"Anong mayroon?" Tanong ko sa pinsan ko na kanina pa pala ako inaabangan dito sa labas ng bahay nila Tita.
Umirap muna ito sa akin bago sumagot. "Pwede pumasok ka na lang? Ang tagal tagal mo dumating! Nakakairita! Nilalamok na ako dito!" Maarteng sabi nito at nauna ng pumasok sa bahay.
Problema non? Hindi na nahiya sa mga lamok.
Hindi ko na lamang siya pinansin at pumasok na lamang sa loob ng bahay.
"Nandyan na pala siya." Rinig kong sabi ni Tita.
"B-bakit ka nandito?" Garagal na tanong ko. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito?
"Anak! Ang laki mo na!" Sabi nito at mabilis na pumunta sa direksyon ko para bigyan ako ng isang mahigpit na yakap.
Tila'y nanigas ang aking katawan dahil sa pagka-yakap nito sa akin. A-anong ginagawa niya dito?
"Layuan mo ako." Malamig na sabi ko dito.
"A-anak... Patawadin mo ako." Mahinang sabi nito sa akin at dahan dahang kumalas sa pagkakayakap mula sa akin.
"Hindi kita Tatay. Wala akong Tatay." Sabi ko habang diretso na naka-tingin sa kaniya.
Totoo naman. Simula ng iniwan niya kami ni Mama tinuring ko na siyang wala na.
Wala naman na siya eh. Iniwan niya kami. Nasaan siya noong panahong kailangan ko siya?
Wala.
Palagi siyang wala.
Tapos ang lakas lakas ng loob niyang magpakita na parang wala siyang iniwanan noon? Tangina!
"Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ko sa kaniya. "Sino ka?" Tanong ko.
"Tatay mo siya Gia. Hindi mo ba alam?" Sabi ni Tita sa akin.
"Shhhhh. Okay lang..." Sabi nitong lalaking ito sa Tita ko.
Umalis muna sila Tita siguro ay pumasok sa kwarto para bigyan kami ng privacy nitong taong ito.
"Gia, anak... K-kamusta ka? Ang laki mo na. Ang ganda ganda mo, anak." Naluluhang sabi nito sa akin.
Hindi ko maiwasang mairita dahil sa mga sinasabi niya. Nakakasuka.
"Nasan ka noong nilibing si Mama? Wala! Nasa babae mo! Nasan ka noong mga panahong hirap na hirap ako?! Wala! Wala ka!" Hindi ko na napigilan yung emosyon ko dahil sa pagalala sa memorya na gusto ko ng ibaon. Ayoko ng isipin pero bakit ko naiisip...
"Nasaan ka noong mga panahong kailangan ko ng Tatay?" Umiiyak na tanong ko dito.
Natahimik siya dahil sa mga sinabi ko. Totoo naman, ah! Parati siyang wala noon, kaya bakit bumabalik siya ngayon dito?
Sana noon pa lang bumalik na siya. Kailangan ko siya noon eh. Kailangan na kailangan...
Pero, walang wala siya. Wala siya.
"Gia... I'm sorry anak." Umiiyak na sabi nito sakin habang nakayuko.
"Umalis kana." Mariin na sabi ko sa kaniya at umalis ng bahay.
"Gia?"
Napaangat ako ng tingin ng may tumawag sa pangalan ko.
Tinignan ko lang siya at ipinagpatuloy na uli't ang pagtitig dito sa chicken na nasa harapan ko.
Halos trenta minutos ko na itong tinitigan dahil sa nangyari kanina.
"Uy! Okay ka lang?" Tanong ni KiWi at umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Dancing On A Broken Glass (Love Series #3 ON-GOING)
Fiksi PenggemarThis story is all about to Jaiga Lee De Castro and Kace Winston Ferren.