06

63 48 0
                                    

Maagang natapos yung klase namin ngayong araw kaya maaga din kaming pinauwi ngayon. Hindi ko din alam kung bakit pero okay na din ito dahil tinatamad ako ngayong araw.

Palagi naman.

Tinignan ko yung oras sa relo na nasa kamay ko at nakita kong 11 AM pa lang pala kaya dito ko mas piniling tumambay dahil ayoko din munang umuwi sa bahay.

Matagal tagal din yung araw na hindi ako naka-punta dito. Nilinisan ko yung lapida ni Mama na punong puno ng mga tuyong dahon na nalaglag dahil sa lakas ng hangin dito sa sementeryo.

"Ma..." Sabi ko at ngumiti ng tipid.

"Gusto mo ba talaga ito? Gusto mo bang nahihirapan... ako?" Nahihirapang sabi ko habang piit na piit yung luha ko.

Hindi ko na alam.

Ginagawa ko na lang ba yung bagay na ito para sa kanila? Para sa mga tiyahin ko? At hindi para sa sarili ko?

Ang sabi nila para daw kay Mama... Para daw maging masaya si Mama... Baka nga.

Gustong gusto ko ng tumigil sa pagaaral ko at humanap na lang ng maayos na mapapasukan dahil sa hirap ng buhay.

Kung buhay lang si Mama. Kung nandito lang siya... hindi ako mahihirapan ng ganito. Hindi ako magtitiis ng ganito.

This past few days ay sobrang nahihirapan ako sa schedule ko. Hindi ko sinabi kay Tita na nakapasok ako sa isang fast food stall para sa pantustos sa mga kailangan ko.

Kung hindi ako kikilos wala akong makukuha. Kung hindi ako magtatanim, wala akong maani.

Wala naman kasing nagbibigay sa akin. Walang gustong tumulong. Parati kong naririnig sa kanila na matanda na ako at kaya ko na yung sarili ko.

Oo, matanda na ako pero hindi ko pa din kaya yung sarili ko.

Hindi lang masama yung loob ko sa Tita ko. Sobrang sama lang. Biruin mo. Gusto niyang makapag tapos ako ng pagaaral ko ngayon sa kolehiyo pero ni hindi niya ako matustusan. Maabutan man lang kahit maliit na halaga... Tapos, gusto niya pang mag aral ako sa law school after nito.

Hibang na ba siya?!

Siya na lang yung maging attorney para diretso talo na agad yung kaso.

"Ma, nakakatuwa si Tita." Pagsisimula ko ng kwento kay Mama habang nakaupo na sa damuhan.

"Mag aral daw ako sa law school para maging isang abogado," aniya ko. "Hindi niya sure kung papasa ako. Bonak yata ako 'noh." Natatawang sabi ko.

Ewan ko. Hindi ko masyadong sineseryoso yon dahil alam ko namang pag tinanong ako sa recit ng isa sa mga magiging prof. ko doon ay alam ko na agad na wala akong maisasagot.

Dito pa nga lang sa college ay grabe na ako maghirap... Doon pa kaya sa school na iyon! I mean sa law school.

"Ang hirap ng buhay..." Sabi ko. Totoong mahirap talaga ma-buhay. Pero, masarap ma-buhay.

Kung nandito lang siguro si Mama hindi ako maghihirap ng ganito. Kahit naman ganoon yung lagay niya ay marunong siya makinig sa akin.

Dipende na nga lang kung sinusumpong talaga siya. Yon ang mahirap.

"Mauuna na po ako." Tipid na sabi ko at tumingin sa itaas at iniimagine na naka-tingin si Mama sa akin ngayon habang naka-ngiti.

Mabigat yung mga paa ko ng lisanin ko yung lugar na iyon at minabuti na lamang na maglakad na dahil hindi naman kalayuan sa amin ito.

Pang gabi ako mamaya kaya kailangan kong bumawi bawi ng tulog kahit pa-paano.  Kailangan ko pa din ng lakas para sa sarili ko.

"Nakauwi na po ako." Aniya ko ng maka-tungtong ako sa loob ng pamamahay nitong tiyahin ko.

Dancing On A Broken Glass (Love Series #3 ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon