20

28 12 1
                                    

"Sabay tayong mag lunch, ah? Intayin mo ako sa cafeteria!" Pahabol na sabi ni KiWi bago umiba ng direksyon.

Pupuntahan daw muna niya si Kino at Casper dahil mag re-review daw sila sa subject nila na History. Akala mo totoo eh!

"Oo sige!" Sabi ko at nagpaalam na dito.

Nasa kubo daw si Kaila kasama si Maureen kaya doon din yung direksyon ko para puntahan silang dalawa. Hindi ko nga alam sa dalawang iyan paano natagpuan yung kubo na yon.

Connection.

Char!

"Grabe! Dumating rin!" Sabi ni Kaila na ngayon ay nakahiga na. Takte! Bakit nakahiga na ito?!

"Hi, Gia! Busy kana ha! Busy kay ano..." Aniya ni Maureen at nag apir pa nga sila nitong si Kaila!

Nagsisimula na naman sila! "Tigilan niyo ko, huh." Sabi ko at ipinatong yung bag ko sa lamesa.

"Si Martha?" Tanong ko sa kanila dahil wala na naman si Martha.

"Hanapan ba kami ng nawawala?" Masungit na sabi ni Maureen at umirap pa nga. Problema nito?

"Huwag mong hanapin yung taong ayaw magpahanap. Baka magpakita iyon." Natatawang sabi naman ni Kaila.

Nagtaka naman ako agad sa mga isinagot ng mga kaibigan ko. Bakit sila ganyan ngayon? Anong mayroon?

"Huh?" Yan na lang yung lumabas sa bibig ko at nai-text si Martha para hanapin.

To: Martha

Bakit wala ka pa? Okay ka lang ba?

Sent.

Inantay ko lang saglit yung reply ni Martha bago makipag-usap sa dalawang impakta na ito!

"Kumain na kayo breakfast?" Tanong ko sa kanila.

"Nope! We're waiting for you kaya!" Maarteng sabi nitong si Maureen.

"Kagutom na taena!" Sigaw ni Kaila.

"Pa-deliver na lang tayo!" Sabi ko sa kanila habang nagsasalamin sa repleksyon ng phone ko.

"Wow! Nakaka L.L ka ngayon, mamsh!" Sabi ni Kaila.

"Bagong sahod yan! Naamoy ko!" Sabi naman ni Maureen.

"Syempre sagot niyo. Inaantay niyo pala ako eh. Sige na, order na kayo." Sabi ko at tumawa ng malakas. Akala niyo, huh!

"Mygod! Ang corny mo!" Saad ni Maureen at inilabas yung phone niya para yata mag order na.

"Si Maureen na daw bahala satin! Thanks, Maureen!" Aniya ni Kaila.

Wala na din namang nagawa si Maureen at umorder na din naman siya thru online ng foods naming tatlo nila Kaila.

Nasaan kaya si Martha? Matagal tagal na din itong hindi nagpaparamdam, ah.

"Hoy Kaila!" Tawag ko sa atensyon nitong si Kaila na ngayon ay tulala.

Hindi ako pinansin nito at nakatulala pa din hanggang ngayon. Problema nitong babaeng ito?

"Kaila!" Tawag ko uli't sa pangalan nito.

"Ano ba yon?" Iritableng sagot nito sa akin.

"Wala!" Sabi ko na lang dito at nanood na lang ng mga funny videos sa phone ko.

Masaya naman kaming tatlo na nagsalo salo sa inorder ni Maureen na breakfast.

Nagiba iba din kaming tatlo ng direksyon ng magkaroon na ng class si Kaila. May pupuntahan kasi si Maureen. Ayaw pa nga sabihin ng gaga!

Dancing On A Broken Glass (Love Series #3 ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon