016

1.2K 36 5
                                    

January 18

[ messenger ]

12 - HUMSS A CLASS OFFICERS
Group Chat • Active Now

7:14 AM

Estelle | VPres

Ano agenda ng meeting?

Gwen | Pres

Birthday ni Ma'am Marilen bukas.

Nakalimutan ninyo?

Estelle | VPres

Ay shuxx oo nga pala!

Lou | Muse

May hangover ka pa yata sa kaganapan kaninang madaling araw @Estelle

You reacted 🤬 to this message.

Estelle | VPres

Oy Lou shh lang!!

Kent | Escort

Oy oy ano 'yan?!

Pa whisper with wings naman!!!

Nag-inuman kayo kaninang madaling araw!?

Estelle | VPres

Hoy hindi!! Gagong toh

Sophia | P.O.

Napansin 'yan ng ALT kagabi hahahaha

Estelle | VPres

PIA!!!!!

Naman oh!!

Dwight | Aud.

oMG SERYOSO BA

GIRL BAKLA KA NG TAON!!!!!

Estelle | VPres

Vaklang twoh

Dwight | Aud.

Sino sa Altissimo cousins nakapansin sayo, Estelliana? 😩

Lou | Muse

Hindi ako si Este pero lahat sila beh napansin siya ^-^

Dwight | Aud.

SHUTA KA BAKLA ANG HABA NG HAIR MONG GAGA KA 😭😭😭

OHMYGOD BAKLA KWENTO MO NAMAN SAKIN HOW KA NILA NAPANSIN!?

PRAYER REVEAL NAMAN DYAN TEH 😵

Gwen | Pres

Namamatay na rin ako sa inggit dito pero mamaya na tayo magkwentuhan about d'yan. Unahin muna natin pag-usapan 'yung plans natin for Ma'am Len's birthday bukas.

We, class officers, need to plan out some things muna before we share it to the whole class. We can ask for their suggestions and ideas din para bukas.

Pero plan muna natin flow ng ating mini program para masurprise din 'yung ibang classmates natin hahahaha

Estelle | VPres

Teh on a scale of 1-10 (1 being the lowest and 10 being the highest), how sure are you na hindi maglelecture si Ma'am bukas sa period niya? 😩

Gwen | Pres

11 beh. Sinabi niya sa'kin na rest day niya ang advisory niya every birthday niya

Clissel | P.I.O.

Halos maduling ako sa daming "niya" mo sa isang sentence teh jusme

You and 6 others reacted 😆 to this message.

Estelle | VPres

Okay before anything else, sagot ko na 'yung cake. Meron akong fave pastry shop malapit dito sa subdivision namin. Huwag na isali 'to sa ambagan hahaha sapat ipon ko for this

Gwen Hidalgo reacted ❤️ to your message.

Gwen | Pres

Okay, okay! Cool! That's great!

Morgan | Sgt. at Arms

Ako na sa pizza & ice cream

Gwen Hidalgo reacted ❤️ to this message.

Shane | Sec.

Mag-ambagan na lang siguro for the decors?

And drinks?

Estelle | VPres

Yes

Gwen | Pres

Okay! Okay!

Shane, nalista mo ba?

Shane | Sec.

Opo, Miss Pres. Noted na po.

Yung sa flow na lang ng mini program natin tomorrow hinihintay ko para ma-forward ko na sa buong class

Pagkasyahin natin sa 40 minutes

Danicah | Treas.

Siguro don sa kabilang gc na lang 'to pag-usapan para may kaalaman rin 'yung iba.

The last time kasi na tayo tayo lang gumagawa ng desisyon, nagtampo ang iba sa kanila

Estelle | VPres

Tru dat

May plano pa rin naman tayo here pero let's hear out din yung suggestions and ideas ng classmates natin. Let's make sure lang na may nabuo na rin tayong plano (lalo na sa flow ng mini program) na kahit papano ay mabilis mapalitan ng ideas nila para hindi tayo magkagulo gulo.

Gwen | Pres

Okay, sige sige. Gusto ko sana masurprise din classmates natin sa pasabog natin sa mini program pero siguro huwag na lang kasi baka sumama loob nila na hindi na naman natin sila sinasali

Lipat tayo sa kabila at doon tayo mag usap lahaaat

Vivid LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon