Kahit malayo ay tinitignan ko siya. Tinitignan ko siya ng palihim nga lang...
Parang wala lang yung break up scene na nangyari sa aming dalawa makalipas yung dalawang linggo na nagdaan.
Masaya naman siya. Nakakangiti. Nakakatawa.
Yun naman yung mahalaga. Basta masaya siya. Kahit siya na lang... Hays!
Ngumiti ako ng malungkot habang tanaw tanaw pa din si Karl na kasama yung mga kaibigan niyang nagtatawanan at naka-upo sa benches sa university.
Nandito kami ngayong dalawa ni Martha sa corridor dahil nagiintay kaming matapos yung klase nila Kino, Casper at Kaila. Dito na raw namin sila intayin para sabay sabay kaming lumabas at doon kumain.
Si Maureen ay mamaya pa yung tapos ng klase at ang sabi naman niya ay susunod na lamang siya agad.
Ibinalik ko yung tingin ko sa kaniya at nakita kong grabe yung ngiting soot soot niya. Ang saya saya niyang tignan.
"Basta masaya ka..." Bulong ko at ngumiti ng malungkot habang nakatingin lamang sa kaniya.
Sana... Sana kaya ko ding ngumiti at tumawa ng 'tunay' katulad ng sayo Karl. Sana ay kaya ko rin.
Kaso hindi eh... Hindi ko kaya. Parang kahapon lang nangyari lahat ng yon.
"C.R mo na ako, Gia. Sasama ka ba?" Sabi ni Martha.
Lumingon ako sa kaniya. "Hindi na. Iintayin na lang kita dito." Sabi ko at ngumiti.
Tumango ito at tumungo na sa C.R naiwan naman ako ditong magisa at nakahawak lamang sa baba ko habang nakatingin sa kaniya.
Gustuhin ko mang kami na lang ulit... Ako na lang ulit... ay hindi na pwede. Gusto ko pero hindi pwede.
Yung mga maamo kong mukha na nakatingin sa pwesto ni Karl ay napalitan ng pagka-busangot ng nakita kong dumaan sa tapat nito yung lalaking kinaiinisan ko.
Seryoso ba itong taong ito?! Sinisira pa niya talaga yung day dreaming ko 'noh!
Nagsalubong yung dalawang kilay ko at kunot noong tinitigan ng matalim yung bwisit na iyon! Madala siya sa tingin 'noh!
Hindi ko na tuloy nakita pa si Karl dahil naharangan nitong bwisit na engot na ito! Panira talaga.
Wala pang isang segundo ay nakita kong tumingin ito sa gawi ko at nakita kong naka-ngisi. Nako. Iba na naman pumapasok sa isip nitong lalaking ito!
Mabilis na umiwas ako ng tingin sa kaniya at kinalikot na lamang yung phone ko habang inaantay na makabalik si Martha.
Nasan na ba kasi siya? Nilamon na ba siya ng kobeta? Sana pala ay sumama na lang ako sa kaniya!
Sa sobrang inis at pagkainip ay minamabuti ko ng sundan na si Martha dahil baka makita ko pa yung bwisit na lalaking iyon. Masisira lang yung araw ko.
Bahala na sila Casper. Ang bagal bagal nila.
"Aray!"
Kahit nahihilo ay mas pinili kong tumayo mula sa pagkakaupo ko at hinilot yung sentido ko. "Ang sakit." Aniya ko.
"Paano ba yan?"
Mas lalong nagsalubong yung dalawang kilay ko ng makilala ko kung sino yung naka-banggaan ko.
Ito na nga ba yung sinasabi ko eh... Kung sino pa talaga yung mga taong pinipili nating iwasan sila pa talaga yung mga kusang lumalapit...
"Pangatlo na ito, Miss." Nakangsing sabi into.
Tinaasan ko siya ng isang kilay at humawak sa beywang ko. "Ano ngayon? Anong gusto mong gawin ko, ha?!" Asar na tanong ko sa kaniya.
Hindi ko na kasi mapigilan. Literal talaga na kumukulo yung dugo ko kapag nakikita ko kahit anino ng taong ito eh.
BINABASA MO ANG
Dancing On A Broken Glass (Love Series #3 ON-GOING)
Fiksi PenggemarThis story is all about to Jaiga Lee De Castro and Kace Winston Ferren.