Tumatakbo noon si Zephie nang mabangga nya ang palabas sa room na si Tommy, sa lakas ng pagkabangga kamuntik na syang matumba.. pero nahawak ang kamay nya ni tommy at hinila sya ulit para makatayo. Nagkatinginan sila sa mata. Tumagal yung ng ilang segundo bago tinanggal ni zeph ang kamay nya sa pagkakapit sa kamay ni tommy
Tommy: ok kalang?
Zephie: ah oo... Ayus lang. Sige
Ramdam nya ang bilis ng kabog ng dibdib nya habang tumatakbo palayo kay tommy.
Distracted na sya dahil sa nangyayari. Di mawala sa isip nya ang mukha ni Tommy.
Kinahapunan, lalo sya nakaramdam ng kaba ng lapitan sya ni Tommy
Tommy: tapos na klase mo?
Tumango sya
Tommy: meryenda tayo? Libre ko
Zephie; saan?
Tommy: basta, tayo na diyan
Sabay hatak sa kamay nya
Eto na naman ang weird na pakiramdam.
Zephie: ( sa isip) ano ba nangyayari? Bat biglang ganito nararamdaman ko
Ng palabas na sila ng school, nakita nila si Gabby kasama sila acel na nag uusap . Nagkabanggaan ang tingin nila pero humarang si Tommy.
Tommy: oh yang mata mo. Tigilan mo na yan. Mag focus ka sakin.. kasi ako ang manlilibre . Tara
Gulong gulo na si Zephie. Habang kaharap nya si Tommy, di nya maiwasan tingnan ang mga mata nito.
Zephie; pogi din pala neto
Tommy: huh?
Zephie: wala, sabi ko eto lang ililibre mo sakin? Kuripot mo naman
Tommy: yan lang kasya sa allowance ko, tsaka yaan mo pag naka graduate na ko, at magkaroon ng work, araw araw tayo mag didate .
Zephie: ano?
Tommy: i mean araw araw kita ililibre..
Zephie: sabi mo yan ah
Pagkatapos nila mag meryenda. Bumalik sila ng school. Sa gate may kotse na nakapark.
Tommy: gara ng kotse
Tapos biglang lumabas si Zac na napansin sila agad
Zac: uy !
Bati neto
Zephie: hello, musta?
Zac: ok lang, medyo challenging ang college life. Hehe kayo dito?
Zephie: same lang din.. nga pala . Zac, eto si Tommy
Zac: musta pare
Tommy: ayus lang, magkakilala na tayo
Zac: talaga? Saan?
Tommy: sinubukan ko mag try out sa team, kaso di ako natanggap
Zac: bakit naman?
Tommy: di ako umabot sa height requirement eh
Zac: may mga kasama naman kami na kasing tangkad mo lang.
Tommy: ewan ko, sinabihan ako ni coach na mag volleyball nalang daw.
Zac: ( tumawa) loko talaga yang si coach..
Zephie: bakit ka pala nandito?
Zac: hinihintay ko si Gabriella, sasabay kasi sya sakin
Zephie: ah.. sige una na kami sa loob
Zac: sige 🙂 tsaka pag nakita nyo sya, pakisabihan nyo nalang na inaantay ko sya dito sa labas.
Tommy: sige pare.
Habang naglalakad sila papasok ng school .tsaktong nasalubong nila ang palabas na si Gabbi.
Tommy: gabbi, hinihintay ka ni Zac sa labas
Tumango lang si Gab , si Zephie naman nag iba ng tingin.
Mabilis mag lakad si Tommy kaya madalas nauuna sya sa paglalakad ng ilang steps. Pinipigilan ni Zephie na di lumingon pero ginawa nya padin. Tsaktong pag tingin nya ..pinag buksan ni Zac si gab ng pinto. Di nya na inantay na makapasok si Gab sa kotse. Binilisan nya din ang paglakad at nauna kay Tommy
BINABASA MO ANG
Not a Typical Lovestory
Teen FictionA highschool love story💚 Ang kwentong ito ay base lamang sa aking imahinasyon at walang kinalaman sa tunay na buhay ng mga characters sa kwento.