Maaga siyang nagising para samahan ang kanyang ina sa follow up check up nito. Ayaw niya sana dahil sa ospital kung saan siya dati ng trabaho at kung saan nagtatrabaho ang lalaking nanloko sa kanya pero wala siya magagawa dahil nag iisang anak lang siya. Wala na siyang ibang maasahan kundi sarili niya, ang tipid kasi ng parents niya ba't kasi isang anak lang ginawa ng mga ito. Pag siya nag asawa hanggang kaya niya umeri, magbubuntis at magbubuntis siya lalo na kung si Mayor my labs niya ang magiging tatay ng mga anak niya, aba! Swerte niya pag gano'n, maganda ang lahi nito na nababagay sa lahi niya. Ngumisi siya sa naisip, mamaya pa narinig na niya ang pag tawag ng kanyang ina sa kanyang napa weirdo na pangalan na mula pa sa kanyang kanunuan.
"ESMERALDA!!!!"
Napakamot siya sa ulo. "HETO NA MA!!!"
Mabilis ang mga hakbang na lumabas siya sa bahay, sumalubong sa kanya ang nakasimangot na mukha ng kanyang lna habang sinusuri siya nito mula paa hanggang ulo.
"Aba't! Ba't ganyan ang suot mo?"
Napatingin siya kanyang suot na simpleng T-shirt na kupas na at maong na kupas na din. Wala namang masama sa suot niya, ito naman lagi suot niya bakit pa nagtataka ang mama niya?.
"Bakit, 'Ma?"
Napabuntong hininga ito at umiwas ng tingin. "Wala, mukhang isang araw lang 'yong sapi mo," pabulong na sabi nito.
Napailing na lamang siya at pumasok na sa loob ng kanilang sasakyan. Habang nasa byahe hindi niya maiwasang isipin paano pag nakita niya ang dalawa? Ano gagawin niya?? Iiwasan o nagpapanggap siyang hindi niya ito kilala.
"Ang lalim naman noon," narinig niyang komento ng kanyang ina.
Narinig nito marahil ang pagbuntong hininga niya. Hindi siya nagsalita at tinuon na lang ang tingin sa labas ng kalsada at inaliw ang sarili sa panood sa mga tanawin na dinadaanan nila.
***
NASA loob na siya ng ospital ang Mama niya ay naiwan mona sa ward kung saan hinihintay ang pagdating ng doktor nito. Nagpaalam siya ritong mag babanyo lang siya. Sa kanyang pag libot sa ospital napansin niyang napakalaki ng pinagbago nito, may mga nadadaan siyang mga pasyenteng mag isa lang. Bawal na kasi ngayon ang bantay, masakit 'yon sa part ng pasyente at kapamilya nito dahil wala man lang ito makakausap at mag aasikaso. Siguro kung on duty siya pipilitin niyang maka over time at dalawin ang mga pasyente araw araw at pasayahin ang mga ito kahit sa pintuan lang siya ng kwarto pero kasi hindi pa siya handa bumalik. Kailangan niya pa ng oras maka pag isip isip, beside kahit papano nakakatulong pa din naman siya dahil sa abot ng kanyang makakaya ginagawa niya ng maayos ang obligasyon niya bilang kapitan ng kanilang barangay. Napatigil siya ng makita sa isang kwarto ang lalaking ayaw niya makita, napako siya sa kanyang kinatatayuan. Matagal tagal din huli pagkikita nila, napa iwas siya ng tingin nang magtama ang kanilang mga mata, mabilis na tumalikod siya at malaki ang hakbang papalayo sa lugar na 'yon ngunit na patigil siya ng hawakan nito ang braso niya."Let me go," malumanay pero madiin na utos niya.
"Esme…pwede ba tayo mag usap?" pakiusap nito.
Lumingon siya sa lalaki, napaiwas ito ng tingin ng tinitigan niya ito ng matalim.
"Para ano pa? Tapos na tayo! Wala tayo dapat pag usapan pa! Kaya pwede ba bitawan mona ako! Baka makita pa tayo ng nobya mo at kung ano pa ang isipin!"
Nakita niyang na tigilan ito, nababasa niya rin ang kalungkutan at pag sisi sa mga mata nito pero wala siyang pakialam. Hinila niya ang kamay mula sa pag kahawak nito pero hindi siya nito binitiwan kaya gumulo dugo niya sa galit.
"ANO BA!!" pasigaw na angil niya.
Pero hindi ito nag patinag hanggang sa may humawak sa bewang niya at hinatak siya palapit rito. Nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ang may ari ng brasong iyon.
"May----"
Nilagay nito ang isang daliri sa bibig niya. Napatitig siya sa mga mata ng lalaki, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyun niya.
"S-sino ka?" nalilitong ni Rouel.
Bumaling ang tingin ni Mayor my labs niya sa ex niyang halatang gulat na gulat.
"Her boyfriend," maikling sagot nito.
Napatitig siya sa lalaki. "Ano raw? Boyfriend niya? Aba!! kailan pa?"
Nakita niyang nalaglag balikat ni Rouel at tila ba hindi nito matanggap ang narinig habang nilapit ni Mayor my labs niya ang labi sa tenga niya sabay bulong, "Smile and tell him that i'm really your boyfriend para huwag ka na niya guluhan."
Nag slang pa ang huling sinabi nito, gusto niya matawa pero hindi ito ang tamang panahon. Mabilis na umayos siya ng tayo at tumingin kay Rouel na hinihintay ang sasabihin niya.
"Rouel meet my boyfriend, Rexcel Yuwan Romualdez," nakangiting pakilala niya.
Hindi naka pagsalita agad ang lalaki, nakatitig lang sa kanya. Sa loob loob niya parang gusto niyang mag diwang sa tuwa, buti nga sa iyo.
"So, kung wala ka nang sasabihin mauuna na kami," aniya.
Tumango lang ito at tumingin sa braso ni Rexcel na nakalagay sa bewang niya.
"Congratulations sa inyo," mahinang usal nito.
Ngitian niya ang lalaki. "Thanks, sa inyo din."
****
Sa labas ng Ospital, inalis na ni Mayor my labs niya ang braso nito sa bewang niya."Salamat, buti na lang dumating ka," parang nabunutan ng tinik na usal niya.
Tumuwid ang tayo ng lalaki at tumingin ng diretso sa mga mata niya.
"So, he's your ex?"
Napatitig siya sa mukha ng lalaki, mukhang hindi kasi ito naniniwalang ex niya ang lalaking 'yon. Well Rouel is handsome and hot, maraming babae ang nahuhumaling doon at idagdag mo pa may stable itong trabaho.
"Hindi ka naniniwala?" natatawang tanong niya.
"Well, sabagay hindi naman ako ganun kaganda, ordinaryong babae lang naman ako na mukhang tomboy manamit at pananalita kaya hindi na ako magtataka kung hindi ka naniniwa-----"
"Stupid man, he let go a rare girl like you," seryosong komento nito.
Nakinatigil niya napatitig siya sa lalaki.
"Huh?"
"Nothing."
Napakamot siya sa ulo niya, ano ba 'yan pabitin naman 'tong lalaking 'to---
"ESMERALDA!!!!!"
Nalingon siya ng marinig ang boses ng kanyang ina. Napatampal siya sa kanyang ulo ng makalimutan niyang balikan ito kanina kaya ayon habang nasa byahe sila walang tigil ang pag usisa nito bakit raw sila mag kasama ni Mayor. Ano daw ba ang relasyon nila ni Mayor?? Ano daw ba ginawa nila ni Mayor sa labas at marami pang iba. Nilagyan na lang niya ng headset ang tenga para hindi ito marinig.
…
Binibining mary ✍️
A/n: Goodnews, binalik ko na lang as tagalog ito😁 mas maappreciate niyo at ko kasi ang kwento pag tagalog. Challenge ito sa akin kasi hindi ko ito forte plain romance, politics, history and pandemic. Huwag mo na idagdag ang medical field, simpre need ko iyan aralin para mabigyan ko naman ng hustiya ang kwentong ito. l know not all of you ma aappreciate ito kasi nga hindi uso😁 walang jerjer, walang Billionaire, walang one night stand. It's just about two people fell inlove in the middle of Pandemic. Hangad ko mag bigay aliw at information about how to avoid covid, minimize the effect and prevent ang pagkalat at saka magbigay din ng tips kung paano makaka cope up sa depression and anxiety. Cause l know it's not easy na malayo ka sa pamilya mo habang nag kakasakit ka, simpre hindi mawawala ang positive and negative effects of politics and pandemic to the life to our daily life. So, l hope abangan niyo, kasi l know to myself matatapos ko ito dahil nararamdaman kong l need to express this, l need to share this. 😊
YOU ARE READING
Unexpected love in the middle of pandemic {On hold}
General FictionRexcel Yuwan Romualdez a town mayor and grandson of a former president of the republic of Philippines. He is a politician, handsome, hot and has a lot of admirers including a boyish girl named Esmeralda Fuentes, a barangay captain who is actually a...