Magkatabi sila ni Mayor sa likuran pero may pagitan naman, dahil kung iisipin may kalakihan naman ang likuran ng kotse, maya-maya pa ay bumuhos na nga ang ulan, hindi lang basta ulan sinundan ito ng kidlat at malakas na hangin, hindi niya tuloy maiwasang mag alala.
"Hala! Umulan nga! May bagyo ba ngayon?" mahinang tanong niya sa sarili habang nakatingin sa labas.
"Yes, haven't you watch the news?" malumanay na tanong ng lalaki.
Napalunok siya, puro lang kasi K-drama, C-drama o 'di kaya anime na papanood niya lagi. Hindi naman kasi siya mahilig manood ng balita, paminsan minsan lang.
"Ah hehehe, nanood pero paminsan-minsan lang," alinlangan sagot niya.
Kunot ang noo nito at nilagay ang braso sa dibdib, mas lalo tuloy siya kinakabahan, pakiramdam kasi niya para siyang batang nahuling nangopya ng teacher niya kaya siya nasesermonan.
"You should watch the news everyday because it's very important to know what is going on in our community, particularly because we're in the middle of a pandemic."
Minasdan niya ang lalaki at 'di niya maiwasang mapangiti, 'di niya alam pero kinikilig siya pag senesermonan siya nito, ibig sabihin lang kasi noon concern ito sa kanya. Hmm ka-ilang beses na ata siya nito pinangaralan ngayong araw ah, gano'n na ba siya kapasaway?? Well ayos lang masarap pala sa feeling pag may taong concern sayo, yung tinatama yung mali mo. Pinasalakop niya ang mga kamay at malapad nakangiti, sayang lang hindi nito makikita dahil na ka mask siya.
"Natahim ka?"
Napa kurap kurap siya at tumingin sa gawi ng lalaki seryoso ang mukha hindi niya maiwasang pangiwi, mali na naman ang pag tagalog nito.
"Ahmm wala po, salamat po sa payo, Mayor, ahmm It's "Tahimik" po not natahim"
"Oh, my bad"
Nababasa niya sa mga mata nitong naaliw ito sa nalaman. 'Di niya alam pero napangiti siya, ang kyut kasi nito. Binawi na niya ang tingin at binaling sa labas pero napa lingon siya ng maramdaman ang tingin ng lalaki.
"Bakit?" nagtataka tanong niya
Umiiling ito. "Nothing, nababago lhang ako sa a-ayos mo"
Ngumiti siya ng mag-slang na naman ang pag tagalog nito.
"It's "naninibago" not "nababago" and it's "lang" there's no "h" in there," malumanay na paliwanang niya.
Umayos ito ng umupo at inayos ang damit at nilagay ang kamay sa batok, senyales na nahihiya na ito o nayayamot o 'di kaya nahihirapan.
Tumawa siya ng mahina. "It's okay, natural lang na hindi mo pa kabisado mag tagalog dahil nasanay ka sa english."
Tumititig ito sa kanya. "Thank you!"
Napatingin siya sa sarili ng maalala ang sinabi ng lalaki, kahit naman siya naninibago din sa totoo lang at sa totoo lang hindi siya comfortable sa suot niya, panay nga hila niya kanina sa dress niya pero tinitiis niya lang, dahil gusto niya makita ang reaksyon ng lalaki pero mukhang di magandang kinalabasan napangiwi siya.
"Ayaw mo ba?" mamaya ay tanong niya.
Tumingin uli ito sa kanya. "Well, it's your body, your choice, I don't think I have a right to stop you," seryosong komento nito.
YOU ARE READING
Unexpected love in the middle of pandemic {On hold}
General FictionRexcel Yuwan Romualdez a town mayor and grandson of a former president of the republic of Philippines. He is a politician, handsome, hot and has a lot of admirers including a boyish girl named Esmeralda Fuentes, a barangay captain who is actually a...