Chapter 5

4 1 1
                                    

"Sino 'to?"

Tanong ko sa tumatawag sakin kanina pa.

[Finally. Are you busy? You've got 15 missed calls from me, damn it.] sagot nya sa kabilang linya. Parang kilala kona kung sino ito.

"Hello? Nagluluto kaya ako, kakatapos ko pa nga lang magluto eh," pagpapaliwanag ko.

[Oh? You can cook?] mukhang kalmado na sya ngayon.

"Magluluto ba ako kung hindi?" sarkastikong tanong ko at nilock ang pinto ng kwarto tsaka humiga sa kama.

[Are you really like that?] tanong ni clyde sa kabilang linya.

"Anong like that?" takhang tanong ko.

[Pilosopo, walang kwentang kausap, ganon ba.] bakas sa boses
nya ang inis. 

"Alam ko at proud ako don," tarantadong sagot ko naman.

[Pwede kaba ngayon?]

"Saan?"

[Aayain sana kitang kumain sa labas,] bigla akong natigilan sa sagot nya.

Ito ba ang sinasabi nilang d-date?

"Bakit? Ano yon date? Inaaya mokong makipagdate sayo?" sunod-sunod kong tanong.

[Uh..y-yes? I'll pick you up.] bago pa ako makasagot ay binaba nya na agad ang telepono.

Bat naman sya makikipagdate sakin? Baka sabihin nilang lumalandi na ako, kinse pa lamang ako jusko. Pero magdidisisais naman na ako next month. Pero bakit nga sya makikipagdate sakin? Ano ba kami? We are more than strangers but less than friends. Ewan naguguluhan ako. Sa hindi malamang dahilan ay tinawagan ko nalang si Lea at sinabi sa kanyang inaya akong mag date.

Mabilis akong pumasok sa banyo at naligo, pagkatapos ay nagsuot muna ako ng pambahay habang hinihintay si Lea na dumating. Habang naghihintay ay nagsuklay muna ako ng buhok ko at tinext si clyde na maghahanda muna ako. First time kong makipagdate at sa hindi ko pa kakilala, pero ayos lang pogi naman si Clyde.
Narinig kong may kumatok sa kwarto ko kaya agad ko itong binuksan at nakitang nakatayo sa labas si Lea, agad naman syang pumasok at pinamewangan ako.

"Sure kana ba dyan, ha?!" biglang tanong nya kaya umirap nalang ako.

"Date lang naman daw, wag kang oa nga." pambabara ko kaya muntik nakong makatanggap ng batok, buti nalang at nakailag agad ako.


"Oh sya sige mag bihis kana bilis!" agad nyang hinawakan ang mga braso ko at pinatayo.

"Teka lang, anong susuotin ko? Wala akong alam!" reklamo ko pa at agad na binuksan ang cabinet.

"May dress kaba dyan?" tanong nya habang hinahalungkat ang mga damit ko. Tumango lamang ako habang tinitingnan sya sa ginagawa.

Kinuha nya ang limang dress ko at inilagay sa kama, pinasukat nya sakin ang isang dress na kulay itim na bulaklakin. Sinukat ko naman ito at lumabas para ipakita sa kanya. Umiling sya habang nakatingin dito, kinuha nya na naman ang isang dress na kulay pula at pinasukat ulit sakin. Sa ikalawang pagkakataon, umiling na naman sya at inabot sakin ang isang formal dress na color white. Simple lamang ito at gaya kanina, sinukat ko ito at pinakita sa kanya. Tumango naman sya kaya huminga ako ng maluwag.


"May flat shoes kaba?" tanong nya, kinuha ko naman ang mga sapatos at sandals ko at pinakita sa kanya.

"Sa tingin ko mas bagay sayo itong white hills, terno sa dress mo," wika nya kaya agad ko itong sinuot at bumagay nga. "Try mo maglakad," utos nya at dahan-dahan naman akong naglakad ng bigla ako matapilok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bobitang HampaslupaWhere stories live. Discover now