"KiWi!" Mabilis na tawag ko ng makita siya at niyakap. Hindi ko alam bakit pero ng naramdaman kong yakap yakap niya ako ay pakiramdam ko ligtas ako.
"What's wrong, Gia? Sinaktan ka ba niya? Anong ginawa niya sayo?" Bulong sa akin ni KiWi. Hindi ko alam kung bakit pero kusa na lang tumulo yung mga luha ko sa pisngi ko dahilan para iangat ni KiWi yung mukha ko at iharap sa kaniya.
"Tell me... Sabihin mo sa akin, Gia. Huwag kang matakot." Mahinahong sabi nito.
Umiling ako sa kaniya at muling hinarap si Karl na ngayon at gulat na gulat ang itsura dahil sa nakita. Sa nasaksihan.
Gulat ka 'noh?
"Im sorry, Karl. Pero hindi. Ayokong saktan siya. Ayoko saktan si KiWi. Mahal ko siya. Nagmamahalan kaming dalawa." Aniya ko at hinawakan ang kamay ni KiWi.
Dumapo pa yung tingin niya doon at kita kong may inis na dumaan sa mga mata niya. Bakit siya pa yung may karapatang mainis ngayon, huh?
Ngayon pa lang gusto ko na mag sorry agad sayo, KiWi... Ginamit kita para kay Karl. Para tantanan ako ng lalaking ito!
"B-boyfriend mo yan?" Tanong ni Karl.
Mas lalo ko pang hinigpitan yung kapit sa kamay ni KiWi at itinaas ito. Mas lalo pang ipinakita sa kaniya.
"Yes," hindi pa ako nakakasagot ay si KiWi na yung sumagot para sa akin. "Girlfriend ko siya. And, I love her so much. Back off." Aniya nito at umalis na kami.
Habang naglalakad kaming dalawa ni KiWi ay ramdam na ramdam ko yung kalabog ng dibdib ko.
B-bakit ganito?
Bakit ang bilis bilis ng tibok? Normal pa ba ito?
"Sino yon?" Tanong nito.
"Ex. Ex ko." Sabi ko.
Nandito na kami sa loob ng sasakyan niya at nagpapahinga. Nakauwi na pala siya? Kailan lang? Bakit hindi siya nagsabi, huh.
"Kailan ka pa nakauwi?" Tanong ko habang inaayos yung soot kong damit. Sikip ng dibdib ko.
"Ngayon lang. Bibilhan sana kita ng pasalubong kaso nakita kita... Kasama yung lalaking iyon." Aniya nito.
"Pasensya na, KiWi. Ginagago na naman kasi ako non." Sabi ko sa kaniya at tumingin sa bintana.
"Huwag ka ng lumapit doon, Gia. Mapapahamak ka lang. Gagong lalaki!" Asar na sabi ni KiWi at binuhay na yung makina ng sasakyan.
"Salamat." Sabi ko.
"Ihahatid na kita?" Tanong nito.
"Saan ka didiretso ngayon? Uuwi ka na ba?" Tanong ko sa kaniya. Ewan. Ayoko lang munang umuwi muna. Wala naman akong pasok ngayon sa trabaho kaya ayos lang.
"Gusto mo bang lumabas muna?" Tanong ni KiWi.
"Pwede ba?" Tanong ko.
"Oo. Oo, basta ikaw. Nanginginig pa!" Aniya nito. Baliw talaga eh!
"Gago!" Sabi ko at natawa na. "Saan ba tayo?" Tanong ko.
"You want Ice cream today, Gia?" Tanong ni KiWi.
Agad na napa-tango ako sa tanong nito na akala mo ay isang bata. Isang masayang bata na napagbigyan ang hiling.
"Okay, let's go!" Aniya nito.
Hindi ko inalantana yung tagal ng naging byahe namin ni KiWi pero isa lang yung masasabi ko.
Sobra sobra ako nag-enjoy! Roadtrip palang ito paano pa kaya mamaya yung Ice cream, diba?
BINABASA MO ANG
Dancing On A Broken Glass (Love Series #3 ON-GOING)
FanficThis story is all about to Jaiga Lee De Castro and Kace Winston Ferren.