinig. Sino ba naman kasi tatangi na makasama 24/7 ang lalaking to, kanin nalang ang kulang ulam na ulam na itong si Mayor.

"So, are you still willing to be my nurse even if even if you're life will be in danger and you own your freedom anymore?" tanong nito gamit ang malumanay na boses habang tinitigan siya sa mga mata.

Nag mag tama ang kanilang mga mata para ba siya nitong nilalasing sa titig nito, walang pag aalinlangan tumango siya.

"Good, see you tomorrow then."


Pagkalabas niya sa ospisina ng lalaki napatalon siya sa tuwa, sa wakas matutupad na ang pangarap niyang makasama ito, 24/7 dapat raw nasa tabi siya nito. Namula siya sa mga pumapasok sa isipan niya, pero kung ayos lang kay Mayor my labs ko na pati sa gabi mag kagabi kami dahil sabi niya 24/7 diba, aba't arat no, Kering keri ko yarn. 

"Hindi na ako makapaghintay na magsasama tayo sa isang bahay, mahal kong Rexcel, pinapangako kong maging tapat at masurin, sisikapin kong kulayan ang buhay mo…" parang baliw na bulong niya sa pintuan ng opisina ng lalaki.

Biglang bumukas ang pintuan kaya na out balance siya deri-deritso siyang natumba sa dibdib ng lalaki. Biglang tumigil ang mundo niya pero ang puso niya bumilis ang tibok na tila ba may karera sa loob.

"Aherm! Are you okay??"

Tumingala siya ng hawakan siya nito sa balikat at pinaayos ng tayo. Nag beautiful eyes siya at pasimpleng inayos ang buhok.

"O-oo, salamat."

Lumayo na ito sa kanya habang siya nakatayo sa harap nito. 

"You should go home and pack your things, maaga ka pa bukas."

Gusto niya itong palakpakan dahil deritso na ang pag tagalog nito pero nahihiya siya kaya tinikom niya ang labi at tumango sabay talikod.

...
Binibining mary ✍️



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected love in the middle of pandemic {On hold}Where stories live. Discover now