s2-24: slow mo

52 2 0
                                    


Nagmamadali si Zephie dahil late na sya nagising matapos isipin si Gab ng buong magdamag.

Zephie: nakakaloka, ung ID ko.. saan na ba kasi yun... Eto pala, pinahirapan mo pa ko..

Pag angat nya ng tingin , si Gabbi naglalakad din sa harap nya, diretso ang tingin neto at di lumilingon. Kahit alam nyang late na sya, binagalan nya ang paglakad para di malaman ni Gabbi na nasa likod sya . Kahit malayo, naamoy nya ang pabango ni Gabbi. Isa yan sa di mawawala sa bag ni Gabbi, ang perfume nya. Na si Zephie mismo ang pumili para sa kanya.. eversince.. yan na ang gamit nya.

Nakasunod sya dito hanggang sa nakapasok na sila sa school. Walang alam si Gab na nasa likod nya si zephie hanggang sa..

Gabriella!

May tumawag sa kanya kaya napalingon sya. And una nyang nakita si Zephie na nakatingin din sa kanya.

Tapos biglang may narinig silang kanta ..

Can't sleep tonight
'Cause you're on my mind
I guess I'm in love once again
They say a star
'Cause that's what you are
You light up my life once again🎶

Sabay sila napatingin  kung saan may nagkakantahan. Tapos tumingin ulit sa isat isa.

Candice: Gabriella,may practice tayo later ha, 5pm..dont forget

Gabbi: yah, see you later

Nung umalis na si candice, dali dali naman naglakad si Zephie para makalagpas kay Gabbi .

Pero kita sa mukha ni Zephie na nahihiya eto. Sa sobrang hiya neto, nilagpasan niya si Tommy

Tommy: uyy!

Zephie: tommy ikaw pala

Tommy: kanina pa kita tinatawag, ano iniisip mo?

Zephie: huh? Wala

Tommy; ako ba?

Zephie: HA HA HA 🙄

Tommy: sabay padin tayo maglunch ha

Zephie: naku, may tatapusin akong report mamaya , baka di na ko mag lunch

Tommy: ganun? Edi meryenda? Labas ka ng room?

Zephie: alam mo naman di ako nag memeryenda

Tommy: magugutom ka

Zephie: isang araw lang ako mag skip ng lunch, di ako mangangayayat

Tommy: di lang naman yun eh, gusto kita makasama

Zephie: sabay nalang tayo umuwi sa hapon huh? Sige na ..nagmamadali ako..byeeee

----------------------
Lunch time na  and di talaga lumabas ng room si Zephie para kumain. Mag isa lang sya noon at busy na tapusin ang report ng may naglapag ng pack lunch sa mesa nya.

Pag angat nya ng mukha nya, si Gabbi

Gabbi: sabay tayo 🙂

Bumalik si Gabbi sa upuan nya. Nag alinlangan pa si Zephie na tanggapin ung pagkain..pero humihilab nadin ang tiyan nya..nakita nya na nag umpisa na kumain si Gabbi. Naisip nya na tumabi sa kanya..pinaharap nya ang isang upuan sa harapan ni Gabbi at sumabay sya sa pagkain .

Nagkakatinginan sila while inuubos ang laman ng styro. Ng biglang nabulunan si Zephie. Wala syang tubig kaya inoffer ni Gabbi ang lagayan nya ng tubig . Wala na choice si zeph kundi doon uminom..

Gabbi; ok kana?

Zephie; yes ,ano ba yan..nabulunan pa ko.. hehe

Ngumiti si Gabbi

Zephie: ang sarap

Gabbi: huh?

Zephie: ng tubig mo.😳

Not a Typical LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon