TPOSL 57

1.5K 82 23
                                    

Enjoy Reading :)



ASHIANNA'S POV

" Salamat nga pala ulit kanina, Alas"

Muling panghihingi ko ng pasasalamat kay Alastair dahil sa ginawa nyang pag tulong kanina. Nag thank you na din ako kay Sevi dahil kung hindi sa kanya ay siguradong napag tawanan na ako ng ibang tao dahil sa tagos ko.

" Ano ka ba, wala yun. It's just normal and besides you know naman na palagi lang kaming nandito sa tabi mo sa tuwing kailangan mo ng tulong" sabi nito sa akin at ginulo ang buhok ko.

" Hehe sige na nga, mauna na kana. Hihintayin ko na lang dito si kuya." Pag tutulak ko sa kanya sa sasakyan nya.Andito kasi kami sa parking lot ng school, ang ibang mga buwan naman ay nauna na umuwi.

" No, I won't leave you here alone. Let's just wait for your kuya muna."

Wala na akong ginawa kundi ang tumango sa kanya. Grabe ang hiya ko sa kanya kanina nung pag kalabas ko ng cubicle, buti nalang at normal lang ang kilos nya at di nya ako inaasar-asar dahil kung hindi ay talagang hindi na ako mag papakita sa kanya dahil sa kahihiyan.

Hindi din naman nag tagal at dumating na si kuya kaya naman nag paalam na din ako kay Alastair, tinapik na muna ni Alas ang balikat ni kuya na ginawa din naman ni kuya Kay Alas.

Pinauna ako ni kuya na papasukin sa sasakyan at sya na din ang nag kabit ng seat belt ko. Sa totoo lang ay kinakabahan ako kanina pa. Kanina nga sa klase ay pakiramdam ko ay lumulutang ang utak ko dahil sa sinabi kanina ni kuya na kikitain daw namin.

Tinignan ko si kuya at bakas din sa kanya ang kaba.

" Kuya?" Pag tawag ko ng atensyon sa kanya.

" Bakit?" Tanong nito sa akin habang naka tingin sa aking mata. Tinitigan nya pa ako saglit saka ako hinila para sa yakap.

" Kuya, what's the matter?" Malumanay na tanong ko sa kanya at niyakap sya pabalik.

" Nothing Princess, let's go already" saad nito saka humiwalay sa akin ng yakap. Hindi nalang ako ulit nag tanong pa at tumingin nalang sa bintana.

Habang tumatagal ang byahe namin ay mas hindi nagiging pamilyar sa akin ang daan, may mga iilang sasakyan pa din naman kaming nakakasabayan.

Matapos ang Isang oras na byahe ay naka rating kami sa isang tahimik na daan. Isa itong kalsada at sa gilid ng kalsada ay may mga puno at mga bulaklak, halatang inaalagaan ito dahil sa ganda ng tubo nito.

Hindi naman nakakatakot ang lugar, sa totoo lang ay napaka payapa ng lugar na ito. Sadyang medyo creepy lamg ngayon dahil napaka tahimik ng lugar at napaka lamig pa ng hangin.

Hindi katagalan ay may natanaw akong isang malaking gate,bakal lamang ito kaya tanaw mo ang loob. Pero dahil medyo malayo pa kami sa mismong gate ang tanging nakikita ko lamang ay mga damo.

Malabo na ata talaga ang mata ko.

Naka pasok na kami sa bakal na gate at doon lang din rumihistro sa utak ko kung asan talaga kami. Pag pasok sa gate ay may roon pang daan sa gitna pati na din sa gilid.

Para itong malaking parisukat na pinatubuan ng Bermuda grass na hinati sa iilang parte para maging maliliit na parisukat.

Kung sa malayo ay parang isa lamang itong parke pero sa malapitan ay isa talaga itong memorial park.

Literal na payapa.

Sa sahig naka lagay ang mga lapida ng mga anghel na tuluyan ng bumalik sa langit.

Unti-unti akong tumingin kay kuya ng ipinarada nya na ang sasakyan di kalayuan sa may gate kung saan ay may mga iba Pang sasakyan na naka parke.

" Kuya, why are we here?" Mahina at malumanay na tanong ko kay kuya.

Tinanggal nya muna ang kanyang seatbelt saka ako hinarap at tinanggal din ang akin.

" I'm going to introduce her to you, princess" sabi nito sa akin.

Nauna syang bumaba ng sasakyan at pinagbuksan nya ako ng pinto. Hawak kamay kaming nag lakad,nadadaanan pa namin ang lapida ng mga ibang anghel na namamayapa na.

Hindi katagalan ay naka rating kami sa isang malaking puno. Ang ganda ng puno na ito, medyo malaki din ito kumpara sa iba pang mga puno, napapalibutan din ito ng mga ligaw na bulaklak.

Sa puno na ito ay may napansin ako na kakaiba medyo lumapit pa ako ng kunti at doon ko napansin ang Apilido namin na naka ukit dito.

Perez

" Kuya Dark" biglang saad ni kuya Ace kaya naman napa balik ang tingin ko sa kanya. Naka tingin sya sa gilid ng puno kaya naman napa tingin din ako doon.

Nakita ko doon si kuya Dark na naka tayo habang naka tingin sa amin. Halata ang gulat sa kanyang mukha lalo na ng makita nya ako. Ngunit agad din naman syang ngumiti at tumingin kay kuya Ace. Lumapit sya dito saka niyakap, may roon pa syang ibinulong dito mgunit hindi ko na ito narinig pa.

Tinapik ni kuya Dark ang balikat ni kuya Ace saka sya bumaling sa akin at ako naman ang niyakap saka ako hinalikan sa noo. Wala itong ano mang salita pa at tuluyan ng umalis.

Hinila ako ni kuya Ace papunta sa pwesto kanina ni kuya Dark. Tumingin ako sa lapida na naka lagay sa sahig na kasalukuyan din na tinitignan ni kuya Ace habang unti-unting lumuluha ang kanyang mata.

ALISHA MARIE ELYSE PEREZ
Born: November 10,2005
Died: December 5,2012
A loving Sister and Daughter
May you rest in peace our Angel


" Hey Princess, It's been a long time simula nang huli kitang nadalaw. Sorry ha, there's just really a lot of things that happened."

Pag kausap dito ni kuya at tuluyan ng tumulo ang mga luha nya. Umupo sya dito at inilapag ang bouquet ng iba't-ibang klase ng bulaklak na hindi ko man lang namalayan na dala nya pala.

Hinila nya ako paupo sa tabi nya habang hawak pa din ang kamay ko. Naguguluhan ako, sumasakit ang ulo ko. May ideya na ako kung kaano-ano ko ang anghel na ito ngunit gusto ko na manggaling iyon mismo sa bibig ng kuya ko.

" Alisha, My Princess. I know you also want to meet our little princess too, that's why I brought her here. I'm ready to tell her our past, but maybe not all of it. I hope you understand that."

Pag kakausap muli dito ni kuya habang patuloy pa din ang pag agos ng luha nya.

" Alisha, Princess. This is Ashianna, our bunso. Ashianna, that's Alisha. Your ate."

🌙- Luna

Next week ulit hehe.
Love y'all, Mwahhhhhh!!

The Princess Of Section Luna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon