Bago umuwi si Gabbi, yumakap sya kay Zephie.
Gabbi: thank you, for today
Zephie: magkikita pa naman tayo diba?
Gabbi:oo naman, bakit?
Zephie: sabi kasi ni Zac, nakuha mo na daw mga papers mo, so wala ng reason para bumalik ka ng school
Gabbi: meron
Zephie: ano?
Gabbi: not ano, pero sino, ikaw ang reason bat babalik ako ng school
Zephie: pero mag tatransfer ka padin
Gabbi: kausapin ko si dad
Zephie: ano kaba, para namang may choice ka
Gabbi: wala, pero susubukan 😊 ayoko naman na kakasimula lang ng lovestory natin.. LDR na agad
Zephie: kakayanin ba natin gabbi?
Gabbi: oh? Ano yang mukha mo, bat ganyan... Smile my Zephie
Zephie: how can i, di ko nga alam kelan tau ulit magkikita
Gabbi: hmmm, uuwi kami kena lola bukas, 2 weeks kami dun.
Zephie: so di ka na nga talaga babalik ng school.
Gabbi: pwede naman ako pumunta sa inyo ah
Zephie: iba kasi pag nakikita kita palagi gabbi
Gabbi: i know, pero wala naman tayong choice, unless magbago ang isip ni dad at payagan ako mag stay dito and mag rent ng apartment.
Zephie: pwede ka naman mag stay dito samin
Gabbi: kaka start lang natin, gusto mo live in na agad?
Zephie: nakakatawa ka talaga, loka ! 😅
Gabbi: dito na sundo ko, so pano?
Zephie: bye...
Gabbi: bye .. see you when i see you 🙂
Zephie: and kelan naman yun?
Niyakap sya ni Gabbi and bumulong, napangiti naman si Zephie na nalulungkot.
Lumipas ang ilang araw , text and call lang ang naging way of communication nila. Iyon na siguru ang pinaka boring summer nilang dalawa. Si tommy ang naging sandalan ni Zephie habang malayo si Gabbi..
Tommy: alam mo, may nagbago sayo..
Zephie: ano?
Tommy: basta may iba eh, dahil ba yan kay Gabbi?
Zephie: may iba pabang dahilan? Miss ko na ang tupakin na yun
Tommy: di kaba natatakot na baka makahanap sya nang iba sa pag transfer nya?
Zephie: natatakot syempre, pero may tiwala ako sa kanya.
Tommy: basta pag sinaktan ka nya, dito lang ako
Zephie: sira ..
Tommy: seryuso ako Zephie.
Zephie: seryuso din ako kay Gabbi. Tsaka kahit madalas na may sapi yun , mahal ako nun.
Tommy: pero maiba tayo, punta kaba sa opening ng enrollment?
Zephie: oo , kailangan eh, may mga need pa ko ipasa..
Tommy: see you
Zephie: pupunta kaya sya?
Tommy: sigurado ako, hindi na. Wala naman ng dahilan para pumunta sya
Zephie: meron, ako
Tommy: inlove ka nga 😅
Zephie: malabo pero aasa ako , 😔
Tommy: oh oh , ano yan? Bawal yan .bawal malungkot pagkasama ako...
Zephie: buti nalang nandito ka
Tommy: parang kanta lang ni moira, ako yung kasama pero hanap mo sya
Nagising ng maaga si Zephie para pumunta ng school . Tumawag si Gabbi para e check sya and sabihin na aalis din sila para pumunta sa bagong school ni Gabbi. Bahagyang nalungkot si Zephie. Usually kasi si Gabbi ang kasama nya twing pupunta ng school.
Kasama ni Zephie ang mga kaklase nya nakatambay sa canteen noon , nagkukwentuhan at nagtatawanan . Pero wala sya sa mood na sumabay sa trip nila.. iniisip nya padin si Gabbi . Mag iisang buwan na nyang di nakikita si Gabbi.
Zephie: i miss you
Text nya kay Gabbi.
"Talaga?"
Nanlaki ang mata nya ng marinig ang boses na yun.. lalo na ng magsigawan ang mga kaklase nya..
Gabbi!!!!!!
Natulala nalang sya ng makita si Gabbi sa harapan nya.
BINABASA MO ANG
Not a Typical Lovestory
Teen FictionA highschool love story💚 Ang kwentong ito ay base lamang sa aking imahinasyon at walang kinalaman sa tunay na buhay ng mga characters sa kwento.