Chapter 2

20 1 0
                                    

Pagkatapos ng meeting ng sitayuan na ang lahat pati na rin siya, simpre, lahat nga eh, kidding. Inayos niya ang kanyang dress na bahagyang tumaas ng umupo siya kanina. Napayuko siya kaya 'di niya namalayang nasa harap niya na pala ang lalaki. Sa gulat ay napaatras siya at sa kamalas malasan natapilok siya. Bakit pa kasi siya gumamit ng may takong eh hindi naman niya masyado alam kung paano iyon gamitin. Napapikit na lamang siya at hinahanda ang sariling tanggapin  ang resulta ng kabaliwan niya. Napamulat ang kanyang mga mata ng hindi niya maramdaman ang matigas na sahig kundi ang matigas na brasong pumulupot sa manipis niyang bewang at ang mabagong panlalaking perfume ang nanunuot sa ilong niya napakurap kurap siya ng kanyang mga mata. Sumalubong sa kanya ang kulay kapeng mata ng lalaki na may bakas ng pag alala. Matagal silang ng katitigan hanggang tumikhim ito at inalalayan siya patayo habang siya ay napababa ng tingin, hindi niya masigurado kung napakangiti ba ang lalaki o ano dahil nakamask ito gano'n din siya at pinasalamat niyang nakamask siya sapagkat baka mapahiya uli siya pag nalaman nitong napakagat labi siya sa pangyayari.

"Are you okay?"

Napaangat siya ng tingin nang magsalita ito, nahihiyang tumango tango siya.

"Y-yes, thank you."

Narinig niya ng bumuntong hininga ito.

"Next time don't use heels if you can't handle it and don't wear such a revealing dress in a formal meeting beside the fact that it's attention getter it's also inappropriate. Why?? A while ago,  i-i saw your cleavage, K-khya sa susunod..." Tumigil ito at hinawakan ang baba niya at tinignan siya ng diretso sa mga mata.

"Just wear a simple t-shirt and jeans, understood?" pagtatapos nito.

Napatitig siya sa lalaki at 'di niya maiwasang mapakagat labi, ang sexy ng boses nito. Ganito pala ang feeling pag senesermonan ka ng isang lalaki, she can feel his care through his word. Authoritative tone man ang gamit nito at medyo may pagkapossessive este as in, may pagkapossissive talaga, kinilig pa rin siya.

"Utos ba 'yon, sir?" pabirong tanong niya.

Nakita niyang gumalaw na naman ang adams apple nito at nababasa niya ang pag kaaliw sa mga mata nito.

"Huli ka, hindi ka naman pala bato, marunong ka naman pala ngumiti, kailangan mo lang pala ang katulad ko, ang kagandahan at kakulitan ko, huwag ka mag alala my labs dear baby and my hubby pasayahin ko buhay mo," sabi ng ambisyosang isip niya.

Umayos mona ito ng tayo. " Yes, so you better obey it."

Sumaludo siya rito, tinignan siya nito tapos tumalikod na.

"Sayang! Kung wala lang sanang mask makikita ko ang ngiti mo, pero sige na lang, hindi magtatagal masisilayan ko rin 'yan."


Nasa labas na siya ng gym kung saan ginanap kanina ang meeting. Naghihintay siya ng sasakyan pauwi sa kanila. Napaatras siya ng may tumigil na itim na kotse sa kanyang harapan.

"Hala! Baka kidnapper ang mga ito, naku! Baka napag kamalan siyang anak mayaman naku!"

Mabilis tumalikod siya at handa nang takbo sa isipang iyon at handa na rin siyang itapon ang heels basta maka layo lang sa lugar na yun nang…

Marinig niya ang familliar na tinig na tinatawag ang pangalan niya.

"Esmeralda!!"

Automatic na lumingon siya, simpre si my labs na niya tumawag sa pangalan niya kaya dapat lang na lumingon siya. Bumukad sa kanya ang naka mask na mukha ng lalaki pero 'di pa rin makakailang gwapo ito. Ang kilay nitong makapal, mata nitong may kalakihan at mahaba ang pilikmata at-at ang ilong nitong matangos, perfect na perfect ang mukha nito.

Parang gusto niyang sambitin ang mga katagang ito ng mag tama ang kanilang mga mata.

"Take me home and make me your wife and I promised to give you a home and 1 dozen children."

Pero hindi niya ginawa, may hiya din naman siya no! Baka imbis na kausapin pa siya nito baka hindi na, kaya ito na lang sinabi niya.

"B-bakit po?" pautal niyang tanong.

Matagal siya nitong minasdan, napayuko tuloy siya sa pagkahiya.

"Get in."

Napa angat siya ng tingin at 'di makapaniwalang napatitig sa lalaki seryoso pa din ang mukha.

"S-sasakay po ako?" tanong niya na hindi makapaniwala. 

Nakita niyang tumaas ang kilay nito at mababakas sa mga mata nito ang pagka aliw. Aba'y siya na ata ang bagong clown nito pero ayos lang sa kanya kung ganito ba naman ka hot, ka gwapo, katalino at kayaman ang master niya, ayos lang kahit 24/7 pa siya nasa tabi nito at pasayahin ito hindi siya magrereklamo. Napa kurap kurap siya nang marinig ang sagot nito.

"Yes, i will take you home,"  Tumingala ito sa langit at sabay sabing, "Mukhang uulan." 

Slang pa ang pag tagalog nito, 'di niya maiwasang mapangiti ang cute talaga ng mahal niya. Parang gusto niyang huwag kumurap sa narinig, hindi niya lang kasi lubos maisip na isang araw yayain siya nitong sumakay sa kotse nito. Baka sa susunod sa ibang sakayan naman-- ano ka ba self, you're being green minded na naman.

"Ah hehehe, huwag na po, Mayor, kahiya naman po, malayo pa naman ang bahay ko rito-----"

Pinutol nito ang pag iinarte niya, well nagpapakipot lang siya, gusto niya rin maranasan suyuin ng isang Mayor Rexcel Yuwan Romualdez.  Ang mga Romualdez ay isa sa mga sikat at pinaka mayaman na pamilya sa kanyang bayan, naging dating pangulo ang lolo ng lalaki at para sa kanya ang lolo nito ang pinaka magaling na pangulo sa lahat ng pangulong nakilala niya kahit pa hindi niya ito naabutan sapat na ang mga naiwan nitong proyekto para masabi kung gaano ito katalinong pinuno, kaya hindi na siya magtataka kung balang araw susunod ang kanilang Mayor sa yapak ng lolo nito. Kung dumating man ang araw na iyun, she will be his number one supporter, hindi niya akalain dadating ang araw na lalamunan niya lahat ng sinabi niya noon na, she will never fall inlove with politician man pero tignan mo nga ngayon. Napailing na lamang siya, cupid is very mapaglaro at siya ang napagtripan.

"I insist, get in, baka maabutan kapa ng maulan"

'Di niya alam kung matatawa siya sa sinabi nito lalo na sa pag tatagalog nito, pero kilig din siya at the same time kasi nag alala ito sa kanya.

"Ahmm oky po," pag payag niya.

Tama na 'yong pag pakipot niya baka magbago pa isip nito, saka once in the blue moon lang tong opportunity na to na makakasakay siya sa mahal niya este sa kotse nito kaya dapat sunggab na, sabi nga ni Zeinab, "Arat na!"

 ...
Binibining mary ✍️

Unexpected love in the middle of pandemic {On hold}Where stories live. Discover now