"Magkano po ito?"
tanong ko sa nagbebenta ng isda. Nandito ako sa palengke ngayon, inutusan kase ako ni nanay na mamalengke kase may pupuntahan sila ni tatay.
"200 isang kilo neng," sagot naman ng tindero, napailing nalang ako.
"Ang mahal naman po nyan manong, don sa bundok yata eh singkwenta lang kilo nyan," sambit ko naman.
"Edi don ka bumili sa bundok!" masungit na saad nya, napairap nalang ako at nagsimulang maglakad ng mabunggo ako ng isang lalaki.
Napatingin ako sa kanya. Matangkad, sobrang puti, matangos ilong, may kissable lips samantalang ako parang patatas na binabad sa mantika.
"Sorry miss," panghihingi nya ng tawad.
"H-ha? Ay hindi ayos lang," basta ikaw pogi hehe nakangiti kong sambit.
"Uh..may I know your name?" pag-eenglish nya pa.
Ba't ba sya nag eenglish? Mukha ba akong taga labas ng bansa?
"I'm from Cavite, and I am 15 years old, my mother's name is Eslella, and my father's name is Pedro and my--"
"Uh no," hindi nya ako pinatapos magsalita at napasapo na lamang sa kanyang noo. "Anong pangalan mo?" tamo 'tong ulol na 'to, marunong naman pala mag tagalog tapos panay english.
"Ah, linawin mo kase hehe. At bakit ko naman sasabihin sayo?" pagtataray ko at nilagpasan nalang sya.
"Hey miss, pangalan lang naman ang hinihingi ko," pangungulit nya pa habang sumusunod sakin.
"May hinahanap kase akong babae," dagdag nya kaya napalingon ako sa kanya."Ulol mukha ba akong nawawala?!" sigaw ko sa mismong mukha nya, tumawa lamang ito at nag kibit balikat.
Hindi kona lamang sya pinansin at tinuon ang atensyon sa mga isdang nadadaanan ko.
"Please miss, by the way my name is Clyde Ethan," pagpapakilala nya pa.
Napahinto ako at tiningnan sya sa mata, mga mata nyang kulay asul. "Share mo lang?" pambabara ko at pinagpatuloy ang paglalakad.
"Whatever. And by the way, I am 17 years old." ano ba itong lalaki na 'to? Diko naman tinatanong kung ilang taon na sya.
"Magkano po?" tanong ko sa matandang lalaki na nagtitinda.
"150 isang kilo," sagot nya.
"Isang kilo po," saad ko.
"What kind of fish is that?" tanong nong Clyde Ethan sa likuran ko.
"Manahimik ka nga," napairap nalang ako sa kawalan.
Oh eto," inabot ni manong sakin yong isdang nakabalot na at inabot ko din sa kanya ang bayad.
"Salamat po,"
"Boyfriend mo ba yan hija? Kanina pa yan sunod ng sunod sayo ah, bat tinatarayan mo lang? LQ?" panchichismis ni manong.
"Chismoso ka din po pala manong eh, hindi ko po yan boyfriend. At anong LQ ka po dyan? Diko nga alam meaning nyan eh," wika ko at tumalikod.
Sumusunod parin sa akin si Clyde Ethan, hinahayaan ko nalang sya kung anong balak nya sa buhay nya. Pwede din naman syang pumunta na sa kabilang buhay kung gusto nya.
Lumabas nako sa palengke habang nakabuntot parin sakin si Clyde Ethan. Naghihintay ako ng jeep ng bigla syang nagsalita.
"I have a car. Gusto mo ihatid na kita sa inyo?" pagbubuluntaryo nya.
YOU ARE READING
Bobitang Hampaslupa
VampireAno ba ang pag-ibig? Para sa normal na mga tao, ang pag-ibig ay isang bagay na hindi nahahawakan pero nararamdaman, Pero para sa kanya isang letche sa buhay lang ang pag-ibig. Wala syang ibang ginawa sa buhay nya kundi ang tumulong sa kanyang pamil...