Chapter 4

2 1 0
                                    

"Wag mo ngang galawin ang cellphone ko!"

Naiinis na sigaw ko kay kuya Dodoy ng bigla nyang agawin ang cellphone ko mula sa kamay ko.

"Say please master pogi muna," pang-aasar nya, kaya wala akong ibang ginawa kundi umupo nalang sa gilid. Bat ba kase sya pa ang naging kapatid ko? Ubod ng kasamaan ng ugali, demonyo yata to. Pinaglihi yata to ni nanay kay satanas, tapos ako pinaglihi sa dyosa. Tas ewan ko kung saan pinaglihi si kuya Dodong, matalino kase yon, tas kaming dalawa ni kuya dodoy mga bobong hampaslupa lang. Matalino si kuya dodong, katunayan nga ay malapit nakong magkaron ng kapatid na doctor.

"Dodoy akin na ano ba?!" inis na utos ko at binato sya ng unan.

"Oh," inabot nya sakin ang cellphone kaya naman dali-dali akong tumayo at kukunin na sana ng bigla nya na namang itinaas sa ere.

"Ano ba?!" mangiyak-ngiyak na ako habang pilit na inaagaw sa kanya ang cellphone.

"Hindi mo 'to makukuha hangga't di mo sinasabi ang magic wo-"

"Dodoy ibigay mona yan, kung hindi tatadyakan kita!" naputol ang sasabihin ni kuya Dodoy ng biglang sumingit si Lea na kakagising lang, oo dito sya natulog.

"Hello, good morning!" Bati ni kuya Dodoy sa kanya at ibinigay sakin ang cellphone.

Naku..

"Ulol walang good sa morning kung yang mga pagmumukha nyo ang sasalubong sakin sa umaga!" iritang saad nya at padabog na umupo sa sofa.

"Kapal ng mukha mo tanga, nakitulog at nakikain kana nga lang dito tapos gaganyanin mo pa kami?! Nahiya ako gago," pabirong saad ko at umupo sa tabi nya

"Bwisit talaga! Bwisit" biglang sigaw nya, bakas sa mukha nya ang inis.

"Bakit? Gago kakagising mo lang tas ganyan kana agad? Pinaglihi kaba sa sama ng loob?" singit ni kuya dodoy.

"Tumahimik ka kung ayaw mong isampal ko sayo 'tong sama ng loob na kinikimkim ko!" pagbabanta nya pa kaya walang nagawa si kuya Dodoy kundi tumahimik.

"Bakit ba kase anyare ba?" kalmadong tanong ko.

"Nakikita ko kase ang sarili ko sa kabaong eh," seryosong sagot nya.

"Ha? Kelan?" takhang tanong ko, nasisiraan na yata to.

"Kagabi, sa panaginip ko. Diba sabi nila masama daw kapag nakikita mo ang sarili mo sa iyong panaginip?" nag-aalalang tanong nya.

Dahan-dahan akong tumango. Si Lea Maria kase, mahina ang kanyang puso, may hika din sya, kaya naman dobleng pag-iingat ang ginagawa nila tita sa kanya, dito nga lang yan pinapagala samin eh. Mahal na mahal namin yan, sya kase ang pinaka sakitin sa aming lahat. Tanda ko pa non, nong 10 years old palang ako, inatake sya sa puso at nakisabay pa ang hika nya. Muntik na syang bawian ng buhay non, buti nalang at naagapan pa, sabi pa ng doktor anytime pwede daw syang mamatay. Iyak lang kami ng iyak non, sabi ng doktor hanggang 13 lang daw sya, pero tingnan mo nga naman ang gaga, hanggang ngayon buhay parin. She's the strongest girl I've ever met. Hay napaenglish pako ng wala sa oras, di pa sigurado kung tama ba ang grahams ko.

"Leslaina ayoko pang mamatay.." naiiyak na sambit nya.

"Hoy wag kang mag isip ng ganyan! Hindi ka mamamatay, okay? Panaginip lang yon, kalma," lumapit ako at niyakap sya.

"N-natatakot ako na baka maulit na naman ang nangyari sakin noon, g-ganito din kase yon.. Nanaginip akong nasa loob na ako ng k-kabaong," tuluyan na syang naiyak kaya naman lumapit samin si kuya Dodoy at hinihimas ang likod nya, pinapakalma.

Bobitang HampaslupaWhere stories live. Discover now