"Hoy Leslaina gumising kana tanghali na!"
Umagang-umaga pero ang ingay-ingay ng nanay kong si Estella. Hindi ko na lamang sya pinansin at nagpanggap na tulog parin.
"Leslaina, gising hoy! Para kang anak ng mayaman tanghali na nagigising!" sigaw nya habang hinahampas ang pwet ko, umungol lamang ako at nagtakip ng unan sa mukha.
"Ah ayaw mong bumangon dyan ah, sige," tumayo si nanay at ramdam kong lumalayo sya, kaya naman komportable na ako at muling nagtulug-tulugan.
Ako si Leslaina Litchaves, isang magandang bobitang hampaslupang nilalang. Wala akong alam kundi kabobohan lang sa buhay, aminado naman ako don kahit papaano
Ilang minuto ang nakalipas ng may naramdaman akong malamig na tubig na parang nahuhulog sa katawan ko. Minulat ko agad ang aking malalaking mata at laking gulat ko ng bumungad ang mukha ni Estella na nakangisi at binabasa ako ng tubig. Napatalon agad ako sa kinakahigaan ko at agad na napasigaw.
"Nay ano ba?! Ang lamig-lamig tapos paliliguan nyo ako?!" mangiyak-ngiyak kong sambit habang pilit na pinupunasan ang nabasa kong damit gamit ang aking kamay.
Tumawa lamang si nanay, "Yan ang bagay sa mga batang makukupad leslaina!" sambit nya habang patuloy parin sa kakatawa.
"Alam nyo po bang wala akong balak na maligo ngayon tapos binasa nyo lang po ako?" nakasimangot akong umupo sa kama, nakatalikod sa kanya. Kahit naman mahirap kami ay may kama naman kami.
"Aba, ano?! Hindi ka maliligo eh mag iisang linggo ka ng hindi naliligo ah!" pambubuking nya kaya agad akong napaharap sa kanya.
"Grabe naman po kayo nay, eh naligo naman ako nong isang araw ah? Tsaka mabango pa naman ang kilikili ko," sagot ko habang inaamoy ang kilikili kong mabango pa sa sibuyas.
"Ah basta maligo kana mamaya, ay ngayon na pala," utos nya sakin.
"Nanay eh ang aga aga pa tapos pinapaligo nyo na po ako? Aba'y mali yan," sagot ko at tumayo habang nakapamewang.
"Aba't talagang ginagalit mo ako--"
"Aray ko!" agad akong pumasok sa banyo ng batuhin nya ako ng tabo sa ulo.
Walang awa talaga ang nanay kong yon, ayaw ko lang naman maligo kase nilalamig pa ako, binato agad ako ng tabo sa ulo tsk.
Nagsimula na akong maligo at nag isip-isip kung ano ang pwedeng gawin mamaya. Siguro maglalaba nalang ako, marami na kase akong labahin, at syempre kasama na don ang mga maduduming damit nila dodong, dodoy at estella pati kay papa.
Hays buhay nga naman parang life. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako ng pambahay at agad na lumabas. Nagtungo ako sa hapag kainan at umupo para kumain.
Habang kumakain ako ng ginisang kanin at pritong tuyo ay hindi ko maiwasang isipin kung bakit wala akong isip. Bakit nga ba? Lahat ng tao ay biniyayaan ng pag-iisip, ako lamang ang hindi. Ibig bang sabihin non ay hindi ako tao?
"Hoy!" agad akong napatalon sa kinauupuan ko ng ginulat ako ni kuya dodoy.
"Pisteng yawa animal kang hayop ka!" sigaw ko sa mismong pagmumukha nya.
Napatakip sya sa ilong nya, "Kelan ka huling nag toothbrush?"
biglang tanong nya habang tinatakpan parin ang ilong nya.Dahan-dahan akong lumayo at tumalikod, inamoy ko ang hininga ko at muntik na akong mahimatay. Umupo ako at kumain nalang ulit, habang si kuya dodoy naman ay nakatayo parin sa tabi ko.
"Hoy Leslaina!"
"Ano?!"
"Kelan ka nga huling nag toothbrush?" napaisip ako sa tanong nya.
YOU ARE READING
Bobitang Hampaslupa
VampireAno ba ang pag-ibig? Para sa normal na mga tao, ang pag-ibig ay isang bagay na hindi nahahawakan pero nararamdaman, Pero para sa kanya isang letche sa buhay lang ang pag-ibig. Wala syang ibang ginawa sa buhay nya kundi ang tumulong sa kanyang pamil...