Chapter 2

4 0 0
                                    

"Bilisan mo kayang mag laba?"

Napairap nalang ako sa kawalan habang naglalaba sa ilog kasama si dodoy, ba't ba kase sunod sya ng sunod sakin? Ano sya buntot ko? Hindi kona lamang sya pinansin, sa halip ay binilisan kona lamang ang pagkukusot ng damit.

"Ba't ba kase dika naglalaba? Wala kabang maduduming damit?" takhang tanong ko sa kanya habang ang atensyon ay nasa labahan parin.

"Meron, pero konti lang naman yon," sagot nya habang lumalangoy.

Tumango na lamang ako at nagpatuloy sa paglalaba. Minsan naiinggit ako sa mga kaedad ko lang. Sila kase hindi pinagbabawalan gumala, pwedeng-pwede silang gumala kahit kailan nila gusto. Samantalang ako, hindi pwede. Kase sobrang strict nila kuya dodong at kuya dodong. Lalo na ang papa ko; kay nanay ay walang problema, pero nasanay na din siguro ako. Ayos lang naman sakin kase minsan dinadalaw naman ako ng kaibigan kong si Lea Maria.

Speaking of the devil, papalapit na sya sa gawi ko at may dalang isang basket na labahan. Sa tingin ko maglalaba din sya, malamang, magdadala ba sya ng ganyan kung di sya maglalaba? Bobita ka talaga Leslaina.

"Hoy anong ginagawa mo dito?!" bobitang tanong ni lea maria, may pagkabobita din kase ang isang 'to, nahawa yata ako sa kanya.

"Nagluluto, ikaw magluluto ka din?" sarkastikong sagot ko.

Naupo sya sa tabi ko para magsimula na sa gagawin, "Tarantado, malamang maglalaba ako!" pasigaw nyang sagot.

Palagi talaga 'tong nakasigaw, kaya pag magkasama kami feeling ko tuloy bingi ako.

"Hoy Lea Maria Santillan!" napatingin kaming dalawa sa pating na lumalangoy palapit samin. Oo pating sa ilog, sya si dodoy.

Napatingin din sa kanya si Lea,
"Oh may pating pala rito?!" umarte pa itong nagulat.

"Oo, poging pating," pagyayabang nya pa kaya ngumiwi nalang kami ni lea at naglaba nalang ulit.

Tinulungan ako ni kuya dodoy na maglaba para daw mapadali ang ginagawa ko, pumayag nalang din ako kase grasya na yon, tatanggihan ko pa ba?

"Hoy alam nyo ba, si aling Tarsela nakabingwit na naman daw ng mayamang hapon!" pangchichismis pa ni Lea.

"Weh? Ba't diko yan nabalitaan? Galing ako sa kanila kanina ah, bumili akong colgate na closeup," tumatawang sagot ko.

"Ha? Gago anong colgate na closeup?" tumawa rin si lea at si kuya dodoy, kaya naman ikwenento ko sa kanila ang kabobohang nangyari kanina sa tindahan ni aling Tarsela.

"Eh bobo pala kayong dalawa eh!," komento pa ni kuya dodoy habang patuloy parin kakatawa. Si Lea naman ay may pahawak-hawak pa sa tyan nyang nalalaman habang tumatawa. Nakwento ko din kase kanina yong nangyari samin ni Penduko.

"Tanga sya lang yong boba, sinabayan ko lang," sagot ko habang patuloy parin sa paglalaba.

"Eh beb yong si penduko, buti nalang at hindi nahimatay?!" sarkastikong tanong ni Lea habang tumatawa.

"Akala ko nga katapusan nya na eh!" pabirong sagot ko at tumawa.

"Hoy wag nyong lakasan masyado yang mga boses nyo," tila ba nananakot ang boses ni kuya dodoy.

Binalot kami ng katahimikan.

"Hindi nyo ba alam na may nakatirang engkantada daw dito?" pagkekwento ni dodoy, agad naman kaming umiling ni Lea

"May kwento ba pareng dodoy? Baka naman mema-mema lang mo lang yan? Hahaha!" pagbibiro pa ni Lea habang tumatawa, kaya tumawa nalang din ako.

"Hindi ito biro shunga, may kwento talaga ang ilog na ito," seryosong sambit ni dodoy.

Bobitang HampaslupaWhere stories live. Discover now