ASHIANNA'S POV
Nandito na ko sa room namin.Iniisip ko pa din kung bakit ang liit ko.Lahat ng miyembro ng pamilya namin matatangkad tas ako maliit?!Nasan ang hustista?!
Di kaya ampon ako?Napulot lang ba ako sa basurahan?Iniwan lang ba ako sa tapat ng pinto nila?
Baka naman anak ako sa labas?O baka naman kinidnap nila ako sa totoo kong pamilya?HALA?!Pero hindi eh,impossible.Sabi kasi nila Mama carbon copy daw ako ni kuya Ace,kaya imposibleng ampon ako.
" Elyse "
O baka naman ampon din si kuya Ace.Pero imposible pa din eh.Kasi may mga pictures ako at si kuya Ace noong bata pa kami eh kaya imposible or baka posible?kasi diba pwede yung mapeke.
" Elyse "
Pero paano nga kung ampon lang ako?Sino ang totoo kung pamilya?Bakit ako ipinaa-----
" HOYYY!!!! "
" AYY PINA-AMPON!!!"
" Uyy hindi ako ampon no'h,tsaka ano ba yang iniisip mo bat kanina ka pa tulala,at sinong pina-ampon "
Kainis naman 'tong si Kuya Xyn eh,manggulat man daw ba.
Atsaka anong Elyse?Bakit Elyse?
Wala namang problema sakin kung tatawagin nya akong Elyse eh,kaya lang kasi Sya palang ang tumawag sakin ng ganon.[ A/N: Full name of Ash is Ashianna Blythe Elyse Perez. ]
" Bat Elyse?" tanong ko sa kanya.
" Bakit ayaw mo ba?" ani nya sabay pout. Cute.
"Hindi naman Ikaw palang kasi ang tumatawag sakin nyan" sabi ko sa kanya habang nakangiti.
" Talaga" tumango naman ako. " Edi dapat simula ngayon ako lang dapat ang tatawag sayo ng Elyse,ok?"naka ngiti nyang saad.
" Otay"
Mabilis lang natapos ang 2 subject,walang kaming klase hanggang mag lunch dahil biglang nagpatawag ng meeting para sa mga teachers. Ibig-sabihin ay may Libre kaming 2 oras para gawin ang kahit anong gusto naming gawin.
Speaking of lunch.Wala nga pala akong pera.
Hayy Buhay parang life." Ash,gusto mo?" tanong sakin ni Seven.Ngayon ko lang din napansin na hindi nila ako pinag titripan ngayon.
" Ayoko nga,baka mamaya may kung ano pa dyan eh" sabi ko habang nakanguso.Kahit gusto kong kumuha ay wag nalang baka mamaya kung anong inihalo nila dyan sa chocolate shake na yan eh.Oo,shake yung inaalok nya meron din syang kanya.
Chocolate Flavor na may mga maliit na marshmallow sa itaas,ibat-ibang kulay at shape.Meron din syang unting sprinkles,at chocolate syrup.
Tsalap,tsalap.
Kaya ayaw ko din tanggapin dahil nadala na ako sa pang paprank nila sakin sa boong isang buwan.Kala siguro nila mapapaalis nila ko.Pero hindi ko parin yan tatangapin.
Hindi naman ako marupok eh,diba?
"Huh? HAHAHA Don't worry walang kahit anong lason ang nakahalo dito"
Sabi nya kaya naman dahan-dahan ko iyong tinanggap at humigop muna ako ng kunti mahirap na.
Marupok
" Oh,ano lasa?" tanong naman ni Six habang nakangiti sakin.
si
"Masarap"
Me
" Oh diba, sabi sayo eh" Napangiti naman ako doon.
" And Btw Sorry din pala kung pinag tatabuyan ka namin noon" biglang sabi naman ni Alastair,doon ko lang din napansin na nakapalibot na silang lahat sa akin.Mga naka tayo sila habang ako naman ay naka-upo kaya naka tingala ako sa kanila.
" Bakit nyo nga ba yun ginawa?atsaka pwede bang umupo kayo sakit sa leeg eh" sabi ko sa kanila at bahagya naman silang natawa.
Ipinaikot nila ang mga upuan paharap sa akin saka sila umupo.
" We have our own reason kaya namin yun ginawa pero don't worry tanggap ka na namin dito sa section namin sooo" sabi ni Shio.
Kaya naman nag tayuan ulit sila at ang sunod nilang sinabi ay ang hindi ko lubos na inaasahan.
" WELCOME TO THE SECTION LUNA"
" YOU ARE NOW OFFICIALLY PART OF OUR FAMILY"■□■□■□■□■□■□■□■□■□
...TBC...
PLEASE VOTE,COMMENT AND FOLLOW
THANK YOU
⭐⭐⭐
BINABASA MO ANG
The Princess Of Section Luna
FanfictionTatlong bagay lang naman ang gusto ni Ashianna.Ang magkaayos sila ng kuya nya,maging proud sa kanya ang pamilya nya ,at ang magkaroon ng mga kaibigan na ituturing syang pamilya.Ngunit sa kanyang paglipat sa section luna ano naman kaya ang magiging b...